Nagkunwaring Hindi Makakauwi ang Lalaking Ito Upang Surpresahin ang Misis Niya, Laking Gulat Niya nang May Iuwi Itong Iba
“Wala ka nang ka-effort effort sa atin. Palibhasa kasal na tayo, hindi mo na ako magawang masurprise tulad nung boyfriend palang kita.” Napapailing na lamang si Aldrin sa tuwing naririnig ang maktol ng asawang si Mia. Isa’t kalahating taon palang silang kasal at pareho silang nagdesisyon na huwag munang mag-anak dahil ang priority nila sa ngayon ay ang pag-iipon at mabili ang sarili nilang bahay. Sa ngayon ay nangungupahan lang sila pero hindi naman masasabing wala silang pera dahil pareho silang may stable na trabaho at sapat na ipon para sa kanilang future. Kaunti nalang din ang iipunin nila at mabibili na nila ang bahay at lupa na kanilang pinangarap. Pero hindi talaga maaalis sa asawa niya ang mga ganitong pag-iinarte dahil nga pag-iipon ang priority niya sa ngayon ay aminado siyang hindi niya na ito nabibigyan ng surpresa sa tuwing espesyal na araw nila, tulad ng dati. Doon ay narealize niyang tama naman ang asawa. Anim na buwan ang lumipas, saktong pagdiriwang nila ng kanilang 2nd wedding anniversary ay napagdesisyunan niyang gumawa ng surpresa para dito. Bago ang araw ng kanilang anibersayro ay nagsearch muna siya sa youtube kung anong kakaiba at maganda surprise ang pwede niyang ibigay sa asawa. “Ito, maganda ‘to!” tukoy niya sa isang surprise video sa pinapanuod. Kinabukasan ay agad siyang naghanda para sa kanyang surprise sa asawa. Tinawagan niya ang asawa na noo’y nasa trabaho, “Love, hindi ako makakauwi ng ilang araw ah, may business meeting kasi kami sa Batangas.” “Ah okay, enjoy,” tila walang gana nitong sabi sa kanya. Kahit napansin ang tono ng pananalita ng kanyang misis ay hindi niya nalang iyon inisip sa halip ay pinagkaabalahan muli ang surpresa para sa asawa. Sumapit ang gabi at excited niya nang sinuot ang malaking teddy bear na binutas niya at tinanggalan ng laman. Ito ang gagamitin niyang pang-surpresa sa asawa kasama ng mga pagkaing siya mismo ang nagluto. Naghanda rin siya ng red wine na paborito ng kanyang misis. Narinig niya ang pagbukas ng pinto. Huminga siya nang malalim at pinilit na hindi gumalaw sa loob ng malaking teddy bear. Pero nagtaka siya nang marinig na may kausap ang asawa. Naisip niyang baka sa cellphone nito iyon. “Sigurado ka bang wala siya dito,” kinabahan siya nang marinig na rin ang boses ng isang lalaki, ang boss ni Mia! “Oo, yung bwisit na ‘yun puro pag-iipon ang nasa isip. Hindi na ako naalala ‘nun, tara pasok ka.” Nasaktan si Aldrin sa tinuran ng asawa. Pero sa lkabila noo’y naisip niya ding may punto naman ito. “Ano kayang gagawin nila? Nag-uwi na naman siguro ng trabaho. Pero bakit kailangan pa siyang tulungan ng boss niya?” sa isip-isip ni Aldrin. Ang katanungan sa isip niya’y nasagot nang makitang naghalikan ang dalawa at tuloy-tuloy na hinubaran ng boss nito ang misis niya. Hindi na nakapagpigil si Aldrin, hinubad ang teddy bear at agad-agad na sinugod ng suntok ang walang-pakundangan na lalaki, “Walang-hiya ka!” Parehong gulat ang dalawa sa nangyari, “Aldrin, anong ginagawa mo dito?” “Hindi ba dapat ako ang magtanong sayo n’yan, Mia? Anong ginagawa niyo dito sa pamamahay natin?” “Obvious ba? Edi naghahalikan! Nagsasawa na ako sayo, Aldrin. Wala ka ng time para sa akin puro ka trabaho!” bulyaw sa kanya ng asawa. “Pero hindi ‘yan dahilan para pagtaksilan mo ako! Bakit? Para sa akin ba ‘tong iniipon ko? Hindi naman diba? Para ‘to sa pinangako ko sa ama mo na hindi kita ititira panghabambuhay sa apartment lang. Gusto kitang bilhan ng sarili mong bahay. Gusto kong ibigay lahat sayo, Mia!” Natameme ang babae. Ang alam niya lang ay nag-iipon ang asawa para sa pangarap nitong bahay, pero hindi niya akalaing kaya pala gustong-gusto nitong makabili ng sariling bahay ay dahil sa pinangako nito sa papa niya bago ito pumanaw. Iyak siya ng iyak. Sising-sisi siya sa nagawang pagtataksil sa asawa. Humingi siya ng tawad dito pero humingi rin ng panahon ang asawa niya para makapag-isip. Umuwi muna ito sa mga magulang nito. Doon ay napagnilayan niya rin ang aral na nakuha niya sa nangyari. Ang tunay na misis ay marunong umintindi at magpasensya sa kanyang mister. Hindi lahat ng mararanasan sa pag-aasawa ay sarap at saya, pero sa halip ay kailangang pareho nilang harapin ang mga hirap sa buhay na nananatiling matatag at hindi nagpapaapekto sa anumang tukso.
Ano ang aral na natutunan mo sa kathang ito?
I-like at i-follow ang manunulat na si Inday Trending at subaybayan araw-araw ang bagong maiikling kwento ng inspirasyon na sumasalamin sa buhay, suliranin at karanasan ng isang Pilipino.
Maraming salamat sa pagtangkilik, Kabayan!