Inday TrendingInday Trending
Nilagyan Niya ng Sili ang Ari ng Baldadong Ate Niya Nang Mapaihi Ito sa Higaan, Pagtanda Niya ay Haharapin Niya ang Karma

Nilagyan Niya ng Sili ang Ari ng Baldadong Ate Niya Nang Mapaihi Ito sa Higaan, Pagtanda Niya ay Haharapin Niya ang Karma

Maagang naulila sa magulang si Virgie, pitong taon pa lamang siya nang masawi sa aksidente sa isang bus ang kanyang mama at papa. Mabuti na lamang at nariyan ang kanyang ate Lourdes, hindi siya nahirapan sa buhay dahil ito ang nagsakripisyo para sa kanya.

Kahit na walong taon ang agwat nila at kinse lamang ang ate niya noong mga panahong iyon ay ito na ang tumayong nanay para sa kanya. Sa katunayan ay ni hindi na ito nakapasok sa kolehiyo para lamang magtrabaho at buhayin siya.

Hanggang mag-dalaga si Virgie, makapagtapos at magkaroon ng sariling pamilya ay ang Ate Lourdes niya pa rin ang nag alaga sa anak niyang si Via.

“I love you tita, dean’s lister ako ulit!” masayang sabi ng dalaga, graduating na ito sa kursong business management.

“Aba ang galing talaga ng baby kong yan, kaya mahal na mahal ko yan eh! Ipakita mo rin sa mommy mo ‘nak,” sabi ni Lourdes, abalang naghahanda ng meryenda ng dalaga.

“Hindi nya naman maa-appreciate, tiyak kong busy sa work yun.” malungkot na sabi ni Via, totoo iyon. Ang tita Lourdes niya na halos ang nanay niya dahil si Virgie ay abala sa trabaho, ang daddy niya naman ay isang seaman.

Napalingon ang dalawa nang marinig ang boses ni Virgie sa likuran, may kausap ito sa telepono. “Yes, yes I’ll be there in a few minutes may tinatapos lang ako rito sa bahay. Oo nga, sige..oo na. Bye,” tinapos na nito ang tawag.

“O kain na, meryenda.” alok ni Lourdes.

Napabuntong hininga naman si Virgie, “My God ate bakit ang dami pang hugasin? Pagod ako sa trabaho, kita nyo nga at akala ko day off ako ngayon tapos pinapupunta ako sa opisina. Wait yung polo ko bang pink nasa labahan pa?”

“Nasamsam kona, teka at pa-plantsahin ko.” nagmamadaling sabi ni Lourdes.

“Bakit ngayon lang pa-plantsahin? dapat noong sinamsam mo diretso plantsa na!” tumataas na ang boses ni Virgie, kadalasan ay ganito ang trato niya sa babae, katulong. Nalimutan niya nang ate niya ito na kinalimutan ang sariling buhay para sa kanya.

Nakamasid lang naman si Via sa dalawa.

Isang hapon ay malungkot na nakatulala si Lourdes, may luha sa mga mata nito. Galing siya sa doktor at sinabi nito sa kanya ang isang masamang balita.

“V-virgie. May cancer ako..stage 3 na.” sabi nito. Ang totoo kaya ito malungkot ay ayaw nitong iwan ang kapatid at pamangkin, hindi para sa sarili.

Saglit na napatulala si Virgie, hindi niya alam ang isasagot. Paano nalang pag nawala ang ate niya, sino na ang magsisilbi rito sa bahay?

Makalipas ang ilang buwan ay hindi na nakakatayo pa si Lourdes, ayaw nitong magpagamot dahil ayaw na magastusan ang kapatid. Nakaratay na lamang ang babae at hindi na nakakapagsalita, malaki rin ang ibinagsak ng katawan nito.

Laking inis ni Virgie dahil naabala ang trabaho niya at wala siyang makuhang tagapag alaga sa walang silbi niyang kapatid.

“Anak ng! Sinabi nang maghintay ka dahil kumukuha ako ng diaper mo!” bulyaw niya, napaihi kasi sa kama ang ate niya. Ito ang ikatlong beses na ginagawa nito iyon, pagod na pagod na sya!

Nakatingin lang naman sa kanya ang babae, hindi magawang magsalita.

“Hindi ka talaga matututo ha! Teka,” sabi niya at lumabas. Pagbalik niya ay may dala na siyang sili. Inangat niya ang bestida ng ate niya at ipinahid sa kaselanan nito ang sili, napaigik ito dahil mahapdi.

“Ano? Matututo kana ngayon?! Wag kang iihi!” galit na sabi niya rito. Ganoon na ang ginagawa niya rito pag di sinasadyang napapaihi.

Di rin nagtagal ay pumanaw na ang ate Lourdes niya at nakahinga nang maluwag si Virgie, wala nang alagain. Si Via naman ay walang tigil sa pag iyak dahil ikalawang ina niya ang nawala.

Makalipas ang maraming taon.

Tahimik na nakatanaw si Virgie sa bintana, maliwanag sa labas at maganda ang panahon. Gustuhin niya mang lumabas ay di na maaari, di niya na kaya. Na-stroke kasi siya at hindi na makatayong mag isa.

Tabingi ang bibig niya at umurong ang dila kaya hindi na siya malinaw pang magsalita, “V-via..i-ihi ako..” sabi niya, di niya namalayang napaihi na pala siya, akala niya ay iihi pa lamang.

Pumasok si Via na matabang na nakatingin sa kanya, hinipo nito ang kama niya at napansing basa na iyon. “Ay si mommy, napaihi kana.” sabi ng babae.

“Mommy naman eh, sabi ko diba kakatukin ka rito sa gilid if you need something,” inis na sabi nito. “Ilang beses ka nang umiihi, hindi ka natututo,” sabi nito at lumabas sandali.

Pagbalik nito sa kwarto ay nanlaki ang mata ni Virgie nang makita ang hawak nito sa isang platito, maraming maraming siling pula.

Umupo ang dalaga sa tabi niya at tinitigan siya.

“W-wag, sakit yan.” sabi niya.

Ngumiti ito at bumulong sa kanya, habang dakot sa isang kamay ang mga sili. Inilapit nito iyon sa kanya at nagsalita.

“Takot ka po no? Hindi ko gagawin sayo ang ginawa mo kay tita. Dahil ayokong tumandang malungkot, ayokong gawin din sakin ng anak ko. Sana ‘ma naisip mo yan.” sabi nito at kumilos na.

Napahagulgol naman si Virgie, naalala niyang ganitong ganito nga rin ang ginawa niya sa ate Lourdes niya noon. Nagsisisi na siya dahil alam na niya ang pakiramdam, sinuwerte lang siya dahil napalaking maayos ng ate niya si Via at hindi ginawa sa kanya ang kasamaan niya noon.

Napapikit siya at nagdasal, “Ate patawarin mo ako..” hirap na hirap na sabi niya.

Laging tandaan na ang buhay ay parang gulong, hindi palaging nasa ibabaw. Darating ang panahon at bababa rin kaya maging mabuti sa kapwa upang ang kabutihang iyon ay maibalik rin sa atin.

Advertisement