Inday TrendingInday Trending
Kahit na Nasasaktan ay Ipinaampon ng Ama ang Dalawang Anak, May Mabigat Pala Siyang Lihim at Kailangan Malayo sa mga Ito

Kahit na Nasasaktan ay Ipinaampon ng Ama ang Dalawang Anak, May Mabigat Pala Siyang Lihim at Kailangan Malayo sa mga Ito

“Sigurado ka bang mababait ang foster parents na ito?” tanong ni Claro sa kanyang kaibigan. “Oo ‘pre, pangako ituturing nilang parang tunay nilang anak sina Chloe at Darius.” Kahit nasasaktan ang damdamin ay pilit pa ring tiniis iyon ni Claro, “Sige pakisabi kakausapin ko sila bukas.” Hindi naman siya binigo ng kaibigan dahil kinabukasan din ay na-meet niya ang mag-asawang balak umampon sa kanyang dalawang anak. “Maraming salamat sa pagbibigay mo sa amin ng pagkakataong maging magulang.” Nalaman niyang hindi pala biniyayaan ng supling ang mag-asawa kaya gustong-gusto talaga nitong mag-ampon ng bata. “Sakto pa dahil gusto talaga namin ay babae at lalaki.” Tuwang-tuwa rin si Claro dahil napatunayan niya naman na mabait ang magiging mga magulang ng dalawa niyang supling. Hindi naman mahihirapan ang mag-asawa ang dalawa niyang anak dahil mababait rin ang mga ito. Si Chloe na bunso niya ay tatlong-taong gulang at ang panganay niya naman ay anim na taong gulang. Pagkauwi niya ng bahay ay tinawag at kinausap niya ang dalawang bata, “Darius kamusta ang buong-araw niyo?” Ganito palagi ang sitwasyon. Kapag magtatrabaho o aalis siya ay sa panganay na anak niya lang inihahabilin ang bunsong anak. Wala na kasi siyang kamag-anak na pwedeng ihabilin ang dalawa niyang anak. Bukod sa patay na ang asawa niya at wala naman siyang kapatid ay malalayo rin ang mga pinsan niya. Sinubukan niyang kontakin ang mga ito pero ilang ulit lang siyang nabigo. Ang pagpapaampon nalang talaga ang natitirang option para sa kanya. Habang kumakain ay masaya silang nagkukwentuhan. “Pa, sa first day ko sa school gusto ko ihatid mo ako ha.” Napangiti si Claro, “Oo, anak.” “Promise?” Sasagot palang siya nang bigla siyang mapaubo nang malakas. At doo’y nakita niyang dugo na ang lumabas sa kanyang bibig. “Pa, okay ka lang ba?” alalang tanong ng anak niya. “Oo anak, ito siguro ‘yung hot sauce na kinain ko,” biro niya pa. Kinabukasan ay inempake niya na ang mga gamit ng dalawang anak. Doon ay pinaliwanag niya rin sa mga ito kung saan ito pupunta, “May mababait kasi na tao na gusto kayong isama sa toy store. Tapos bibilhin nila yung laruan na gusto niyo.” Natuwa ang bunso niya samantalang ang panganay niya naman ay tila nakakahalata na. “Sasama ka ba sa amin, Pa?” “Hindi, anak eh. May work kasi si Papa ngayon.” Dumating na ang mag-asawa. Doon ay muli siyang tinanong ng lalaki, “Sigurado ka na ba?’ “Oo.” “Bakit hindi mo ilaan ang natitirang buhay mo para sa kanila.” Alam ng mga ito na may lung cancer siya at sa tindi niyon, anumang oras ay maari niyang lisanin ang mundo. Mariin siyang umiling, “Masyado na silang nasaktan sa pagkawala ng ina nila. Ayoko nang maulit iyon. Kayo nalang bahalang magpaliwanag sa kanila kapag nasa tamang edad na sila. Sana magawa niyong mahalin sila na parang tunay niyong mga anak.” Tinapik nito ang balikat niya, “Makakaasa ka.” Doon napayapa ang kalooban ni Claro. Alam niyang hindi siya nagkamali sa mga taong pinaghabilinan niya sa dalawang anak. Sigurado siyang lilisan siya ng payapa ang kanyang dibdib.

Disclaimer: Ang kwentong ito ay kathang-isip lamang. Ang mga nabanggit na pangalan, karakter, negosyo, lugar, pangyayari at mga insidente ay maaaring produkto lamang ng imahinasyon ng may-akda. Anumang pagkakapareho sa sinumang nabubuhay o pumanaw na tao o personalidad at aktwal na pangyayari ay nagkataon lamang. Ang Inday Trending ay isang website na ang layunin ay magbigay ng aral, inspirasyon at katuwaan sa mambabasang Pilipino sa pamamagitan ng pagpapalawig ng aming imahinasyon upang makagawa ng makabuluhang akda na tumatalakay sa pang-araw-araw nating buhay. Ang mga akdang ito ay orihinal na gawa ni Inday Trending at ng kanyang mga manunulat.

sa ibaba. Para sa mas maraming updates, i-like lamang ang aming Facebook page.

Advertisement