Pinagmalupitan ng Ama ang Anak na May Kakulangan sa Pag Iisip dahil sa Isang Ballpen, Napaiyak Siya Nang Malaman ang Totoo
Wagas ang pagmamahal ni Fredo kay Vangie, nasa kolehiyo pa lang sila ay talagang dinikitan niya na ito na parang linta. Kahit may ibang nanliligaw sa dalaga ay hindi iyon naging hadlang sa kanya. Wala nang ibang inaasam ang binata kung hindi mapasakanya ang dalaga.
Halos ibigay lahat ni Fredo ang panahon at oras sa babae. Ibang klase ang pagkahumaling niya sa kasintahan.
“Babe, halos 2 years na tayong dalawa pero ni minsan ay hindi kumupas ang pagmamahal ko sa iyo kaya alam mo you deserve better than this, ayaw ko nang maging girlfriend kana lang. Will you marry me?” may hinugot ang lalaki sa bulsa at hinawakan ang kamay ng nobya.
“Yes, Fredo!” maiyak-iyak na sagot ni Vangie.
Pakiramdam ng binata ay kumpleto na ang buhay niya, nakuha na niya ang pinakamimithing babae sa mundo at magiging ganap na asawa pa niya habangbuhay. Makaraan ang isang linggo ay nagpakasal muna sila sa huwes at paplanuhin sa susunod ang kasal sa simbahan.
Makalipas ang siyam na buwan
“Babe, manganganak na ata ako!” hiyaw ni Vangie.
Dali dali itong itinakbo ng mister sa ospital at diniretso na sa delivery room. Hindi mapakali ang lalaki kakahintay sa labas, naririnig niya ang mga sigaw ng misis na hirap na hirap na lalong nagpakaba sa kanya.
Lagpas sampung oras na pero wala pa rin lumalabas mula sa delivery room, tumigil na rin ang mga hiyaw ni Vangie habang nagdarasal ng taimtim si Fredo na sana ay okay ang lahat.
“Excuse me kayo po ba si Mr. Batac?” tanong ng doktor.
“Ako nga doc, okay naman po ba ang asawa ko?” natatarantang sabi ng lalaki. Sa wakas kasi ay may lumabas ring doktor.
“Sir I have good and bad news for you, ano ang unang gusto mong marinig?”
Mas lalong umakyat ang pagkapraning at takot ng lalaki, “Good news po muna.”
“You have a healthy baby boy.” seryosong sabi nito.
“Eh ang bad news ho?”
“Ginawa namin lahat para ma-revive ang misis mo, pero maraming dugo ang nawala sa kanya and I am really sorry but she did not make it.” malungkot na paliwanag ng doktor.
Pinagsakluban ng langit at lupa si Fredo, hindi ito makausap ng matino ng ilang linggo simula ng mawala si Vangie. Halos mabaliw ito at hindi matanggap na wala na ang asawa.
“Bakit mo ko iniwan mahal hindi ko ata kakayanin ito..” habang nagmumukmok sa kwarto kasama ang kanyang sanggol. Gabi gabi ang pagtangis ni Fredo at hindi nito tuluyang matanggap ang sinapit ng asawa.
Naging katuwang ni Fredo ang ina niya sa pagpapalaki sa anak na si Dave, noong ipatingin nila ang bata sa doctor ay nalaman nila na iba ang pag-iisip nito. “Daddy, kailangan niyo ng matinding pag unawa sa kaso ni Dave, may autism ang anak niyo hindi na siya makapagsalita at mabagal ang pag proseso ng utak niya sa mga nangyayari sa paligid niya,” paliwanag ng doktor.
Hindi lubusang maintindihan ni Fredo kung bakit ganito ang nangyayari sa buhay niya, namatayan siya ng asawa, natanggal siya sa trabaho, tapos ngayon ay ito pa.
“Bakit mo ba ako pinapahirapan?” lumuluha ito habang nagdarasal kada gabi.
Simula ng mawalan ng trabaho ay nanatili muna siya sa bahay at natagpuan muli ang hilig sa pagsusulat ng mga maikling storya. Nagtataka lang siya kung bakit laging nawawala ang ballpen niya na napaka importante sa kanya dahil bigay ito ng pumanaw na asawa.
Habang nagsisigaw sa loob ng bahay at hinahanap ang ballpen niya, bigla siyang napadaan sa kwarto ng anak at nakita na pinaglalaruan nito.
Bigla niyang hiniyawan at binatukan ang kawawang bata. “Bwisit ka talaga, mas importante pa ito sa iyo!” galit na galit na pagbubunganga niya sabay hablot sa ballpen.
Ngumiti lang ang bata na parang may itinuturo kay Fredo pero hindi niya ito pinansin.
“Ano ka bang abnormal ka, magsalita ka leche sinisira mo ang araw ko!” sabay itinulak ang anak na biglang umiyak at naglupasay sa sahig. Dali dali naman sumaklolo ang lola nito at kinausap si Fredo.
“Intindihin mo naman ang anak mo, bakit ba galit na galit ka sa bata di ka naaawa sa kanya?” tanong ng ginang.
“Kasalanan ng abnoy na yan kung bakit nagkaganito ang buhay ko, kung di lumabas yan eh di sana buhay pa asawa ko sana masaya pako!” pasigaw na sagot niya.
“Hindi kasalanan ni Dave bakit ka nagkakaganyan anak. kailangan niya ang pagmamahal mo, iparamdam mo naman sa kanya kahit katiting hindi siya hayop na babalewalain mo lang, tao siya Fredo.. anak mo siya.” habang tumatangis ang lola at pinapakalma ang apo.
Ngunit naging matigas ang puso ni Fredo at lumabas lang sa kabilang tenga ang hiling ng matanda. Tuloy pa rin ang pagkamuhi niya sa kawawang anak.
Malapit nang matapos ni Fredo ang kanyang unang storya, ngunit napansin na naman niya na wala ang kanyang ballpen. Sobrang init ng ulo ng lalaki at may hinala siya kung sino ang may sala.
“Dave!” isang napakalakas na sigaw niya, pabalya niyang binuksan ang pinto ng kwarto nito.
Hindi sumagot ang bata, inosente nitong nilalaro ang ballpen.Kaya naman lalong uminit ang ulo ni Fredo.
“Diba sinabi ko na huwag mo gagalawin ang gamit ko? nakuha mo pang sayangin ang tinta!” sabay punit sa papel na sinusulutan ng anak. “Punyeta kang inutil ka!” Di niya na na[pigilan at nasuntok ang mukha ng bata.
“Fredo huwag tama na anak, maawa ka sa kanya please!” pag aawat ng lola nang marinig na sumisigaw siya.
“Magsama kayong mag lola!” galit na wika niya at nagmartsa palabas ng kwarto.
Naglasing ng gabing iyon si Fredo para maibsan ang mainit na ulo niya, pag uwi niya kinaumagahan ay dumiretso siya sa kwarto para tapusin na ang pagsusulat niya pero muli, wala na naman ang ballpen niya. “Walang kadala-dala talaga, Dave!” sigaw niya.
Pagpunta niya sa kwarto ng anak ay wala siyang inabutan. Habang hinahanap niya ito, isang papel ang tutusok sa matigas na puso ng ama. Hindi pa niya mabasa nang maayos dahil punit punit iyon at tabingi ang mga letra pero nang mabuo niya ang mga papel ay biglang na lang siyang napaluhod at lumuha nang lubos.
“I love you Daddy” habang may dalawang tao na hugis stick na magkahawak ang kamay na sumisimbolo sa isang bata at isang ama.
Hindi na nakapagsalita si Fredo at tanging luha lang ang lumalabas sa kanyang mga mata, “Anak ko..” hinagpis ng ama habang yakap yakap ang isinulat ng anak at drawing.
Di niya alam kung saan hahanapin ang mag-lola, naalala niya bigla na anibersaryo ng kamatayan ng asawa niya at magbabakasakali siya na nasa sementeryo ang mga ito. Dali dali siyang pumunta roon.
Pero bigo siya, wala roon ang mag-lola. Napaluhod na lamang siya sa puntod ng misis , “Vangie kung naririnig mo ako, mapatawad mo sana ako sa nagawa ko sa anak natin. Nakalimutan ko nang mabuhay noong mawala ka sa piling ko. Ang pagkakamali ko ay naibuhos ko kay Dave ang pait at hinagpis ng sugat na naramdaman ko. Babawi ako sa kanya, babawi ako sa anak natin.”
Nagulat na lamang si Fredo nang may biglang tumawag sa kanya. Paglingon niya ay naroon ang mag- lola.
Kumaripas siya nang takbo at hinagkan ng napakahigpit ang anak. “Patawarin mo si Daddy anak, wala kang kasalanan si Daddy ang may mali..” sising sising saad niya.
“Nagulat ako ng nagsimula siyang magsulat sa papel, ilang buwan niya yang ginawa kaya kung mapapansin mo laging wala ang ballpen mo, mahal na mahal ka ng anak mo Fredo hindi man niya maipadama ito o masabi dahil sa kalagayan niya, pero sa puso niya at isip niya pinilit niyang makahanap ng paraan para masabi yan sa iyo.” kwento ng ina ni Fredo.
Simula noon madalas na niyang ipasyal ang anak, tinuturuan pa niya itong magsulat at mas naging malapit na siya dito. Sa katagalan ay natutunan ni Fredo na patawarin ang sarili at natanggap niya nang ang pagkawala ng asawa ay hindi kasalanan ng inosenteng anak.
May mga bagay na hindi na natin hawak, pero yung mga kaya natin ibigay- katulad ng pagmamahal at pagpapatawad ay dapat mangibabaw anumang oras.