Malungkot na Nagtapos sa Kolehiyo ang Kambal Dahil Binawian ng Buhay ang Kanilang Ama, Isang Puting Paru-Paro ang Nakita Nilang Paikot-ikot sa Kanila
Pagdating ng ama ay agad kumuha si Lean ng isang basong tubig at iniabot iyon dito, alam niyang pagod ito sa maghapong pamamasada ng jeep.
“Salamat nak. Ang kakambal mo?” tanong nito.
“Nasa taas tay, nagawa ng homework.” sagot naman ng dalaga.
Nasa kolehiyo na ang kambal na sina Lean at Sean. Si Lean ay kumukuha ng kursong Business Management, samantalang Hotel and Restaurant Management naman ang kay Sean.
Nagpapakahirap sa pamamasada ng jeep ang kanilang ama para lang mapagtapos sila, mabuti na lang at scholar din sila kaya libre ang ilang bayarin.
Sa isang buwan ay ga-graduate na ang kambal kaya walang kasing saya ang ama nilang si Mang Peter.
“Anak, nah-hihilo yata ako,” sabi ng matanda na biglang napaupo.
“Tay, ano bang nangyayari? Sean! Ai tatay!” sigaw niya sa kakambal na agad lumabas ng kwarto pagkarinig sa sigaw niya.
“Tay!” sigaw ni Sean, nawalan na ng malay ang matanda at nangingitim na ang labi nito.
Agad silang tumawag ng tricycle at nagpahatid sa ospital, inasikaso naman ito kaagad ng mga nurse at doktor. Iyak ng iyak ang kambal. Maya maya pa ay lumabas ang doktor na malungkot ang mukha.
“Sorry..” sabi lang nito. Alam na nila iyon. Napahagulgol si Lean at niyakap naman siya sa dibdib ni Sean.
Paano na sila ngayon?
Makalipas ang isang buwan ay pauwi na ang kambal mula sa graduation. Pareho silang malungkot dahil ni hindi man lang nasilayan ng kanilang ama ang matagal nang inaasam nito.
Nagulat sila nang may puting paru-paro ang lumilipad at dumapo sa kanila. Hindi nila alam pero gumaan ang kanilang pakiramdam, para bang nandon lang din si Mang Peter.
Matapos ang ilang taong pagtyatyaga at pagtatrabaho ay nakapagpatayo ng restaurant ang magkapatid, pinangalanan nila itong Mang Peter’s bilang pag-alala sa kanilang yumaong ama. Naroon din ang pinalakihan nilang larawan nito sa mismong harapan ng dining area sa restaurant.
Ngayon ay opening at ribbon cutting na ng kanilang negosyo,pagbukas nila sa pinto ng restaurant ay nakita na naman nila ang pamilyar na puting paru paro na dumapo sa kanila noong graduation.
Napangiti ang dalawa, alam nila, na palagi silang ginagabayan ng kanilang ama at masaya na ito sa narating nila ngayon.
Anoangaralnanatutunanmosakathangito?
I-like at i-follow ang manunulat na si Inday Trending at subaybayan araw-araw ang bagong maiikling kwento ng inspirasyon na sumasalamin sa buhay, suliranin at karanasan ng isang Pilipino.
Disclaimer: Ang kwentong ito ay kathang-isip lamang. Ang mga nabanggit na pangalan, karakter, negosyo, lugar, pangyayari at mga insidente ay maaaring produkto lamang ng imahinasyon ng may-akda. Anumang pagkakapareho sa sinumang nabubuhay o pumanaw na tao o personalidad at aktwal na pangyayari ay nagkataon lamang.