Inaapi ng Donya ang Dalagang Tabingi ang Mukha, Malaki pala ang Inililihim Niya Rito
“Stella, bilisan mo diyan sa paglilinis ng sahig at magpapakain ka pa ng aso,” bungad ng matapobreng matanda na si Dona Carmen.
“Opo Madam,” natatarantang sagot ng babae.
Mag-iisang taon ng kasambahay si Stella sa pamamahay ng matandang babae at ganito na din kahaba ang pagtitiis niya sa mala- impyernong pag trato sa kanya nito. Namasukan ang dalaga upang tulungan ang Tatang niya sa gastusin.
Iba ang mukha ng dalaga; para itong tabingi, kaya bata pa lang siya ay tadtad na siya ng panunukso ng mga kalaro hanggang sa mag- dalaga. Madalas pinipili na lang niya maiwan sa bahay kasama ang Tatang niya at bawasan ang pakikisalamuha sa mga tao.
Noon madalas siyang dalhin ng Tatang niya sa bahay ng mga Fabian, dito nakahanap siya ng isang tunay na kaibigan. Ang apong lalaki ni Dona Carmen, si Miguel. Di alintana ng batang lalaki ang hitsura ng babae, siya lang ang bukod tanging hindi nangutya o nanglait man lang bagkus siya pang tagapagtanggol nito sa mga ibang kalaro o tao na humuhusga sa panglabas na kaanyuan nito.
“Laro ulit tayo bukas ah, madami pa kong laruan dito.” paanyaya ng batang si Miguel.
“Naku, baka magalit na ang MamaLola mo napapansin ko kasi pag nakikita niya ko, lumalaki ang mga mata niya takot kaya ako.” saad ng batang babae.
“Wag mo na pansinin si Lola, ganun lang yun basta ako masaya ako kalaro ka Stella,”
“Ako rin Miguel.” at nag apir ang dalawa bago naghiwalay.
Sa maliit na barong nina Stella ay madalas nitong tinitignan ang larawan ng kanyang ina.
“Tang, musta kayo ni Inang nung buhay pa siya? siguro masarap siya magluto o kaya magaling siya kumanta kasi ang ganda ganda niya oh, minsan tuloy naiisip ko kung anak ba niya talaga ako.” biglang nalungkot ang dalaga.
Sanggol pa lang si Stella ay yumao na ang Inang Salve niya. Kwento ng kanyang tatang ay, hindi nito kinaya ang panganganak sa kanya pero laking pasasalamat pa rin nito at binigyan ng anak na katulad niya.
“Anak, mahal na mahal na mahal ka ng Inang mo kuhang kuha mo ang mga mata niya pati na ang busilak mong ugali, kaya wag na wag mong iisipin na iba ka sa mga ibang tao,” paliwanag nito.
Habang sa mansion naman ng mga Fabian ay isang ganap na binata na ang apo ni Dona Carmen.
“Iho, wag mo kalimutan ang baon mo at umuwi ka agad ang gwapo at bango talaga ng apo ko.” sabay kurot sa pisngi sa nag-iisang apo.
“Lola hindi na ko baby please, I’ll be fine.” hirit nito.
“Sige na at baka mahuli ka pa sa klase, ang pawis punasan ah.”
“Lola, stop it!” natatawang saway ng binata sa matanda.
Habang pababa ng hagdan ay nakita nito ang kababatang kalaro, “O Stella, anung ginagawa mo bakit ikaw ang naglilinis diyan?” takang taka na tanong ng binata.
“Iho, lumapit sa akin si Stella at kailangan daw niya ng extra income para matulungan ang tatay niya sa araw araw na gastusin kaya pinagbigyan ko na.”
“Basta Lola huwag mo siyang pahirapan masyado,” saad ng lalaki.
“Okay ako ang bahala sa kanya apo,” ngunit ito ay parang nakangiting aso.
Sinigurado muna ng mapang-aping Lola na nakaalis na ang apo at sabay sinabunutan ang naglalampasong dalaga, “Ikaw akala mong panget ka papadaliin ko buhay mo dito, leche ka subukan mo magsumbong sa apo ko malilintikan ka talaga sa akin!” Sinalampak pa ang mukha ng pobre sa balde na may maruming tubig.
Noong buhay pa ang asawa nitong si Don Jose nagka-anak sila ng isang magandang babae, si Salve. Ingat na ingat ang mag-asawa sa kanilang unica hija halos hindi ito pinalalapitan sa mga taong mahihirap at marumi. Ngunit isang di inaasahang pangyayari ang babago sa ugali ng matandang babae.
“Ingrata! Nakakahiya ka at pumatol ka sa hampas lupang lalaking iyon, nakakadiri ka!” sabay sampal kay Salve.
“Mahal ko siya Ma, at wala ka ng magagawa pa dahil dala dala ko ang magiging apo niyo,” tumatangis na saad ng dalaga.
“Hindi! hinding hindi ko matatanggap ang laman ng sinapupunan mo! paniguradong mabaho at amoy lupa yan dahil pumatol ka sa lalaking iyon!”
Kinaladkad, sinabunutan at walang habas na pinagsasampal ng ina ang anak at dinala ito sa dulo ng hagdan.
“Di ko matatanggap yan, kaya’y mabuti pang wag na natin hayaang makalabas yan.” balak itulak sa hagdan ng ina ang sariling anak sa hagdan.
Ngunit ito’y nasaksihan ng kanyang asawang si Don Jose, “Carmen! bitiwan mo ang anak ko!” sa pagkabigla ng matandang lalaki ay bigla itong napahawak sa dibdib at parang di makahinga.
Inatake sa puso matandang lalaki na lalong ikinagalit ni Carmen, isinisi niya iyon kay Salve at sa magiging anak nito. Ikinulong nito ang anak hanggang sa dumating ang araw na manganganak na ito. Pinatawag si Manang Pining na kilalang kumadrona sa lugar nila.
“Ire pa iha, sige pa.” hikayat ng kumadrona.
“Ah!” malakas na sigaw ni Salve habang ito’y hapong hapo sa kinahihigaan na papag. Sa likuran ay andun ang demonyitang ina na inaantay lumabas ang sanggol at mukhang may binabalak na hindi maganda.
“Ayan, kita ko na ang ulo konti pa hingang malalim..” sambit ng kumadrona.
Isang sanggol na lalaki ang lumabas, “Akin na patingin, aba gwapo ng batang ito” sabi ni Carmen. Habang hawak hawak na niya ang apong lalake ay may nakita pa na isang ulo si Aling Pining.
“Ay may isa pa,” dahan dahang hinatak ito at isang sanggol na babae naman ang lumantad. Tinignan ito kaagad ng matapobreng matanda.
“Susmaryosep, ano yan?!”malayong- malayo at kakaiba ang anyo nito kumpara sa sanggol na lalaki.
“Itapon mo yan, malas yan tignan mo ang hitsura nakakadiri!” madiin na utos ni Carmen kay Manang Pining.
Sa kasamaang palad, nalagutan ng hininga si Salve dahil sa hirap para mailabas ang kambal na anak. Binalaan niya ang kumadrona na ilihim ito hanggang sa hukay niya dahil kapag may nakaalam sa inuutos niya ay ipapaligpit niya ang pamilya ng kumadrona.
Akala ni Pining ay patay na ang sanggol ngunit nagulat siya ng ito’y biglang umiyak. Naisip niya na iwan ito sa isang kaibigang alam niyang tunay na mag aaruga sa bata. “Sa takdang panahon babalik ako upang ilabas ang katotohanan.” wika ng kumadrona.
“Lola, ito lang ba talaga ang litrato ni Mommy na naiwan niya?” Ito lang ang tanging alaala meron ang binata patungkol sa ina niya, nakatago iyon sa kanyang pitaka.
“Oo iho, yan lang ang naitago ko, tignan mo kamukhang kamukha mo ang ina mo. ” mahinhing sagot ng lola.
“Pero lola, napansin ko may birthmark pala ako dito sa na hugis puso,” habang tinuturo ang dibdib niya.
“Naku may ganyan din ang iyong ina, mukhang nakuha mo yan sa kanya.” sambit ng matanda.
“Pedring, nandyan ka ba?” sigaw ng isang babae sa harap ng bahay nina Stella.
“Sandali lamang po.” pinagbuksan ni Stella ang taong nagtatawag, “S-Sino po sila?” nahihiyang tanong niya at nagtago pa sa likod ng pinto.
“Ikaw na ba yan?” gulat na gulat na wika ng babae sa kanya.
Bago pa nakasagot si Stella ay dumating na ang kanyang ama.“Pining! ikaw pala yan, akala ko kung ano na ang nangyari sa iyo tagal natin di nagkita.”
Saglit lamang na nagkwentuhan nang masinsinan ang dalawang matanda, maya maya pa ay tinawag ni Pining si Stella. Saglit nitong tinignan ang balat sa dibdib niya, bago ay misteryosong ngumiti. Sunod na pinuntahan ng kumadrona ang bahay ng mga Fabian.
“Bakit ka nanndito? diba sinabi ko sa iyo na huwag ka ng magpapakita subukan mo lang guluhin kami ipakukulong kita!” galit na galit na bungad ni Carmen kay Pining.
“Hindi mo maitatago ang katotohanan habambuhay!” sabi nito bago umalis dahil tumawag siya ng guwardya.
Madalas bangungutin ang matanda tuwing gabi simula ng magkita sila ni Pining, isang babaeng ang galit na galit ang lagi nitong nakikita at puno ng hinagpis ang pagmumukha. “Tama na! Ayoko na ma! Magsabi ka na ng totoo!” sabi ng babae sa panaginip.
Samantala lingid sa kaalaman niyang narinig pala ni Miguel ang usapan nila ni Pining sa bakuran. Mula noon ay hindi na iyon naalis pa sa isipan ng binata.
Isang araw ay nasalubong ng binata si Stella, tiyak na inutusan na naman ito ng lola niyang maglinis dahil may bitbit itong timba at basahan. Di maiwasang mapasulyap ang binate sa bandang leeg ng dalaga. Di niya alam kung lukso ng dugo, basta para bang may nagsabing tumingin siya roon.
“Huy? Ayos ka lang ba?” takang tanong ng dalaga.
“Ewan ko, pareho kasi tayong may balat.” ikinuwento niya ang narinig mula sa kanyang lola at misteryosong babae, ikinuwento rin naman ni Stella si Pining na bumisita sa kanila.
Napagpasyahan nilang hanapin ang matanda pero tila tadhana na ang naglalapit sa kanila dahil naabutan nilang kausap nanaman ito ni Carmen sa gate.
“Hindi mo maitatago ang katotohanan!” sigaw ng babae.
“Ano ba ang nangyayari?! MommyLola, ano ba ito?” litong tanong ni Miguel na nagpalingon sa dalawa. Nasisindak si Carmen, ito na ang pinaka-kinatatakutan niyang mangyari.
“Ako ang nagpaanak sa inyo, itinago ka Miguel ni Donya Carmen dahil sa maayos ang mukha mo pero ang kapatid mong si Stella ay inutos niyang ipatapon dahil sa magiging malas daw ito sa pamilya dahil sa hitsura niya. Tignan nyo ang balat ninyo sa dibdib na hugis puso,” sabi ni Pining.
Iyak nang iyak si Stella, habang tulala naman si Miguel. Nagkatinginan ang dalawa ng dahan-dahan at biglang nagyakapan ng mahigpit.
“Hindi totoo iyan! patay na ang bata.. hindi pwedeng ikaw iyon!” takot na takot na wika ng Donya.
“Hindi siya patay! Iyan ang gusto mong mangyari, pero ibinigay ko siya kay Pedring para mahalin niya nang tama. O hindi ba? Hindi ba nagbubulag bulagan ka lang dahil alam mong si Pedring ang ama ng mga bata! Pasalamat ka nga at hindi ko sinabi sa kanyang dalawa ang kanyang anak, kundi maging si Miguel ay kukunin nya sayo!”
Nagtatakbo si Donya Carmen sa kwarto, iyak siya nang iyak.Pagkaraan ay bigla rin naming tumawa. Ang halakhak nito ay napalitan nang sindak nang magpakita ang babae sa kanyang panaginip. “H-hindi! Hindi ko sya apo! Hindi ka totoo! Alis!”
Nabaliw ng tuluyan si Donya Carmen, hindi nagtagal ay dinala nila ito sa Mental Hospital at doon na rin ito binawian ng buhay.
Habang ang magkapatid naman ay sobrang tuwang tuwa dahil muli ay nagkasama sila, lumipat na sa bahay nina Miguel si Stella kasama ang Tatang Pedring nila at kada taon ay ginugunita nila ang ina sa pagbisita nito sa puntod niya.
“Nay, magkasama na kami.” wika ng dalaga.
“Ma, sana matahimik ka na ako na bahala sa kanya.” dasal ng binata.