Inday TrendingInday Trending
Nagpangap Bilang Isang Manguhuhula ang Babaeng Ito Para Pagkakitaan, Laking Pagsisisi Niya ng Magising Niya ang Isang Demonyo

Nagpangap Bilang Isang Manguhuhula ang Babaeng Ito Para Pagkakitaan, Laking Pagsisisi Niya ng Magising Niya ang Isang Demonyo

“Nanaginip po ako na natatangal raw yung mga ngipin ko,” saad ng isang dalaga kay Aling Lenny. Ang kilalang manghuhula sa pamamagitan ng mga panaginip.

“Naku hija, ang ibig sabihin ng natatangal na ngipin ay malapit ka nang pumanaw. Oh di kaya’y malapit mong kamag-anak ang mawawala. Meron bang may sakit sa inyo?” saad ng ale.

“Meron po, ang tatay ko ay nasa ospital dahil sa diabetis at magang-maga na po ang paa nito. Sabi nga ng doktor ay puputulin ito,” saad ng dalaga.

“Maaring siya nga. Sabihin mo sa iyong ama na ilantad na ang iba pa niyang mga sakit na inililihim sa pamilya at nang magamot ng maaga. Ipaputol niyo na rin ang dalawang daliri niya sa paa, yung malala na,” wika ni Aling Lenny sa dalaga.

Siya si Lenny Manguyo, mag-isa na lang sa buhay. Pumanaw na ang kanyang mga magulang noong siya’y nasa bente anyos pa lang gawa ng sunog. Nasunog ang bahay nila at wala siya roon para sagipin ang mga magulang nito.

Hindi nakapagtapos ng high school si Aling Lenny dahil sa hirap ng buhay. Binuhay ni Aling Lenny ang sarili sa pamamagitan ng pagbebenta ng laman noong bata-bata pa siya at ngayong 40 na siya ay itong panghuhula naman ang kanyang pinagkukunan ng pera. Minsan ay nag lalabada din siya o di kaya naman ay naglilinis ng kuko ng mga kapitbahay at mga kaibigan.

Kahit matanda na ay sunod sa uso ang ale. Aktibo ito sa Facebook at maayos pa rin ang pangangatawan. Naging kilala rin siya sa pagbibigay kahulugan sa mga panaginip ng mga tao at minsan kung kakilala niya ay napapanaginipan niya rin ang mga ito.

“Mareng Wena, napanaginipan kita kagabi. Naglalakad ka raw at kumakaway papalayo sa ‘kin,” saad ni Aling Lenny kay Aling Wena na nililinisan niya ng kuko ng mga oras na iyon.

“Subukan mo mareng mag-abroad, sweswertehin ka, malakas ang pakiramdam ko,” dagdad pa niya.

At nagkatotoo nga ang panaginip na iyon ni Aling Lenny kay Aling Wena at doon na nagsimula ang usap-usapan na magaling ang matanda.

Kaya naman naisipan nito na pwede niya itong pagkakitaan. Mula noon ay tumatanggap na siya ng donasyon. Kung ang mga tao sa kanilang baryo lamang ang nagtatanong ay madali niya itong nasasagot dahil halos kilala niya ang lahat ng taga roon. Madali para sa kanya ang hulaan ang mga kapalaran nito at updated ito sa mga istatus nila sa Facebook.

Ngunit naisipan niya na palawigin ang kanyang kadugaan, gumawa siya ng FB page na pinamagatan niyang “Alamin ang kahulugan ng iyong panaginip..”

Kailangan munang mag pa-iskedyul ang mga nais magpakonsulta sa kanya para mapaghandaan niya ang mga sasabihin.

Nirerebyu na muna niya ang mga FB profile ng mga taong nais magpakonsulta upang maging kapani-paniwala ang mga sagot nito at maniwala ang mga tao na magaling syang manghuhula.

“Ale, napanaginipan ko po na kinakagat ako ng ahas na itim,” sabi ng isang dalaga na isa sa kanyang mga kustomer sa FB.

“Hija, ibig sabihin nito ay may isang magtataksil sa’yo. Puwedeng ang kaibigan mo o ang nobyo mo. Mag-ingat ka at magtiwala sa kutob mo,” sagot ni Aling Lenny. Umalis na ang dalaga at nagpasalamat. Naghulog rin ito ng 100 sa kanyang donation box.

“Oy nakaka 700 na ako isang araw pa lang. Maganda ‘tong naisip mo Lenny! Akala nila ay manghuhula ka talaga pero di nila alam na naistalk mo na sila sa kanilang FB profile. Mga bobo! Hahaha.” Saad ng matanda sa kanyang sarili habang binibilang ang mga pera sa kanyang donation box.

Madali sa kanya ang pagbibigay kahulugan sa mga panaginip dahil noong nagtratrabaho pa siya sa bar ay nakahiligan niyang basahin ang librong “Book of Dreams” habang wala pang kustomer na dumarating para uminom. Ang hindi talaga totoo sa kanya ay ang mga hula-hula nito.

“Lord, sana po ay bigyan niyo talaga ako ng powers na makapanghula para naman ‘di ko na sila masyadong niloloko,” dasal ni Aling Lenny sa Santo niya bago siya matulog.

Habang nasa kahimbingan ng pagtulog ang ale ay may pumasok sa kanyang bahay na lalaking ubod ng itim. Unti-unti itong lumalapit. Sinilip ng ale ang mga paa nito ngunit laking gulat niyang nakalutang ang lalaki.

“Umalis ka dito! Demonyo ka!” sigaw ng matanda. Ngunit papalapit na ito sa kanya at naaninag niyang wala itong mukha, lumuluha na sa takot ang matanda.

Hinawakan siya ng ng lalaking nakaitim at pilit ibinubuka ang bibig ng matanda. Ipinasok nito ang kanyang kamay sa bibig ng matanda. Naninigas na ng matanda at hindi siya makagalaw.

*** meow ***

Dumaan ang pusang itim sa ibabaw ng dibdib ni Aling Lenny at nagising ito.

“Waaag!” sigaw ng matanda na nagising sa isang masamang bangungot.

“May nagising ba akong demonyo? Panginoon patawarin mo ako,” umiiyak na sabi ng matanda habang nakaluhod ito.

At naulit pa ang mga panaginip na iyon. Habang tumatagal ay mas marami na ang pumapasok sa bibig ni Aling Lenny na parte ng katawan ng lalaking kulay itim.

Tumagal pa ito ng halos isang linggo at hindi na nakakatulog ang matanda sa takot na hindi na siya magising. Kaya naman napagpasyahan nyang pumunta sa simbahan at manalangin.

“Ama! Ititigil ko na po ang pangloloko ko. Wag niyo po akong hayaang kuhanin ng demonyo,” tsaka ito umiyak ng umiyak.

Simula noong gabing iyon, itinigil na ni Aling Lenny ang kanyang mga pangloloko. Pumunta rin siya sa simbahan at araw-araw na nagdarasal at tumutulong sa gawain doon.

Ngayon ay nagsisilbi na si Aling Lenny sa simbahan at hindi na muling nagkaroon pa ng masamang panaginip.

Advertisement