Masayang pamilya ang mayroon si Edgar. Mayroon siyang masipag at maasikasong asawa, at anim na mabubuti at masisiglang mga anak. Simple man ang buhay, hindi nagkulang ang mag-asawa sa pagbibigay ng pagmamahal at pangangailangan ng kanilang mga anak.
Ngunit sadyang malupit nga naman ang tadhana, nasa 15-anyos pa lamang ang kanilang panganay nang biglang bawian ng buhay ang kanyang asawa na si Lorna. Dahil ito sa isang malubhang sakit na kanyang namana pa mula sa kaniyang mga naunang kamag-anak. Dahil sa biglaan na pagkawala ni Lorna, ay labis ang paghihinagpis ang naramdaman ng kanyang naiwang pamilya. Si Edgar ang pinaka-nasaktan sa nangyari, pero bilang ama ay kailangan nitong magpakatatag dahil sa kanyang mga anak.
Alam niyang siya na lang ang masasandalan ng kanyang mga anak, lalo na sa pangayayaring ito. Kaya kahit mahirap ay nilaksan ni Edghar ang kanyang loob. Nang maihatid na si Lorna sa huling hantungan, at nanag papauwi na sila sa kanilang tahanan ay kinausap ng ina ni Lorna si Edgar.
Dahil may pagkamasungit ang kanyang biyenan, ay pilit nagpakumbaba si Edgar sa kanilang pag-uusap.
“Edgar, nag-uusap kami ng mga aking mga anak, mga kapatid ni Lorna, kung paano na ang gagawin ngayong wala na si Lorna upang mag-alaga at magbantay sa inyong mga anak,” bungad ng biyenan ni Edgar ng magkausap sila habang papalabas ng sementeryo.
“Mahihirapan kang buhayin silang mag-isa, kaya nagpag-isipan na namin sa bawat apo ko ay may naka-atas na tiyo o tiyahin na mag-aalaga at magbabantay sa kanila,” dagdag ng biyenan niya.
Nais na sanang magsalita ni Edgar ngunit nagpatuloy pa rin ang kanyang biyenan.
“Maari mo naman silang bisitahin ng kahit na anong araw. Hindi naman sila papabayaan ng mga anak ko. Inaalala ko lang na baka mapabayaan mo ang mga ito kung pagsasabayin mo ang pagtatrabaho at pag-aalaga sa kanila,” patuloy na wika ng matandang babae.
Bahagyang nag-init ang dugo ni Edgar sa marinig na salita mula sa biyenan, ngunit pilit niyang hinabaan ang kanyang pasensiya dahil may respeto siya sa ina ng kanyang yumaong asawa.
“Nais ko pong malaman niyo na lubos po akong natutuwa sa pagmamalasakit niyo po sa amin ng aking mga anak. Pero bilang ama nila, hayaan niyo po akong alagaan at palakihin ang aking anak na kami ay magkakasama,” magalang na sagot ni Edgar.
“Kung magkaroon man po ng problema at kailanganin po namin ang inyong tulong ay agad ko pong ipapaalam sa inyo,” ani Edgar sabay mano sa biyenan at agad ng natungo sa labas ng sementeryo kung saan siya hinihintay ng kanyang mga anak.
Noong una ay nahirapan si Edgar na pagsabayin ang trabaho at ang pag-aasikaso sa kanyang mga anak, mula sa pagluluto, paglalaba at pagpapaligo sa maliit pa niyang anak. Ngunit dahil ayaw ni Edgar na dumating ang araw paghihiwa-hiwalayin sila dahil hindi niya magampanan ang trabaho bilang isang ama ay naisipan niyang humingi ng tulong sa kanyang mga anak.
“Mga anak, alam ko hindi tayo sanay na wala na si nanay. Wala nang gumagawa ng mga gawaing bagay na dati ang mag-isa niyang nakakaya. Kaya nais ko sanang humingi ng tulong sa inyo,” wika ni Edgar habang pinupulong ang mga anak sa may sala ng kanilang bahay.
“Dahil si tatay ay nagta-trabaho ay kakailanganin ko ang inyong tulong,” wika nito.
At hinati ni Edgar ang mga gawaing bahay sa kanyang mga anak. Ang panganay na babe ay nakatokang magsaing at mag-init ng tubig, ang panganay naman na lalaki ay tinuruan niyang magkumpuni ng maliliit na bagay sa kanilang bahay at mag-igib, habang naiwan naman sa ibang anak ang paghuhugas ng pinggan, pagwawalis at pagliligpit ng higaan. Hinati-hati ni Edgar ang malilit na trabaho sa kanilang bahay upang matulungan nila ang bawat isa.
Tuwing Sabado at Linggo naman ay naglalaba si edgar at namamalantsa, at katulong niya rin ang mga anak sa pagbabanlaw at pagsasampay. Naging magaan ang trabaho sa kanilang tahanan dahil sila ay nagtutulungan.
Ngunit hindi sukat akalain ni Edgar na may pagsubok na naman na darating sa kanila, nagkaroon ng malubhang sakit ang isa sa mga anak nito. Dahil mahal ang pagpapagamot at medisina, napilitan si Edgar na ibenta ang lupain na kaniyang pagmamay-ari, pati na rin ang lupain na kinatitirikan ng kanilang bahay.
Nagagamot naman ang naging sakit ng kanyang anak ngunit ka-kailanganin ng mahaba-habang gamutan na aabot ng mga dalawang, kaya kahit ay tuluyan na niyang pinakawalan ang lupain, dahil kailangan nila ng malaking pera upang masimulan ang pagpapagamot sa anak.
Napilitan rin si Edgar na umalis sa kanyang trabaho dahil kailangan niyang masamahan at mag-alagaan ang nak habang ito ay nagpapagaling. Gamit-gamit ng perang nakuha mula sa nabentang lupa, ay bumili sila ng maliit na bahay na may maliit na hardin at doon nagtayo ng negosyo. Mula sa maliit na puhunan ay nagtayo ng gulayan si Edgar, kasabay ng isang maliit na tindahan na nakapwesto sa maliit na bintana ng kanilang bahay. Mas matutukan kasi ni Edgar ang pag-aalaga sa anak kung sa bahay na lang siya maghahanap-buhay.
Dahil sa pagsisikap at pagti-tiyaga ay lumago ang gulayan ni Edgar. Naging maganda at mabuti ang pakikitungo ni Edgar sa kaniyang mga tagabili at mga suki, kaya dahil dito ay mas nakilala ang kanyang mga sariwang gulay at dinadayo pa ng mga taga ibang lugar.
Tulad ng kanilang ama, ay lumaki ring masikap ang mga anak ni Edgar. Sa paglipas ng panahon ay nagamit nila ang disiplina at pagiging responsable na itinuro sa kanila ng kanilang ama noong sila ay maliliit pa lamang. Kaya bukod sa tulong na naibibigay ng kanilang ama, nakagawa ang mga ito ng paraan upang makapagtaps ng pag-aaral.
Sinigurado ni Edgar na sa lahat ng gagawin niya ay may ka-akibat itong dedikasyon at pagmamahal upang napagtatagumpayan niya ang mga pagsubok kasama ang kanyang mababait na mga anak.
Nagpatuloy ang pagsisikap ng lahat, maging ang pagta-trabaho ni Edgar sa kanilang. Hanggang sa unti-unti ng nakatapos ang kanyang mga anak sa kanilang pag-aaral, at nagkaroon na rin ang mga ito ng kanilang sariling pamilya. Hanggang sa ang anak niya na noon ay may sakit, ay gumaling rin at nakapagtapos, at ngayon ay ikakasal na.
Naging masalimuot man ang pinagdaanan ni Edgar sa kanilang buhay, ay hindi ito naging hadlang upang patunayan sa lahat ang wagas niyang pagmamahal sa kanyang lahat. Matapang nitong hinarap ang bawat pagsubok, baon-baon ang pagmamahal na iniwan ng kanyang asawa at ang pagmamahal na araw-araw niyang nararamdaman mula sa kanyang anim na anak.
Matapos ang walumpu’t limang taon, ay tuluyan ng natapos ang makabuluhang buhay ni Edgar. Baon-baon niya ang pagmamahal ng kanyang mga anak, na baon-baon din ang aral ng pagsisikap at wagas na pagmamahal ng isang magulang.