Malakas ang sigaw ni Rose sa ospital at apat na tao na ang may hawak sa kaniya bago pa siya naturukan ng pampakalma.
“Normal po ba yung nangyayari sa kaniya, dok?” tanong ni France sa doktor.
“Normal lang naman ito lalo na’t wala kasi siyang naalala, ang payo ko lang sana ay huwag nating ipilit sa kaniya ang mga bagay-bagay dahil mas lalo siyang magwawala kapag hindi niya nakikila o naalala ang mga nasa paligid niya,” sagot sa kaniya ng doktor.
Tatlong buwan na ang nakakalipas mula nang maaksidente si Rose at ngayong nagising na siya mula sa mahabang pagkatulog sa ospital ay wala maalala ni isa ang babae.
“Hindi mo kailangan sumigaw, ayos lang. Magiging maayos din ang lahat kahit na hindi mo ako naalala,” saad ni France sa babae.
“Sino ka ba? Sino ba ako? Paano ako nakarating dito, bakit wala akong naalala, bakit wala akong maalala!” umiiyak na tanong ni Rose sa kaniya.
“Sshh, huwag kang umiyak, huwag mong pilitin ang sarili mo. Tatlong buwan na ang nakakalipas at pauwi tayo noon mula sa ating kasal pero nabangga yung sinasakyan natin at nabagok ang ulo mo. Akala ko nga mawawala ka na pero pinakinggan ng langit ang hiling ko, binuhay ka niya,” saad ng lalaki.
“Kasal? So mag-asawa tayo?” tanong ng babae at tumango naman si France sa kaniya.
Naging mahirap ang bawat segundo na magkasama ang dalawa ngunit hindi nagpatinag ang pag-ibig ng lalaki para sa kanyang misis at pinaramdam nito na hindi siya mawawala bumaliktad man ang buong mundo.
Nakauwi na sila sa bahay ni France, liblib at puro puno ang nakikita niya paano’y nasa dulong probinsya nakatira ang lalaki.
“Nandito na tayo mahal ko,” saad ni France sa babae.
“Pwede ba ako makahingi ng mga litrato natin para man lang may maalala ako,” sabi ni Rose.
“Magpahinga ka muna, hindi mo kailangan magmadali. Pasasaan ba’t maalala mo rin ang lahat,” sagot naman ng lalaki.
“Ganito ba talaga ang may amnesia, wala man lang akong nararamdaman,” isip-isip ni Rose sa kaniyang sarili.
Malungkot man dahil pakiramdam ni Rose ay hindi siya buong tao ay ipinagpagtuloy pa rin niya ang buhay. Umiikot ang mundo niya sa paglilinis ng bahay, panunuod ng telebisyon, pagbabasa ng magazine at libro.
“Wala man lang ba akong social media, mahal? Facebook ganun?” tanong ni Rose sa kaniya.
“Meron mahal pero hindi ko pa daw pwedeng ipagamit sayo sabi ng doktor saka kaya nga tayo lumipat sa probinsya para layuan yung mga ganoong bagay kasi sa Maynila ay sukang-suka ka na doon,” sagot naman ni France.
“Para kasing may mali,” isip-isip ng babae.
“Ah, ganun ba. Kailan ko raw yun pwedeng magamit?” pahayag ni Rose sa kaniya.
“Mga limang buwan pa daw mahal, huwag ka na mainip. Kapag nakaalala ka na ay magbabago na ang lahat,” sabi ni France.
Hindi na kinulit pa ni Rose ang lalaki kahit nga pakiramdam niya ay may mali. May mali sa lahat nang nangyayari sa kaniyang paligid, pakiramdam niya ay hindi ganito ka simple ang buhay na meron siya. Hindi kombensido si Rose sa lahat ng kwento at mga sinasabi sa kaniya ni France, pakiramdam niya’y nagsisinungaling lamang ito.
Kaya hindi tumigil si Rose sa paghahanap ng ebidensya, mga ilang bagay kung saan pwede siyang makaalala. Kaya lamang ay bigo ang babae at napapaiyak na lamang ito sa isang sulok.
“Bakit? Hindi ka ba naniniwala sa akin tungkol sa pagkatao mo?” wika ni France nang madatnan siyang naghahalukay ng mga gamit ng lalaki sa bahay.
“Hindi naman sa ganun pero,” saad ni Rose kaya lamang ay hindi na siya makapagsalita pa nang ilabas ni France ang isang kahon na punong-puno ng litrato nilang dalawa.
“Hindi nga siguro talaga mapipilit ang puso, pasensya ka na kung tinago ko ang lahat sayo, Rose. Hindi tayo mag-asawa, pero magkasintahan tayo dati, nakikipaghiwalay ka na sa akin nung araw ng aksidente at nagtatalo tayo kaya nabangga yung sasakyan. Kasalanan ko ang lahat,” wika ni Jasper.
Hindi nagsalita si Rose at mabilis itong nagbihis, “Ihatid mo ako sa amin,” sabi niya sa lalaki.
Doon napaluha si Jasper, dahil alam niya na malaking krimen ang nag-iintay sa kanila sa Maynila sa oras na ibalik niya si Rose sa pamilya nito lalo na sa sitwasyon ng babae ngayon. Habang nasa byahe ay hindi nag-uusap ang dalawa. Hanggang sa maibalik niya ang babae sa pamilya nito at mabilis na nakaalala si Rose.
“Ipapakulong kita sa ginawa mo sa anak ko! Baliw ka, ang tagal-tagal mo siyang tinago,” sigaw ni Mang Pascual, ang tatay ng binata.
“Pa, huwag na po,” singit ni Rose dito.
“Bakit? Naalala mo na ba ang lahat ng mga ginawa ng lalaking ito? Bukod sa tinago ka niya at inilagay sa aksidente ay naging napakahigpit na nobyo nito sayo noon, halos hindi ka palabasin. Baliw siya anak!” baling ng kaniyang ama.
“Pwedeng totoong baliw nga siya papa, pero hindi niya ako pinabayaan kahit na nagsinungaling siya sa akin at sapat na iyon. Salamat sa labis-labis na pagmamahal na binigay mo sa akin,” pahayag ng babae.
“Malaya ka na, Jasper,” dagdag pa ng dalaga at saka nya hinalikan sa pisngi ang lalaki.
Alam ni Jasper na darating ang araw na iyon, na tuluyang mawawala si Rose sa kaniya. Hindi rin uubra kung ipipilit niya ang lahat dahil ang tunay na pag-ibig ay mapagparaya, busilak at nakakapagbigay ng saya sa bawat tao.
“Im