Inday TrendingInday Trending
Pinagyayabang ng Lalaki sa mga Kumpare ang Pambababae Niya, Napahiya Siya nang Ma-Bulgar na Maliit lang ang Ari Niya

Pinagyayabang ng Lalaki sa mga Kumpare ang Pambababae Niya, Napahiya Siya nang Ma-Bulgar na Maliit lang ang Ari Niya

Apat na taon nang nagsasama sina Sophia at Rolly. Ganoon kamahal ng babae ang kanyang mister, na kahit ubod ito ng babaero ay di niya iniiwan. Bukod kasi sa may isa silang anak, malaki rin ang tiwala niya na magbabago pa ito kaya nagtitiis siya. Lingid nga lamang sa kaalaman niya ay wala naman itong balak, nagpapanggap lang ito at sa pagtagal ng panahon ay lalong gumagaling gumawa ng kalokohan at magtago.

“Oo, papunta na ko dyan. Naligo ka na ba? Oo baby girl, humanda ka sakin,” natatawa pang sabi ni Rolly habang palihim na tinatawagan ang kabit niyang si Yssa.

Humagikgik naman ang babae sa kabilang linya, “Oo nakaligo na ko. Magdala ka ng condom ha?”

Bago pa nakasagot si Rolly ay kumatok ang misis niya sa pintuan ng banyo, “Honey, matagal ka pa ba? Paliliguan ko na sana si Sam dahil isasama ko sa supermarket,”

“Ay teka baby nandito na si losyang, sige. Sige bye see you..E-eto na hon palabas na! Buhusan ko lang to!” sabi niya at nagkunwari pang nag-flush ng toilet.

“Ingat ka ha? Ready na ang lunch mo, ilang araw ka nga ulit sa seminar hon?” tanong ni Sophia.

“3 days raw, or baka ma-extend. Depende sa kliyente,” sagot ni Rolly at hinalikan na ang misis. Walang kaalam alam ang babae na ibang babae ang ise-‘seminar’ niya.

“Honey, yung ano pala..kuryente natin. May disconnection notice na,” sabi ng babae. Mister niya lamang ang naghahanapbuhay ngayon dahil seloso ito at ayaw na magtrabaho pa siya. Bagamat magaling ang babae, sa bahay na lang siya upang matutukan ang kanyang mag ama.

“Wala akong cash eh,” sabi ni Rolly.Ang totoo ay itinatabi niya ang pera para sa paglalakwatsa nila ng kerida.

“S-sige, gagawan ko nalang ng paraan.Hihiram na muna ako kina mama,” sabi ng babae.

Pagkaalis ni Rolly sa bahay ay dumiretso na siya sa apartment ni Yssa at sinundo ito, nagpunta sila sa Tagaytay at naghoneymoon doon na parang mag asawa.

“Baby boy, parang gusto ko ng iPad kasi sira na yung laptop na binili mo,” lambing ni Yssa sa lalaki. Sa kanya lang nauubos ang pera ng lalaki at sinasadya niyang wala nang matira kay Sophia.

Ang totoo, di niya naman talaga mahal si Rolly. Pera lang nito ang gusto niya.

“Sige, bibili tayo pagbalik natin sa Manila hmm,” sabi ng lalaki at hinalikan pa sa leeg ang kabit. Dahil ubod naman ng pilya ni Yssa ay kinuha niya ang cellphone at binuksan ang camera. Ipinatong niya iyon sa isang tokador na nakatapat sa kama.

“Video natin para masarap balik-balikan,” sabi nya sa lalaking napangisi. Hinalikan niya ito at pinagsaluhan na naman nila ang kataksilan.

Pag uwi sa Maynila ay di pa dumiretso sa bahay si Rolly, nakipag inuman pa siya sa mga kumpare at doon ay nagyabang.

“Pare ewan ko ba sa mga babaeng iyan at kalabit nang kalabit sa akin.Di naman sa pagmamalaki ano, pero napapasigaw yang si Yssa kapag nagtatalik kami, ang laki raw kasi!” sabi niya na umiiling iling pa.

Natatawa naman ang mga kumpare nya, di makapaniwala sa kalokohan ng lalaki sa kabila ng kabaitan ng misis nito.

“Eh si Mareng Sophia?” tanong ng isa.

“Yan si Sophia, ubod ng boring. Hindi marunong, losyang..manang..lahat na. Kaya nga pinagpapalit ko yan eh, walang kwenta yan.” sabi niya at pumapalatak pa.

Naging ugali niya na ang siraan ang misis niya at magkwento ng kung anu anong kayabangan sa mga kumpare niya. Kesyo magaling siya sa kama, kesyo hinahabol siya ng mga babae.

Kinabukasan, laglag ang balikat ni Rolly na umuwi dahil nagtanggalan sa trabaho at napasama siya sa mga iyon. Binayaran na lamang sila ng kumpanya ng tig 50,000 pesos, na madali rin namang naubos dahil ibinili niya ng iPad si Yssa.

“Babe, gusto ko ng camera. Para may pang-photoshoot ako sige na please,” sabi ni Yssa sa telepono.

“B-babe kasi alam mo namang natanggal ako sa trabaho diba? Hindi ko pa kaya yan, stay put ka lang dyan.Mabibili rin natin ang camera mo,”

“Pwe! Puro stay put stay put ilang linggo na akong naghihintay wala naman! Ayoko na sayo! Bwisit ka!” sabi ng babae at binabaan na siya ng telepono.

Akala niya ay doon na nagtatapos ang relasyon nila ni Yssa pero may pasabog pala ito, habang kumakain sila ng hapunan ay biglang naibagsak ng misis niya ang hawak nitong cellphone.

“Sino ba yang kausap mo? Akala ko si mama?” takang tanong ni Rolly.

“M-may..may nagsend sa akin ng video..” nanghihinang sabi nito.

Nang damputin ni Rolly ang cellphone ng misis, maging siya ay napahawak sa dibdib. Naroon ang mga video nila ni Yssa, hindi lang pala isang beses siya nitong vinideo-han kundi maraming marami pa. Nakatago lang ang camera nito kadalasan. Mautak pa ang babae dahil hindi kita ang mukha nito at mukha niya lang ang malinaw.

Wala nang nagawa si Rolly nang maglayas ang kanyang misis kasama ang anak nila. Pahiyang pahiya rin siya sa mga kumpare dahil kitang kita sa video na sobrang liit ng pagkalalaki niya, halatang halata na pera lang talaga ang nagustuhan ni Yssa at hindi naman ito nasarapan.

Magsisi man si Rolly, huli na. Tatanda na siyang mag isa.

Si Sophia naman ay totoong nasaktan, pero nitong huli niya lamang naisip na para siyang nabunutan ng malaking tinik. Kay gaan ng buhay niya ngayon, nagagawa niya pang magtrabaho at dahil likas na magaling ay agad siyang na-promote bilang manager.

Masaya na siya sa piling ng anak, minsan ay dumadalaw si Rolly upang humingi ng tawad na siyang ipinagkaloob niya rito. Pero sadyang wala na siyang maramdamang pag ibig. Hiling niya na lang na ayusin na ng lalaki ang buhay nito at magkaroon sila pareho ng fresh start habang pinoproseso na ang kanilang annulment papers.

Advertisement