Inday TrendingInday Trending
Kinamumuhian ng Babae ang Kapatid Dahil Pinagnakawan Siya Nito, Makalipas ang Ilan Taon ay Inilantad Nito ang Tunay na Dahilan ng Pagnanakaw

Kinamumuhian ng Babae ang Kapatid Dahil Pinagnakawan Siya Nito, Makalipas ang Ilan Taon ay Inilantad Nito ang Tunay na Dahilan ng Pagnanakaw

“Ate, uuwi daw si kuya Patrick.” “Talaga? Kailan?” excited na tanong ni Pia sa bunsong kapatid na si Perry. Matagal niya na rin kasing hindi nakikita ang panganay nilang kapatid na si kuya Patrick na ilang taon nang nagtatrabaho sa Dubai. Samantalang siya naman ay pangalawa sa apat na magkakapatid, siya ang nagpapaaral sa bunso nilang 3rd year college na. “Sa isang linggo daw, isasama niya daw si kuya Phillip.” Doon napasimangot si Pia, “Bakit kailangan pang kasama ‘yung magnanakaw na ‘yun?” Nalungkot ang dalaga at nilapitan ang kanyang ate, “Ate galit ka pa rin ba sa kanya?” Naalala na naman ni Pia ang nakaraan. Noong ibenta ng pangatlo nilang kapatid na sa Phillip ang kwintas na napakahalaga sa kanya. Silang apat ay hindi tunay na magkakapatid. Silang lahat ay ampon lang ng mga magulang nila na walang kakayahang magkaroon ng sariling anak. Hindi tulad ng tatlo niyang mga kapatid na walang nakilalang tunay na mga magulang, ay iba ang karanasan ni Pia. Dahil siya ay naalagaan niya pa ang tunay niyang ina bago ito mawala sa sakit na tubig sa baga. Bago ito mawala ay nag-iwan ito ng napakagandang alaala sa kanya. Ang gintong kwintas na pamana pa ng lola niya sa kanyang ina. Napakahalaga sa kanya niyon na kahit walang-wala na siya ay hindi niya magawang mabenta. Kaya naman masamang-masama talaga ang loob niya sa pangatlong kapatid sa nagawa nitong pagnakaw sa kwintas niya at pagbebenta dito. Dumating ang araw ng kanilang reunion. Napili ng kuya Patrick nila sa maghapunan sila sa isang class na restaurant. May malaking ipon na kasi ito kaya nagagawa na nitong ikain sila sa mga ganito kasosyal na kainan. Nauna silang tatlo nina Patrick, Pia at Perry sa restaurant. Nagkamustahan sila at nagkwentuhan ng mga pangyayari sa buhay-buhay nila. Masayang-masaya siyang makita muli ang panganay na kapatid. Ngunit nasira agad ang gabi niya nang makita ang pinakaayaw niyang makita–si Phillip. “Anong ginagawa mo dito?” mataray na tanong niya sa kapatid. “Pia, hayaan mo munang makakain si Phillip,” saway sa kanya ng kuya Patrick niya. Nang matapos silang kumain ay nagsuggest itong maglakad-lakad sila sa park. Doon ay umalis saglit si Phillip na kinagaan ng loob ni Pia. “Huwag na sanang bumalik,” bulong niya. “Ate naman…” saway ng bunso niyang kapatid. Pagkabalik ni Phillip ay nagtaka siyang may kasama na itong batang babae. Nangunot ang noo niya lalo na nang ipakilala ito ng kapatid. “Kuya Pat, bunso, Ate Pia, si Princess po anak ko.” Gulantang siya at si Perry sa narinig pero tila alam na iyon ng kuya Patrick nila. Ang cute ng bata na sa tingin niya ay tatlong taong gulang pa lamang. Nailang siya nang tumingin sa kanya ito. “Ate Pia, pasensya ka na kung nabenta ko ‘yung kwintas na bigay sayo ng nanay mo ah,” naiinis siya kay Phillip. Alam naman pala nitong bigay ng nanay niya iyon ay binenta niya pa rin. “Kasi ate, nung mga panahong iyon iniwan sakin ‘tong si Princess ng nanay niya eh. Gusto daw kasi niyang mag-Japan at hindi niya pwedeng isama ang anak namin,” umiiyak na ang kapatid, “Hirap na hirap ako noon at hindi ko rin masabi sa inyo kasi bata palang ako puro perwisyo at problema na binibigay ko sa inyo. Alam kong may sari-sarili din kayong problema. Pero nung magkasakit pa ‘tong anak ko ay nawala na ko sa katinuan, kinuha ko yung kwintas at binenta.” “Papa, bakit ka iyak?” Naiyak na rin sina Pia at mga kapatid niya sa kwento ni Phillip, lalo na nang makita kung gaano ka-cute ang batang pinilit buhayin ng kanyang kapatid sa kabila ng lahat ng hirap. Lalaki ito at unang beses nadanas magkaanak. Doon niya naintindihan sa wakas ang kapatid. Biglang naglaho ang galit niya dito, sa halip ay napalitan ng awa at pagmamahal. “Sorry ate..” iyak ng iyak pa rin ito. Niyakap niya ang kapatid at ang anak nito, “Patawarin mo rin ako, Phillip. Hindi ko alam ang dinanas mo. Simula ngayon, sa akin na rin kayo tumira. Aalagaan ko ang anak mo at makakapagtrabaho ka na nang maayos.” Masayang-masaya ang magkakapatid sa muling pagkikita at sa muli nilang pagkakaayos at pagtatawanan na tulad lamang ng dati. Disclaimer: Ang kwentong ito ay kathang-isip lamang. Ang mga nabanggit na pangalan, karakter, negosyo, lugar, pangyayari at mga insidente ay maaaring produkto lamang ng imahinasyon ng may-akda. Anumang pagkakapareho sa sinumang nabubuhay o pumanaw na tao o personalidad at aktwal na pangyayari ay nagkataon lamang. Ang Inday Trending ay isang website na ang layunin ay magbigay ng aral, inspirasyon at katuwaan sa mambabasang Pilipino sa pamamagitan ng pagpapalawig ng aming imahinasyon upang makagawa ng makabuluhang akda na tumatalakay sa pang-araw-araw nating buhay. Ang mga akdang ito ay orihinal na gawa ni Inday Trending at ng kanyang mga manunulat. sa ibaba. Para sa mas maraming updates, i-like lamang ang aming Facebook page.

Advertisement