Inday TrendingInday Trending
Marami ang Nagtaka Bakit Sabik na Sabik ang Matanda na Makahawak ng Pera, Ang Sakit Pala sa Puso ng Kanyang Pinaglalaanan

Marami ang Nagtaka Bakit Sabik na Sabik ang Matanda na Makahawak ng Pera, Ang Sakit Pala sa Puso ng Kanyang Pinaglalaanan

“Sige na naman, Sir pagbigyan niyo na ako. Kailangan ko lang talaga ng pera.” Napapailing nalang ang staff ng isang kilalang insurance company, “Lola, hindi nga po pwede kunin agad yung life insurance nyo. Makukuha niyo lang ‘yun kapag namatay kayo. Huwag naman kayo masyadong gahaman sa pera, ‘La.” Naiiyak na ang matanda, “Hindi ako gahaman. Kailangang-kailangan ko lang talaga ng pera. Parang-awa mo na. Promise mamatay din ako after 1 month.” “Beneficiary niyo po ang pwedeng kumuha nun. Hindi kayo, Lola.” “Hindi ko ba talaga pwedeng kunin ‘yun. Mamamatay naman ako pagkalipas ng isang buwan.” “Sorry, Lola. Hindi po talaga pwede.” Nanlulumong umalis ng insurance company ang matanda. Iniisip niya kung saan siya kukuha ng pera. Hanggang sa mapangiti siya nang may maisip na magandang ideya. Agad niyang pinuntahan ang doktor na nagtaning sa buhay niya. “Doc, doc!” tawag niya dito. “Oh, Lola kamusta na po kayo?” “Hindi okay, Doc. Bukod sa tinaningan nyo ang buhay ko ay kailangang-kailangan ko ng pera ngayon.” “Lola, aanhin niyo naman po ang pera. Sinabi ko na po sa inyo na hindi na advisable ang surgery sa sakit niyo.” “Alam ko, doc. Pero may kailangan lang akong paglaanan ng pera. Baka pwede mo akong pautangin ng P50,000?” Halatang nagulat ang doktor sa sinabi ng matanda, ngunit bago pa man siya magsalita ay may iniabot nang dokumento ito sa kanya, “Ayan doc, ang kasulatan na ikaw ang isa sa tatanggap ng life insurance ko.” “Sabihin niyo po muna sa akin ‘La, kung saan niyo po gagamitin ang pera.” Biglang natahimik ang matanda. Kilala ito ng doktor bilang masayahin kahit pa may sakit na ito. Kaya nga laking-gulat niya nang biglang itong umiyak, “Para matubos ko ‘yung bahay na sinanla ng mga anak ko.” “Po?” gulat ang doktor sa tinuran ng matanda. “Sinanla kasi iyon ng mga anak ko nang ‘di ko alam. Kelan ko lang nalaman. Kaya gusto ko sanang tubusin para may matirhan ang mga apo ko.” Hindi lingid sa kaalaman ng doktor na ang matanda ang nag-aalaga sa mga anak ng yumao niyang panganay na anak. “Kailangan kong mabawi ang bahay para masigurado kong hindi sa kalsada magpakalat-kalat ang mga apo ko.” Iyak nang iyak ang matanda. Sa kabila ng sitwasyon nito ay ibang tao pa rin ang iniisip nito. Bumilib at napamangha siya sa kabutihan nito kaya naman walang pagdadalawang-isip na pinautang niya ang matanda. Image courtesy of www.google.com Maayang-masaya naman ito at laking-pasalamat sa doktor dahil sa kahilingang tinupad nito bago man lang siya mawala. Samantalang ang mga apo nito ay safe na ang tirahan at kinabukasan.

Disclaimer: Ang kwentong ito ay kathang-isip lamang. Ang mga nabanggit na pangalan, karakter, negosyo, lugar, pangyayari at mga insidente ay maaaring produkto lamang ng imahinasyon ng may-akda. Anumang pagkakapareho sa sinumang nabubuhay o pumanaw na tao o personalidad at aktwal na pangyayari ay nagkataon lamang. Ang Inday Trending ay isang website na ang layunin ay magbigay ng aral, inspirasyon at katuwaan sa mambabasang Pilipino sa pamamagitan ng pagpapalawig ng aming imahinasyon upang makagawa ng makabuluhang akda na tumatalakay sa pang-araw-araw nating buhay. Ang mga akdang ito ay orihinal na gawa ni Inday Trending at ng kanyang mga manunulat.

sa ibaba. Para sa mas maraming updates, i-like lamang ang aming Facebook page.

Advertisement