Inday TrendingInday Trending
Kahit Buhay Pa ang Nanay Nila ay Nag-aagawan na sa Mamanahin ang Magkakapatid, Hindi Nila Alam na May Ibang Pakay Ina Nilang Nakaratay

Kahit Buhay Pa ang Nanay Nila ay Nag-aagawan na sa Mamanahin ang Magkakapatid, Hindi Nila Alam na May Ibang Pakay Ina Nilang Nakaratay

Pagkasabi ng nurse kung saan ang room na hinahanap ni Rebecca ay agad niya iyong pinuntahan, kasama niya ang anak na teenager, si Reggie, 15 taong gulang. Pwede naman silang sumakay ng elevator pero sa pagmamadali ng babae ay mas pinili niyang mag-hagdan na lang. “Bilisan mo kasi, nandon na ang mga tita mo!” sabi niya sa anak at halos kaladkarin na ang binatilyo. Hindi naman umiimik ang bata, alam niyang sa mga ganitong sitwasyon hindi niya dapat kontrahin ang kanyang ina. Pagpasok nila sa kwarto, tama, naroon na ang dalawang tita at tatlong tito niya. Lahat ito ay nakatingin sa kanila. “Rebecca, sa iyo na lang ang 26 sq.meters na parte.” sabi ng tita Remy niya, ang panganay. Halos 65 taong gulang na ito. “Ha? Dahil bunso ako sa akin ang pinakamaliit? Teka muna, eh naghatian na kayo nang wala ako!” sabi ng kanyang ina. “Wag ka na ngang magreklamo diyan, sa akin nga ay 32 sq.meters lang, bwisit. Nagpunta pa ako rito para doon, bahain na nga ang liit pa ng sa akin!” mainit na ulong sabi ng tito Robert niya. “Kung alam ko lang din na ganyan lang pala edi sana hindi na ako lumuwas dito, nakita ko pa ang mga pagmumukha nyo,” sagot naman ng Tita Rita niya, may kaya na ang buhay nito sa Maynila. Nag away-away ang magkakapatid, tahimik lang na nagpalipat lipat sa mga ito ang kanyang mga mata. Hanggang mahagip ng mata niya na nakadilat ang taong nakahiga sa kama, ang kanyang lola. Agad niya itong nilapitan, nakita ng mga tita niya na nagising na ang matanda pero walang pakialam ang mga ito at pinag uusapan pa rin ang mamanahin. “Lola, kumusta ka?” sabi ng binatilyo. “Hindi mabuti, pero mapayapa na..” nakangiting sagot ng matanda. “Ano po ba’ng pinag aawayan nila? Yung lupa pong ipamamana ninyo?” tanong niya rito. Umiling ang matanda. Kung gano’n ano pala? Nagtatanong ang mga matang tumingin ang binatilyo sa kanyang lola, tila naintindihan naman iyon ng matanda. “Sinabi ko lang na may mamanahin para kahit sa huling pagkakataon dalawin naman nila ako.” Malungkot na niyakap ni Reggie ang kanyang lola, buhay pa kasi ito ay wala nang pakialam ang mga anak at hatian sa mana na agad ang iniisip. Nalimutan nila ang kanilang ina na pinakamahalaga sa lahat. Disclaimer: Ang kwentong ito ay kathang-isip lamang. Ang mga nabanggit na pangalan, karakter, negosyo, lugar, pangyayari at mga insidente ay maaaring produkto lamang ng imahinasyon ng may-akda. Anumang pagkakapareho sa sinumang nabubuhay o pumanaw na tao o personalidad at aktwal na pangyayari ay nagkataon lamang. Ang Inday Trending ay isang website na ang layunin ay magbigay ng aral, inspirasyon at katuwaan sa mambabasang Pilipino sa pamamagitan ng pagpapalawig ng aming imahinasyon upang makagawa ng makabuluhang akda na tumatalakay sa pang-araw-araw nating buhay. Ang mga akdang ito ay orihinal na gawa ni Inday Trending at ng kanyang mga manunulat. sa ibaba. Para sa mas maraming updates, i-like lamang ang aming Facebook page.

Advertisement