Tinawag na Madamot ng Babaeng Ito ang Pinsang OFW dahil Kaunti Lamang ang Natanggap na Pasalubong, Iba ang Hagupit ng Karma nang Siya ang Napunta sa Sitwasyon Nito
Pagkatapos ng walong taon na paghihintay ay umuwi na rin ng Pilipinas ang pinsan ni Vangie mula sa Qatar. Nagmamadaling sumakay ng tricycle ang babae papunta sa bahay ng mga ito, naku sigurado siyang maraming laman ang Balikbayan Box, mahirap na baka maubusan siya ng ibang kamag anak kaya umalis na siya ng bahay kahit tulog pa ang mga anak niya. Ite-text niya na lang na sumunod ang mga ito sa bahay ng tita Sally ng mga ito. Pagkababa niya ng tricycle, tama ang hinala niya. Ang dami nang kamag anak nila ang nandoon, pinapalibutan ang bagong dating na si Sally. Nakamaong jacket pa ang babae at nakapukaw agad sa atensyon ni Vangie ang gold na kwintas na suot nito, talagang big time kapag abroad. “Sally! Saan ang sakin?” tanong niya agad, hindi man lang kinumusta muna ang pinsan. Nagpahid naman ng pawis ang babae na halatang kanina pa pagod sa pangungulit ng mga kamag anak, ni hindi pa nga nakakabihis ito. “Ay ate, teka muna. Saan ba ang sayo.. ate Vangi..ate Vangie, ayun! Eto te o,” sabi nito, iniabot sa kanya ang dalawang pirasong lotion, tatlong garapon ng shampoo at dalawang pack ng chocolate. May paperbag rin na ang laman ay damit siguro ng mga anak niya. “Ito lang? Sally, ang tagal mo sa Saudi!” kantsaw niya rito. “Pasensya kana te, nagpapadala din kasi ako buwan buwan kaya hindi nakaipon ng pampasalubong. Tsaka marami kasi kayo,” nahihiyang sabi ng babae. “Nako Sally ha, wag kang kuripot. Masamang masama yang nagdadamot ka sa kapwa lalo pa at kamag anak mo kami. Baka may alahas ka naman dyan?” di pa nakuntentong sabi niya rito. “Ate wala na talaga, sa nanay na itong kwintas na suot ko eh. Pasensya na talaga te.” sabi naman ni Sally. “Ako nga ang ipasok mo dyan sa Saudi nang malaman natin. Sigurado ako ang laki ng kinikita mo pero nagdadamot ka. Pag ako ang nandyan nako hindi ako magdadamot.” sabi niya, gustong gusto niya rin naman talaga kasing makapag abroad noon pa man. “Sige ate,” sabi ng nasaktang babae. Tinupad naman ni Sally ang pangako nito sa kanya, tinulungan siya nitong makapunta rin sa Saudi. Bago umalis ng Pilipinas ay todo ang yabang ni Vangie sa mga kapitbahay, paano kasi, yayaman na siya. Ganoon ang kanyang pananaw, kapag nasa abroad, mayaman, maginhawa, sadyang madamot lang ang pinsan niyang si Sally. Pagdating sa Saudi, agad siyang pumunta sa kanyang amo pero ang buhay pala dito ay di katulad ng inaasahan niya. Hindi siya pinakakain, hindi pinalalabas. Ipinapahiya at masahol pa sa hayop ang turing sa kanya. Ilang buwan ang tiniis niyang hirap at pangungulila, ni hindi siya makatawag sa mga anak. Bugbog ang katawan niya sa trabaho pero napakaliit ng sahod. Hindi na niya tinapos ang kontrata at umuwi na agad sa Pilipinas. Naisip niya, kung halos ikamatay na niya ang ilang buwang pamamasukan sa ibang bansa, paano pa kaya si Sally na taon ang tiniis? Pagkatapos ay hinahanapan niya pa ito pag uwi dito. Ito ang naging paraan ng Diyos upang imulat ang kanyang mga mata na hindi lahat ng nasa abroad ay maginhawa ang buhay.
Disclaimer: Ang kwentong ito ay kathang-isip lamang. Ang mga nabanggit na pangalan, karakter, negosyo, lugar, pangyayari at mga insidente ay maaaring produkto lamang ng imahinasyon ng may-akda. Anumang pagkakapareho sa sinumang nabubuhay o pumanaw na tao o personalidad at aktwal na pangyayari ay nagkataon lamang. Ang Inday Trending ay isang website na ang layunin ay magbigay ng aral, inspirasyon at katuwaan sa mambabasang Pilipino sa pamamagitan ng pagpapalawig ng aming imahinasyon upang makagawa ng makabuluhang akda na tumatalakay sa pang-araw-araw nating buhay. Ang mga akdang ito ay orihinal na gawa ni Inday Trending at ng kanyang mga manunulat.sa ibaba.Para sa mas maraming updates,i-like lamang ang aming Facebook page.