Inday TrendingInday Trending
Hindi Niya Pinaniwalaan ang Sumbong sa Kaniya ng mga Kapitbahay na may Ibang Kinakalantari ang Asawa; May Kahihinatnan ba ang Pagbubulag-bulagan Niya?

Hindi Niya Pinaniwalaan ang Sumbong sa Kaniya ng mga Kapitbahay na may Ibang Kinakalantari ang Asawa; May Kahihinatnan ba ang Pagbubulag-bulagan Niya?

Iyak nang iyak si Sabrina sa nakitang panloloko ng kaniyang asawa. Ilang beses na niyang naririnig sa mga kapitbahay nilang tsismosa ang katarantaduhang ginagawa ng kaniyang asawa ngunit, ayaw niyang paniwalaan iyon hanggang sa siya na mismo ang nakasaksi.

Ilang buwan na niyang napapansin ang panlalamig ni Miguel, ngunit sa t’wing tinatong niya ito’y palagi namang walang problema ang sinasabi nito sa kaniya. Bilang babae’y kinukutuban na rin siyang nagloloko talaga ang kaniyang asawa, ngunit bilang isang ina na ayaw masira ang pamilyang pinaghirapan niyang buoin ay hindi na lamang niya pinapansin ang kutob at ang mga sinasabi ng kaniyang mga kapitbahay.

“Sinabi ko naman sa’yo na may kinakalantari ng iba iyang sira ulo mong mister, ayaw mo pa kasing maniwala,” wika ni Lyka, ang matalik niyang kaibigan.

Patuloy pa rin sa pag-iyak si Sabrina. Ang sikip ng dibdib niya, dahilan upang ayaw maglabas ng kahit anomang salita ang kaniyang bibig. Bago pa man niya sugurin si Miguel at ang kabit nito’y naunahan na siya ni Lyka, namalayan na lang niyang sinisigawan nito sa galit ang kaniyang asawa’t kabit nito.

“Ang kapal ng mukha niyo!” singhal ni Lyka. “Ikaw! Alam mo bang may asawa ang lalaking kinakalantari mong babae ka? Napakalandi mo! Hindi mo man lang naisip na may nasisira kang pamilya sa pinaggagawa mo!” gigil na wika ni Lyka sa kalaguyo ni Miguel.

Agad na tumakbo si Sabrina upang pigilan ang kaibigan. Naiintindihan niya ang galit nito, ngunit ayaw niyang madamay ito sa problema nilang mag-asawa.

“Tama na, Lyka,” pigil niya sa kaibigan.

“Hindi e! Nakakagigil lang kasi, Sabrina. Pumapayag kang ginaganiyan ka ng manloloko mong asawa? Sa’kin hindi pwede ‘yan!”

“Tama na… pakiusap, tama na,” nanghihinang wika ni Sabrina, saka hinarap si Miguel, yakap-yakap nito ang kalaguyo, pino-protektahan sa maaaring pagsugod nilang dalawa ni Lyka.

Lalong nabiyak ang puso niya sa nakita. Siya ang asawa nito, pero bakit pakiramdam niya’y isa siyang halimaw sa paningin ni Miguel, na handang lamunin nang buo ang kabit nitong sisira sa pamilya nila.

“Ang totoo’y matagal ko nang alam at nararamdamang may iba ka, pero pinili kong magbulag-bulagan para sa mga anak natin,” wika ni Sabrina, pilit pinapatigas ang boses, upang hindi pumiyok sa harapan ng dalawa.

“Harap-harapan mo na akong ginaga*go, pero hinahayaan kita, Miguel. Wala na nga akong respeto pa sa sarili ko kasi mas iniisip ko ang mararamdaman ng dalawang anak natin. Pero ikaw,” aniya sabay turo sa dalawang makasalanang tao. “Nandito ka, kasama ang ka*bit mo.

Pinangangalandakan sa buong mundo ang pagiging manloloko niyong dalawa. Ang kapal-kapal din naman ng mukha niyo, para ipagmalaki ang relasyon niyong may ibang naaapakang tao!” mahina lamang ang boses ni Sabrina, pero halata sa tono ang gigil.

“Sa’kin mo ibuhos lahat, Sab,” mahinang wika ni Miguel. “Walang kasalanan si Joy sa nangyari sa’ting dalawa. Matagal nang nangyari na hindi na ikaw ang minamahal ng puso ko. Kung nangyari mang naghanap at nagmahal ako ng iba, iyon ay dahil hindi na kita mahal,” nakayukong wika ni Miguel.

Mas lalong hiniwa ang puso niya sa prankang sinabi ng asawa. “Sana nakipaghiwalay ka na sa’kin noon pa man, Miguel. Sana hindi tayo umabot sa ganitong niloloko mo na lang ako’t lalo na ang sarili mo.”

“Ayokong masira nang tuluyan ang pamilya natin.”

Gusto niyang sampalin si Miguel, dahil sa pagiging g@go nito. Ayaw masira ang pamilya, pero gumagawa ng ikakasira. Pinahid ni Sabrina ang mga luha saka taas noong humarap sa dalawa.

“Gusto ko kayong pagsasampalin at iparamdam ang sakit na ginawa niyo sa’kin, pero hindi ko gagawin ang bagay na iyon. Hindi ko dadagdagan ang sakit na naranasan ko sa inyong dalawa, hindi ko sasaktan ang kamay ko upang sampalin ang matitigas niyong mukha.

Papalayain na kita, Miguel, sana maging masaya ka sa ginawa mong pagsira sa pamilya natin,” aniya saka hinarap ang babae nito. “Hindi kinakataas ng pride ang pagiging k@bit. Goodluck sa’yo,” aniya saka hinila si Lyka palayo sa dalawang ahas.

Ngunit bago tuluyang nagpahila si Lyka ay nag-iwan ito ng nakakairitang mensahe sa dalawa.

“Karma is a b*tch, girl. Alalahanin mo ang araw na ito, baka mangyari rin ito sa’yo. Ang isang ahas, magpalit man ‘yan ng damit, ahas pa rin ‘yan… ayy! Hindi si Miguel ang tinutukoy ko— actually kayong dalawa,” anito saka inirapan ang babae at sumunod ng lakad kay Sabrina.

Nararamdaman ng mga babae kapag nagloloko na ang mga mister nila… may mga bagay nga lang na dapat nilang unahin, kaysa sa pansarili nilang emosyon. Pero kapag napuno’t nasagad na sila sa ginawang panloloko, aalis sila’t hindi na muling babalik pa.

Tunay na hindi kinakataas ng dangal ang pagiging kabit o home wrecker… hindi ka nanalo sa laban dahil may naagaw kang asawa. May tamang karma para sa inyo.

Advertisement