Inday TrendingInday Trending
Nilayasan ng Babae ang Nobyong OFW nang Malamang Hindi na Siya Mabibigyan ng Magarbong Kasal Nito; Isa Lamang Pala Itong Pagsubok

Nilayasan ng Babae ang Nobyong OFW nang Malamang Hindi na Siya Mabibigyan ng Magarbong Kasal Nito; Isa Lamang Pala Itong Pagsubok

“Oh pano, pare ingat na lang palagi. Huwag papahuli ng buhay. Tignan mo itong tatay ni Gia, nahuli ko ng buhay. Ayun, kinasal ng enggrande, apat na taon lang tumagal! Nganga.” Nagbibirong wika ni Dawn, ang magandang katrabaho’t kumare ng malapit nang ikasal na si Joshua.

Ngumiti na lamang si Joshua at kumaway dito.

Napaisip ito ng malalim. Bakit nga kaya karamihan sa mga ikinakasal niyang katrabaho ay naghihiwalay din.

Ayaw niyang mangyari iyon sa kaniya kaya’t sisiguraduhin niyang paliligayahin niya ang mapapangasawang si Charlotte.

Nakilala niya ang nobya sa pinagtapusang unibersidad sa Maynila. Hindi biro ang pinagdaanan niya mapasagot lamang ito. Halos dalawang taon niya ring niligawan hindi lamang ito kundi pati buong pamilya ng dalaga.

Maraming nagsasabing alangan daw sila ng dalaga. Napakaganda nito samantalang siya’y simple lamang. Gayunpama’y napakaraming nagkakagusto sa binata. Siguro’y dahil napakamaginoo nito at busilak ang kalooban.

Ika nga ng kumareng si Dawn, sa palagay niya ay magiging isang ulirang ama si Joshua.

“Bro, mamimiss kita. Wala na akong mapapagsabihan ng problema. Lalo na ngayon, sinabi ko na kay Macky na magpakasal na kami kahit kumain na lang kami sa Jollibee na dalawa pagkatapos, hindi ko kailangan ng enggrandeng kasal. Gusto ko lang na lumagay na kami sa tahimik. Ayaw naman niyang pumayag. Hindi pa daw siya handa.” Saad ng kaibigan nitong si Trina. Para niya na itong bunsong kapatid.

Pinayuhan na lamang ni Joshua ang kaibigang bigyan pa ng oras ang nobyo.

Sa nalamang iyon ay bumilib ito sa kaibigan. Napakasuwerte pala ni Macky, kahit hindi magarbo ang kasal ay handa itong pakasalan ng nobya.

Doon pumasok sa isip niyang subukan ang pagmamahal ng nobyang si Charlotte.

“Mahal, grabe miss na miss kita! Lalo kang sumeksi at gumanda.” Napakalagkit ng tingin ni Joshua sa nobya.

“Bolero ka talaga. Baka may iba ka nang binobola sa ibang bansa ha! Teka, nasaan ang mga bagahe’t pasalubong mo?” Saad ng nagtatakang nobya.Natatawa pa si Joshua ngunit pilit niya iyong pinipigilan.

“Mahal, iyon nga sana ang ipagtatapat ko. Wala akong nabiling pasalubong maski Isa.” Umaarte pa itong naluluha.

“Ha?!!! Wala kang nabili ni isa sa mga pasalubong ko? Paano iyong sapatos ko sa kasal? Yung hikaw at kuwintas na white gold. Ano ba Naman ‘yan Joshua! Magkakaterno iyon, naikuwento ko na sa mga kaibigan kong iyon ang isusuot ko sa kasal! Mapapahiya ako!” Namumula na sa galit ang dalaga.

Tila sa inakto ni Charlotte ay nawala ang ngiti ni Joshua. Anong nangyari sa nobyang dati rati ay napakalambing?

“So… Sorry, mahal… Kaunti lang ang naipon ko.. Puwede bang simpleng kasal na lamang ang gawin natin? Kahit sa Jollibee na lamang tayo kumain kasama ng mga kapamilya natin pagkatapos ng seremonyas. Iyon naman ang mahalaga hindi ba, nagmamahalan tayong dalawa.” Naalala nito ang kaibigang si Trina.

“Ikasal ka na lang mag-isa! Wala kang isang salita! Kung hindi mo kayang ibigay ang dream wedding ko’y magpakasal ka na lang sa ibang tangang babae diyan sa tabi-tabi!” Sambit ng nobya pagkatapos ay inayudahan siya ng paglayas.

Naiwang tulala si Joshua. Doon niya lamang nabatid na tama ang matagal na niyang napapansin sa nobya. Mukha itong pera. Panay ang pabili nito sa kaniya ng mga mamahaling gamit at sa tuwing hindi niya nabibigay agad-agad ang mga ito’y hindi nito sasagutin ang kaniyang mga tawag.

Nabulag siya ng pagmamahal.

Lugmok na lugmok ang binata. Tila nabunutan naman ng tinik sa dibdib ang ina nitong si Mommy Fe.

“Nak, mother knows best. Bago pa lamang kayo’y bisto ko na ang kakaibang ugali ni Charlotte. Hindi nararapat para sa kaniya ang mga luha mo.”

Laking pagtataka naman ni Joshua nang mapansin niyang pirming laman ng kaniyang utak ang katrabahong single mom na si Dawn.

Tila namimiss niya iyon.

Sinasaway niya ang kaniyang isip ngunit para itong langaw na nakadapo lamang talaga sa kaniyang balintataw.

Maya-maya’y nag-ring ang kaniyang cellphone. Tila nakaramdam si Dawn at tinatawgaan siya.

“Mare, balita?”

“Ninong, how are you? This is Gia.” Tuwang-tuwa si Joshua nang malamang ang inaanak ang kausap.

“Nakauwi na din po si Mommy but she is sick. Tapos she is crying. Saying your name. Like this po; Joshua alam kong ikakasal ka na pero gusto ko malaman mo mahal kita.” Pilipit pa ang dilang saad ng batang si Gia.

Tawa ng tawa si Joshua sa narinig. Sa isip niya’y ang pagsasalita ba ng bata ang tinatawanan ko o nangingiti na ako sa kilig?

“Gia! Gia! Who is that?” Naririnig niya ang malat na tinig ng kaibigan.

Hindi nito matiis si Dawn kaya’t agad itong tumungo sa condo unit ng kaibigan.

Sumama pa roon si Mommy Fe sapagkat giliw na giliw ito sa batang si Gia.

“Ipapasyal ko muna si Gia sa labas. Alagaan mo muna ang kasintahan… Este kaibigan mo..” Pangangantiyaw ng botong-botong ina ng binata.

Nang maamoy ang pabango ni Joshua ay pilit bumabangon si Dawn kahit hinang-hina Ito.

“Pahinga ka. Alagaan kita. Puwede bang paki ulit yung mga sinasabi mo kanina noong nagdidiliryo ka?” Nangingiting sambit ni Joshua.

“Alam mo naman sigurong matagal na kitang mahal.” Pagtatapat ni Dawn.

“Akala ko nga’y pagmamahal ang nararamdaman ko para kay Charlotte pero nang maghiwalay kami, imbes na siya ang maisip at iyakan ko’y pirmi ka lang nasa isip ko.”

Gulat na gulat si Dawn nang ikuwento ng binata ang pinagdaanan sa dating nobya.

Dahil parehong galing sa mapait na pakikipagrelasyon ay napagkasunduan ni Dawn at Joshua na kilalanin muna ang isa’t-isa nang maigi bilang nag-iibigan.

Nang lumipas ang ilang taon ay naaprubahan na ang annulment ni Dawn at dating asawa nito.

“Will you marry me?” Tanong ni Joshua sa dalaga nang si Dawn.”Yes. kahit saan pakakasalan kita.” Sagot nito.

Tuwang-tuwa si Mommy Fe sa desisyon ng dalawa. Tinuring na nitong tunay na apo si Gia. Sa inis kay Charlotte ay pinadalhan niya ito ng imbitasyon sa kasal.

Tumawag ito sa kaniya upang sabihing hindi ito makakarating sapagkat kabuwanan na nito. Ang nakabuntis raw dito ay isang traysikel drayber at hindi ito pinanagutan.

Sinamantala na ni Mommy Fe ang pagkakataon upang ipaalam ang ginawang pagpapanggap ng anak.

Tila binuhusan ng malamig na tubig si Charlotte sa nalaman.

Tama lamang ba ang ginawang pagpapanggap ni Joshua? Ano ang aral na natutunan mo sa kathang ito?

Maraming salamat sa pagtangkilik, Kabayan!

Advertisement