Inday TrendingInday Trending
Minaliit ng Ama ang Nobyo ng Kanyang Anak Dahil Highschool Lang ang Natapos Nito, Pinatunayan sa Kanya ng Lalaki na Kaya Niyang Buhayin ang Babaeng Minamahal

Minaliit ng Ama ang Nobyo ng Kanyang Anak Dahil Highschool Lang ang Natapos Nito, Pinatunayan sa Kanya ng Lalaki na Kaya Niyang Buhayin ang Babaeng Minamahal

Nakaismid si Mang Edong nang ipakilala ng kanyang anak ang nobyo nito.Panganay sa dalawa nilang anak si Lenlen at napagtapos nila ito sa kursong Accountancy, matalino ang babae at maganda na ang trabaho kaya naman ganoon nalang ang pagkadismaya niya nang ipakilala nitonsa kanya ang nobyong highschool lang ang tinapos. “Taga-saan ka hijo?” tanong ng misis ni Mang Edong. “Taga Noveleta po,” magalang na sagot ng lalaki. “Tatapatin kita hijo, si Lenlen hindi sanay sa hirap yan.Hindi naman siguro masamang maghangad kami para sa anak namin.Pero kaya mo bang ibigay ang buhay na maginhawa sa kanya?” diretsong tanong ni Mang Edong. “Pa, di mo na naman kailangang-” sasabat sana si Lenlen pero pinutol ito ni Mang Edong. “Tapatan na tayo.Kaya nagbo-boyfriend diba para mag asawa?Ihaharap mo sa amin to ninhindi man lang nakapag aral.Anong trabaho niyan Len? Diba tao mo lang yan sa accounting firm? di ba sya nahihiya?” tanong ni Mang Edong na tinignan ng matalim ang lalaki. “Pa, kaya ko sya pinakilala dahil gusto na naming magpakasal.” matigas na sabi ni Lenlen. Naloloka na ba ito? sa isip ni Mang Edong. “Umalis ka sa harap ko, magsama kayo ng lalaki mo!” sigaw niya. Walang nagawa ang misis ni Mang Edong at nagmatigas din si Lenlen at umalis na. Lumipas ang maraming taon at di na nagkita pa ang mag ama, matanda na si Mang Edong kaya mahina na ang kanyang pasada ng jeep. Nagtataka nga siya sa kanyang misis, tila kay galing nitong mag- budget ng pera dahil kailanman ay hindi sila kinapos, sobra sobra pa nga. Pag uwi ni Mang Edong mula sa pagpapasada isang gabi ay nagulat siya na may magarang kotse sa tapat ng kanilang bahay. Pagpasok niya ay may isang batang babae, siguro ay nasa apat na taon. Tila hinaplos ang puso niya dahil kamukhang kamukha ito ng panganay niyang si Lenlen. Nasaan na kaya ang anak ko? di napigilang maitanong ni Mang Edong sa sarili. Tila sinagot naman iyon ng tadhana dahil mula sa kusina ay lumabas si Lenlen, kasama si Jay, ang lalaking minaliit niya noon. “Pa..” sabi nito sabay yakap sa kanya. Di niya alam ang mararamdaman. Maya maya pa ay niyakap rin siya ni Jay. “Pa, sorry po kung wala akong lakas ng loob dati. Mabuti po ang pagpapalaki nyo kay Lenlen, di niya tinignan ang estado ko noon sa buhay.Nakakahiya man, pinag aral niya ako ng college para maiharap noya na ako sa inyo.” sabi ng lalaki. “Pa, nang maka-graduate si Jay ay nagpakasal na kami, 5 years ago. Siya na ang nagtrabaho simula noon at sa bahay na lang ako.Magaling siyang engineer pa.” proud na sabi ng babae. Ikinagulat naman ni Mang Edong ang sunod na sinabi ng misis niya. “Si Jay rin ang nagpapadala sa atin ng pera sa loob ng ilang taon kaya di tayo kinakapos.Ayaw niyang ipasabi sa iyo dahil baka tanggihan mo.” Halos kainin ng konsensya si Mang Edong, napayakap siya sa manugang. “Patawarin moko, anak.” Disclaimer: Ang kwentong ito ay kathang-isip lamang. Ang mga nabanggit na pangalan, karakter, negosyo, lugar, pangyayari at mga insidente ay maaaring produkto lamang ng imahinasyon ng may-akda. Anumang pagkakapareho sa sinumang nabubuhay o pumanaw na tao o personalidad at aktwal na pangyayari ay nagkataon lamang. Ang Inday Trending ay isang website na ang layunin ay magbigay ng aral, inspirasyon at katuwaan sa mambabasang Pilipino sa pamamagitan ng pagpapalawig ng aming imahinasyon upang makagawa ng makabuluhang akda na tumatalakay sa pang-araw-araw nating buhay. Ang mga akdang ito ay orihinal na gawa ni Inday Trending at ng kanyang mga manunulat. sa ibaba.Para sa mas maraming updates,i-like lamang ang aming Facebook page.

Advertisement