Inday TrendingInday Trending
Binasted ng Babae ang Manliligaw Dahil Laging Marumi ang Paa Nito, Isa pala Itong Heredero!

Binasted ng Babae ang Manliligaw Dahil Laging Marumi ang Paa Nito, Isa pala Itong Heredero!

Ilang buwan na lamang ay ga-graduate na sa kolehiyo si Ashley, kaya naman madalas na ang practice nila ng martsa para sa graduation. Buti nga ay hindi na sila ni-require na magsuot ng uniform eh, ang init kasi. Bukod doon, nakaka-porma pa siya. Talaga namang lahat ay naglilingunan dahil naka mini skirt lang ang dalaga, idagdag pang maputi siya at maganda ang mukha.

Ganoon na lamang ang pagsimangot niya nang malayo pa lang ay natanaw niya na si Louie, ang isa sa mga masusugid niyang manliligaw. Gwapo naman ang lalaki kaya lang ay mahirap lang ito. Marami ang nagkakagusto rito sa eskwelahan dahil matalino ito at iskolar, bukod tanging siya lang ang hindi dahil syempre, poor nga. Na-bwisit pa siya dahil naka-tsinelas lang eto, at ew! Ang dumi pala ng paa nito.

“Hi Ashley. Naku, buti umabot ako. Kanina lang ako sinabihan na may practice pala ng graduation today,” nakangiting sabi nito, nagpapagpag pa ng pantalon na may lupa rin.

“Saan ka ba galing? Why are you so dirty, wag kang lumapit baka matalsikan yung skirt ko,” maarteng sabi niya.

“Galing ako sa bukid namin eh.” sagot naman nito. Magsasaka ito?! Lalong siyang na-turn off, malamang ay nakisakay lang rin ito sa jeep ng kung kanino at ibinaba somewhere dahil parang ang layo ng nilakad nito, ah, baka walang pamasahe. Wala itong pag asa sa kanya kaya mabuti palang ngayon palang ay sabihin na niya.

“You know Louie mabait ka naman and you’re cute too pero hindi yata tayo match,” panimula niya.

Malungkot namang napatingin sa kanya ang lalaki, tila nahuhulaan na nito kung ano ang kasunod na sasabihin niya kaya ito na ang nagtuloy noon, “Ayos lang kung hindi mo ako gusto, naiintindihan ko. Pero ma-appreciate ko rin kung magiging magkaibigan tayo kahit paano,”

“No, no Louie. You don’t get it eh. I don’t like you- as a boyfriend, as a friend, as anything. I don’t like you at all, ayokong malapit sa’yo, hindi tayo match gets mo yun? Hindi ang tipo mo ang mga taong gusto kong mapalapit sa akin. Eto kasi ako eh, tapos eto ka.” di niya napigilang sabihin, iminuwestra niya pa ang magkalayong mga kamay, isa ang nasa taas at isa ang nasa baba, syempre si Louie iyon. Ang kulit kasi! Akala niya ba matalino ito?

Malungkot namang tumango ang lalaki. “Good!” sabi pa ni Ashley bago ito talikuran.

“Talaga babe? What an idiot! Maldita ka talaga,” tatawa-tawang sabi ng boyfriend niyang si Melchor, ikinuwento niya kasi ang pangbabasted niya sa manliligaw noong kolehiyo. Bago lamang silang magkarelasyon ni Melchor at nagkakilala sila sa isang sosyal na bilihan ng kape, sinagot niya ito dahil may kotse ang lalaki at mayaman. Malinis rin ito sa katawan at alagang alaga ang skin, mas maarte pa sa kanya.

Isang taon na rin ang nakalipas, siguro ay ganap nang magsasaka si Louie, napangisi pa si Ashley sa kanyang naisip. Nilanghap niya ang sariwang simoy ng hangin dahil nagda-drive sila ngayon patungo sa probinsya, kikitain nila ang matandang babaeng mayaman na boss ni Melchor, isang accountant ang kanyang boyfriend sa kumpanya nito.

“Mayaman ang boss mo babe no? Isipin mo, pinapabayaan niya na lang gumalaw ang mga galamay niya sa Maynila tapos siya pabaka-bakasyon nalang dito sa probinsya,” sabi niya, may halong pagkainggit.

“Oo naman, grabe iyon. Ilang hektaryang lupain ang sakop niya dito sa probinsya. Kita mo yang maraming puno, yang may boundary na pader, kanya na yan. Hanggang doon sa dulo,” itinuro pa nito ang malawak na taniman, grabe, big time!

Bago pumasok ng gate ay nag-retouch muna ng make up si Ashley, sisipsip siya sa matandang babae, aba, baka pag nakuha niya ang loob ay ulanan siya ng swerte.

“O, nandito pala si senyorito.” sabi ni Melchor nang matanaw nito ang isang magarang kotseng nakaparada sa loob bago pa man sila bumaba ng sasakyan.

Napatingin naman si Ashley sa boyfriend at kumislap ang mata, Sorry Melchor, kapag nagustuhan ako ng senyoritong iyan ay iiwan kita, sa isip isip niya. Hinubad niya ang suot na jacket upang mas sexy siyang tignan at tumuloy na sila sa loob. Inabutan nila ang matandang babae na nakaupo sa lumang upuan, humihigop ito ng kapeng barako at nagbabasa, nang makita sila ay agad itong ngumiti. Pagkatamis tamis naman ng ngiting ibinigay rito ni Ashley.

“Eto na pala kayo, teka muna sandali. Nasaan na ba yung ballpen ko,” sabi nito habang inihahanda ni Melchor ang mga papeles.

“Okay lang po, may ballpen po ako madam,” sabi ni Melchor. Pinirmahan ng matanda ang papel, nakasaad pala roon na ililipat na nito sa pangalan ng apo ang pagmamay ari sa kompanya at sa lahat ng ari-arian nito.

“Nasaan na ba ang apo ko, batang iyan oo. Nasa bukid na naman siguro, alam nyo bang dati pa lang ay hilig na niya iyan. Kahit noong nag aaral yan sa Maynila ay umuuwi talaga dito kung walang pasok para lang magtanim ng mais. Aba’y ma-pride, parang ama niya. Ayaw na ayaw tumanggap sa akin ng pera, iskolar yan noong kolehiyo,” pagmamalaki nito sa kanila habang ipinatawag sa katulong ang apo nito.

Bumulong naman si Melchor, “Ang kwento pa nga, wala raw nakakaalam sa eskwela na heredero si Senyorito. Kapag inihahatid siya ng kotse ay sa malayo siya nagpapababa para walang makakita, nilalakad niya lang ang palapit sa unibersidad nila.”

Lalong nagningning ang mata ni Ashley, pag nagkataon pala ay jackpot siya. Buhay donya na siya.

“Ano’ng pipirmahan? Sabi naman sa inyo lola kahit bukid na lang ang sa akin, ayoko ng kumpanya.” sabi ng isang pamilyar na boses.

Nagulat si Ashley nang makilala ang lalaki. Si Louie.

“Sino pa ba ang magpapatakbo niyan ng mabuti kundi ikaw? Hala sige, pirma na nang makauwi na sila at aabutan sila ng dilim,” sabi ng matanda na hindi napansin ang pagkatulala niya. Saglit naman siyang sinulyapan ni Louie at tinanguan.

Pagkapirma ay bumalik na si Louie sa bukid, si Ashley naman ay sinamantalang nagkukwentuhan si Melchor at ang matanda, sinundan niya ang lalaki. Nakita niya ito agad na abalang nagtatabas ng mga talahib.

“L-louie! Remember me? Ashley, college graduation.. muntik nang maging tayo. I know natatandaan mo ako, you smiled sa akin kanina,” pa-cute na sabi niya. Nakahinga siya nang maluwag nang ngumiti rin ang lalaki.

“Of course, kumusta ka? hindi kita makamayan, baka marumihan ka dahil may putik ang kamay ko.” sabi nito.

“No! It’s okay, hindi ako maselan,” sabi niya at siya na ang kumuha sa kamay ng lalaki upang makipag shake hands, medyo nagulat ito sa ginawa niya dahil punung puno na rin ng putik ang kamay niya, muling nagsalita sa Ashley, “You know after all these years naisip ko sana pala binigyan kita ng chance noon, mabait ka pala at masipag..mga hinahanap ko sa isang lalaki. Unlike Melchor, ang gusto niya ay easy money. So what do you think? You wanna visit my apartment sa Manila?” dire-diretso niyang alok dito.

Nakangiti ang lalaki pero umiling ito. “You know Ashley, hindi naman ako nagalit sa iyo noon. I hoped for your happiness, sana one day mahanap mo na rin ang lalaking sinasabi mong bagay sayo. Blessing in disguise nga eh, kasi kung hindi mo ako binasted, hindi ko makikilala ang fiancee ko.” sabi nito.

Bago pa nakasagot si Ashley ay napalingon na sila ni Louie sa isang malambing na boses, “Babe! Look what I’ve found, baby mais, kaya lang natanggal sa tangkay.” sabi nito at ipinakita pa ang maliit na mais na napulot nito. Napangiti si Louie at inakbayan ang nobya na mababaw ang kaligayahan, pareho silang marumi dahil pareho sila ng hilig. Mabuti ang puso ng nobya niyang si Yngrid kahit pa mayaman rin itong tulad niya.

“Baby, this is Ashley, a college friend. Ash, si Yngrid, future misis ko,” masuyong sabi ni Louie.

“Hi Ashley! Siguro college pa lang mahilig nang mag emote si Louie ano? Na-meet ko siya sa park noon eh, I was walking my dog. Super sad sya kasi may nangbasted daw sa kanya, ang gwapo pa naman and he has a big heart. Bulag ang girl na yun,” komento nito na walang kaalam alam na siya na ang tinutukoy.

Bigla nalang tumalikod si Ashley sa dalawa, hindi na siya hinabol pa ng mga ito. Nagulat si Melchor nang bigla niya itong yayaing umuwi. Pahiyang pahiya ang babae at ang laki ng pagsisisi niya.

Advertisement