Inday TrendingInday Trending
Nawalan na ng Pag Asa ang Babaeng Ito Matapos Matanggal sa Trabaho, Ngunit Nagbago ang Lahat Dahil sa Mahiwagang 500 Pesos ng Kaibigan

Nawalan na ng Pag Asa ang Babaeng Ito Matapos Matanggal sa Trabaho, Ngunit Nagbago ang Lahat Dahil sa Mahiwagang 500 Pesos ng Kaibigan

Natanggal sa trabaho si Janessa dahil hindi siya magaling. Hindi man ito sabihin nang direkta sa kanya, alam niya namang iyon ang dahilan kung bakit hindi siya naregular. Maraming mas magaling kaysa sa kanya, mga nag aral sa kilalang eskwelahan at may mga tiwala sa sarili. Sino ba naman siya? Naalala niya noong college, bidang bida siya sa school. Palagi siyang honor at palaging nananalo sa mga contest na salihan niya. Pagkatapos ng graduation ay napakalakas ng loob niya pero hindi pala ganoon kadali ang buhay. Akala niya, magaling siya, matalino siya. Akala niya, sapat na iyon, may mararating na siya. Nag apply siya sa mga kilalang kumpanya at ilang beses siyang natanggihan dahil wala raw siyang experience. Lahat ng confidence na naipon niya sa eskwela ay nawala yata, ang mga kaklase niyang bulakbol ay may magagandang trabaho at heto siya, patapon ang buhay. Ito na nga lang ang kumpanyang tumanggap sa kanya, hindi na nga ganoon kaganda pero hindi pa rin siya naregular. “I was never good enough,” bulong siya sa sarili, habang naglalakad papuntang sakayan ng bus na may ilang kilometro pa ang layo, lintik na buhay ito, kahit pang jeep ay wala siya. Sakto lang ang pera niya dahil ang sahod ay ipinambayad niya sa matrikula ng kapatid. Saktong tumawag ang kaibigan niyang si Sharmaine. “Hello! Bakla ka ng taon! Reunion na natin sa Sunday, ano na.. may tshirt ka naba?” excited na sabi nito, isa kasi ito sa admin na nag aasikaso ng gaganaping event. “Ahh.. oo, nasa bahay. Yun ba yung violet na ipinaabot mo kay Nanay?” wala namang interes na tanong niya. “Oo. Huy? Nasa opisina kaba? Bakit ang ingay? Sa kalsada ba ang opisina mo?” nagbibiro ito pero nasaktan siya, paano naman kasi, totoo. Bigla na lang siyang napahagulgol kaya naman naalarma si Sharmaine. “Nasaan ka ‘Ness? pupuntahan kita.” Sinabi niya rito na magkita na lang si sa SM Mall of Asia dahil ayaw niyang aminin rito na naglalakad siya sa Macapagal Road papuntang Coastal Mall para sumakay ng bus, masyado na siyang kawawa. Pagkakita niya kay Sharmaine ay agad niya itong niyakap at sinabi ang mga hinaing niya. “Ano naman ang gagawin ko sa reunion, ipapahiya ang sarili ko?Tignan mo nga ako ngayon, ni dustpan ay hindi ako makakapagdonate sa school natin.” naaawa sa sarili na sambit niya. Nakatitig lang sa kanya si Sharmaine nang tila biglang may ideyang pumasok sa isip nito. Dumukot ito ng 500 pesos sa wallet. “Ness, pag nakakita ka ng 500, pupulutin mo?” tanong nito sa kanya. “Pag walang may ari? Oo naman.” sagot naman niya na naguguluhan sa sinasabi ng kaibigan. Ginusot ni Sharmaine ang pera, at muling nagtanong, “Ayan, gusut gusot na, pupulutin mo pa rin?” “Syempre.” tugon ni Janessa. Inilaglag ni Sharmaine ang 500 pesos at tinapak tapakan. “Pag ganito na, pupulutin mo pa rin ba?” tuloy na tanong nito. “Ano ba yan Sharm? Yung totoo? hahaha” natatawa na siya dahil kung anu ano ang pinatatanong ng kaibigan. “Basta sumagot ka.” seryoso ito, kaya sumagot si Janessa. “Syempre oo.” Pinaliwanag ni Sharmaine kung bakit niya ginawa iyon at bumalik ang tiwala ni Janessa sa sarili. “Kahit anong ginawa ko sa pera, pupulutin mo parin dahil hindi naman nabawasan ang halaga nito. Maraming beses sa buhay natin Ness na susubukin tayo, gugusutin ang ligaya natin at tatapak tapakan, nakakagawa tayo ng maling desisyon at nasasaktan pero kahit anong mangyari hinding hindi nababawasan ang halaga natin. Special ka Ness, magaling ka, tandaan mo yan.” Ibahagi sa amin ang inyong opinion sa comments section sa ibaba. Para sa mas maraming updates, I-like lamang ang aming Facebook page.

Advertisement