Inday TrendingInday Trending
Lubid Nga Ba Ang Solusyon?

Lubid Nga Ba Ang Solusyon?

“Happy birthday to me! Happy birthday to me! Happy birthday, happy birthday! Happy birthday to me!” pagkanta ni Lyca sa sarili habang sinasabayan ito ng palakpak, nag-wish muna siya bago niya hinipan ang kandila na nakatusok sa maliit na cake sa kanyang harapan.

Ika-labing walong kaarawan na ng dalagang si Lyca ngunit ni isa sa mga pamilya’t kaibigan niya ay walang nakaalala sa espesyal na araw na ito, kaya ito siya ngayon, nagdiriwang ng kanyang kaarawan mag-isa sa Riyadh.

Labing limang taong gulang pa lamang siya nang nagsimulang malayo sa pamilya at magtrabaho sa ibang bansa. Dahil nga sa bata pa siya noon, pinalabas na pag-aaralin siya dahilan para masabik ang dalaga sa pag-alis ngunit pagkadating niya sa bansang ito bigla na lamang siyang ipinasok biglang isang domestic helper.

Wala naman siyang magawa kundi ang sumunod sa kagustuhan ng kaniyang mga magulang. Ika pa nila, “Anak mabilis lang ang tatlong taon. Makakaipon ka pa dyan.” dahilan para lumakas ang loob ng dalaga. Kada tapos ng trabaho niya ay tumatawag ang mga ito upang mangamusta kaya naman ginanahan siyang magtrabaho..

Ngunit pagkalipas lamang ng isang taon, tumigil na silang mangamusta. Tumatawag lamang sila kapag nahuhuli ang padala nito ng pera. At kapag tumatawag ang dalaga dahil sa nararamdamang kalungkutan madalas na sambit nila, “Ang arte arte mo. Kaya mo yan!” na labis naman niyang dinamdam.

Isang araw pagkatapos ng kaarawan ng dalaga, napagdesisyunan niyang tumawag sa kanyang ina.

“Nay, kamusta kayo dyan? Birthday ko kahapon eh, hinihintay ko nga na batiin niyo ako kaso nakalimutan niyo na ata.” nguso ni Lyca sa kanyang ina.

“Hay naku Lyca, nasa tamang edad kana pero ang utak mo pang bata pa rin. Ano naman kung birthday mo? Dapat ba magpafiesta kami dito?” inis na ika nito, nagulat naman siya sa inasta ng kanyang ina.

“Nay, naglalambing lang naman po ako. Sobrang lungkot ko po kasi kahapon.” pagkukwento niya, mangiyak-ngiyak na siya.

“Lyca naman, puro ka lungkot, lungkot, ang isipin mo kung paano ka mas kikita dyan para mapagawa na natin itong bahay!” pagsigaw nito, bakas na ang inis sa kanyang boses.

“Opo nanay, pasensya na po kayo.” malungkot na ika ni Lyca, agad namang binaba ng kanyang nanay ang telepono.

Pagkatapos ng tawag na iyon, halos maiuntog na ni Lyca ang ulo sa sakit na nararamdaman. Wala nang pake ang kanyang pamilya sa kanya. Para na siyang nagiging robot na taga-pundar ng ari-arian.

Kinagabihan, dahil sa labis na kalungkutan, nais nang tapusin ni Lyca ang kanyang buhay. Wala siyang masabihan ng bigat sa kanyang loob kaya naman napag-isipan niyang mas mabuti nang mawala siya kaysa habang buhay siyang kakainin ng lungkot.

“Kung kinausap niyo lang ako ng ayos, sana nailigtas niyo ako. Pasensya na kayo, wala na kayong robot na magbibigay sa inyo ng pera. Alam ko labis kayong magagalit sakin, pero wala na akong pakialam, ang mahalaga ay matapos na ang delubyong naninirahan sa puso ko.” ika niya saka niya ipinasok ang kanyang ulo sa lubid na nakabitin, ngunit bago niya pa matadyakan ang upuan kung saan siya nakatungtong, niyakap na siya agad ng kanyang amo.

“Lyca! Hindi ito ang solusyon!” sigaw nito saka tumungtong rin sa upuan upang ikawala ang ulo ng dalaga sa lubid.

“Ate, hindi ko na po kaya. Sobrang lungkot na po, sobrang bigat.” iyak naman ni Lyca sa among minsan lamag tumigil sa bahay.

“Lyca, ganito talaga ang buhay sa abroad. Kapag sumuko ka, talo ka. Magpakatatag ka, para sa pamilya mo at higit sa lahat para sa sarili mo, okay? Andito lang ako, tawagan mo lang ako kapag wala ako dito sa bahay. Huwag ka mahiya sakin.” mahinahong pagpapakalma ng kanyang amo dahilan para humagulgol ang dalaga sa kanyang balikat, “Hindi solusyon ang pagtatapos sa buhay mo Lyca ha, ang tanging solusyon sa mga problema mo ay panalangin.” dagdag pa nito, lalo namang umiyak ang dalaga.

Labis ang pagsisisi ng kanyang pamilya nang mabalitaan ang pagtatangkang pagpapatiwakal ng dalaga. Ika ng kanyang ina sa telepono, “Patawarin mo ako anak, imbes na damayan kita sa lungkot na nadarama mo, isa pa ako sa mga rason kung bakit mo tinangkang tapusin ang buhay mo.” na labis namang ikinagaan ng loob ng dalaga.

Simula noon naging matatag at matapang na si Lyca sa pagharap sa hamon ng buhay. Dahil hindi na lubid at kalungkutan ang kasangga niya, kundi panalangin at kapayapaan ng puso.

Tunay ngang wala nang mas mabisang gamot pa sa sugat na dulot ng buhay kundi ang pagmamahal ng pamilya.

Advertisement