Inday TrendingInday Trending
Natagpuan ng Lalaki ang Isang Nawawala at Umiiyak na Bata sa Parke; Tadhana Pala ang Nag-adya Upang Pagtagpuin ang mga Landas Nila

Natagpuan ng Lalaki ang Isang Nawawala at Umiiyak na Bata sa Parke; Tadhana Pala ang Nag-adya Upang Pagtagpuin ang mga Landas Nila

Kasalukuyang may bagyo noon at rumaragasa ang ulan sa labas. Napansin ni James na mayroon babaeng nakatayo habang may hawak na payong. Nilapitan niya ito at lakas ng loob na kinausap.

“Miss? Okay lang makisukob?” tanong niya sa babaeng may hawak ng payong.

Bakas ang pagkagulat sa mukha ng babae dahil sa ginawa ng binata. Napataas lang ang kilay nito at saka umusog ng kaunti upang makasilong ang lalaki.

“Vanilla?” tanong ng lalaki habang sumisinghot-singhot.

“Oo. Favorite scent ko kasi iyon kaya ‘yun ang pabango ko,” sagot naman ng dalaga.

“Parehas pala tayo. Kahit sa frappe at ice cream, ‘yon din ang favorite flavor ko. Ang sarap lang kasi ng lasa,” sabi pa ni James.

Bigla naman seryosong tumingin ang babae sa mga mata ni James. Tila ba manununtok ito kahit anong oras.

“W-wala naman akong ibang ibigsabihin doon. Malinis ang konsensiya ko at hindi rin ako manyakis. P-paborito ko lang talaga iyon,” paliwanag pa ng lalaki.

“Wala pa naman akong sinasabi. Bakit defensive ka kaagad? Gusto ko lang naman sabihin na favorite flavor ko rin ang vanilla sa mga drinks at pagkain,” natatawang sabi ng babae.

Tila ba kinilig ang puso ni James nang marinig niya ang tawa ng dalaga. Hindi niya maipaliwanag pero parang gusto na lamang niyang titigan ang mga ngiti nito.

“I’m James nga pala. Ikaw?”

“Natalie, nice to meet you,” isang magandang ngiti na naman ang ibinigay ng dalaga.

Para pang nasa ulap si James habang minamasdan ang mga ngiting kumikiliti sa kaniyang puso.

Magmula ng araw iyon, nasungkit ni Natalie ng hindi inaasahan ang puso ni James. Nasundan pa ang kanilang pagtatagpo at napakaraming kwento pa ang ibinahagi nila sa isa’t isa. ‘Di naman naglaon, nagligawan at naging magkasintahan din ang dalawa.

Tila ba perpekto na ang lahat sa kanilang relasyon. Magkasundo sila sa halos lahat ng bagay at masayang-masaya sa kung anong mayroon sila. Nag live in na rin sila dahil hindi na nila matiis na malayo sa isa’t isa.

Pero wala ata talagang perpekto sa mundong ito. Tila ba isang malaking ilusyon lamang ang konsepto ng perpekto rito sa mundo.

Nagsimulang magkaroon ng mga pagtatalo at awayan ang magkasintahan. Ang mga maliliit na away ay nagsimulang lumaki. Hanggang isang araw ay natapos na lamang ng ganoon, ang lahat-lahat sa kanila.

“Hindi ko na kayang unawain ka pa, James. Pasensiya na. Suko na talaga ako,” umiiyak na sabi ng babae.

“O e ‘di magbreak na! Doon na rin naman ang punta nito ‘di ba?!” sagot naman ng lalaki.

“Fine! Salamat na lang sa lahat!”

At doon natapos ang lahat. Kung gaano kabilis silang nagsimula, ganoon din naman natapos na lamang ang kanilang relasyon.

Matapos ang masakit na paghihiwalay, umalis si James upang magtrabaho sa ibang bansa. Sa ganoong paraan kasi mabilis na siyang makakalimot.

Anim na taon ang lumipas, muling umuwi ng Pilipinas ang binata upang magbakasyon. Oo, binata pa rin siya at wala pa rin naging nobya magmula nang maghiwalay sila ni Natalie. Wala na rin siyang naging balita sa dalaga magmula nang maghiwalay sila nito.

Una siyang namasyal sa Rizal Park noon sa Maynila. Na-miss niya kasi talaga ang lugar. Naglakad-lakad siya noon nang mapansin ang isang batang lalaki na umiiyak mag-isa.

“Hi! Ayos ka lang ba? Bakit ka umiiyak? Nasaan ang magulang mo?”

Umiiling-iling lang ang bata at saka humagulgol. “Mommy!” pagtawag pa nito sa ina.

“Nawawala ka ba? Sige, hanapin natin ang mommy mo ha?”

Tumango ang bata at saka kumapit sa kamay ni James. Ikinagulat niya ang ginawang iyon ng batang lalaki dahil tila ba nakaramdam siya ng bahagyang kasiyahan sa ginawa nito.

“Ganito siguro ang pakiramdam ng maging tatay,” natatawa niyang bulong sa sarili.

Hinanap niya at ipinagtanong-tanong doon kung sino ang ina ng bata, pero walang kahit isa ang may kilala rito. Napakaraming tao kaya’t naisip niyang i-report na lamang.

Isinakay niya sa sasakyan ang bata at saka nagtungo sa City Hall upang i-report.

“Kung sakali man na may maghanap, at least safe dito ang bata. Hindi ko alam kung nasaan ang magulang e. Nakita ko lamang na umiiyak sa park kanina,” paliwanag ng binata.

“Sige po, sir. Puwede n’yo naman po iwan ang bata rito sa amin. Kami na po ang bahala maghanap sa magulang,” saad pa ng babae.

Ngunit tumakbong muli ang bata papalapit kay James at yumakap. Nangilid na ang mga luha nito at tila ba ayaw magpaiwan.

“Ganito na lang, miss. Iiwanan ko ang passport ko, contact number and address ng apartment ko. Just in case may maghanap, doon na lang ako i-contact o puntahan. Sorry, I cannot leave the kid alone,” sabi pa ng lalaki.

“S-sige po, sir. Mukhang gusto rin naman po sumama sa inyo ng bata. Pero sir… matanong ko lang po ha? Hindi n’yo po ba talaga kaano-ano ang bata?” naguguluhang tanong ng babae.

“Hindi. Hindi kami related. Bakit?”

“Parang nahahawig n’yo kasi sir e,” nakangiting sabi pa ng babae.

Natawa lamang si James at saka isinama ang bata. Dahil nakaramdam ng gutom dumaan muma sila sa isang supermarket para mamili ng pagkain.

Kukuha sana ng ice cream ang lalaki nang bigla mangningning ang mga mata ng bata at ngumiti.

“Vanilla!” sabi ng bata habang itinuturo ang flavor ng ice cream na gusto.

“Want mo ‘tong vanilla?” tanong ni James.

“Opo!” tuwang-tuwang sagot naman ng bata.

“Ako din! Sige, bili tayo ng marami.”

“Ang sweet naman ng mag daddy,” biglang bati naman ng isang may edad na babaeng namimili roon.

“A-ano po?” tanong ni James.

“Sabi ko ang sweet ninyong mag daddy. Nakakatuwa kayong tingnan. Xerox copy mo pa! Kay gwapong bata.”

“Mana po sa daddy. Sa akin po nakuha ‘yong kagwapuhan,” natatawang banat naman ni James.

Tiningnan niyang muli ang bata. Ang hugis ng mata, ilong, mukha pati na ang maalon na buhok ay kaparehong-kapareho nga ng sa kaniya. Pero malabong mangyari iyon dahil wala naman siyang asawa.

Isinama muna niya ang bata sa kanyang apartment. Nagluto siya ng meryenda at saka inihanda ang ice cream.

Sabay sila ngayong kumakain at nanonood ng Spongebob na cartoon.

“Ano palang pangalan mo at ilang taon ka na?” tanong ni James.

“Patrick po. Six na po ako,” sabi ng bata habang kain nang kain ng ice cream na vanilla.

Natawa si James. “Kung magkakaanak akong lalaki, Patrick din ang ipapangalan ko dahil sa Spongebob. Siya nga pala, anong name ng daddy mo?”

“Walanghiya po. Minsan po impakto po kapag naririnig ko po na sinasabi ni mommy,” seryosong sagot naman ni Patrick.

“A-ano?” napahagalpak ng tawa lalaki sa narinig. “E si mommy mo, ano’ng name?”

Akmang magsasalita ang bata nang biglang tumunog ang cellphone ni James.

“Hello?”

“Hi! Mommy ‘to ni Patrick, naandito ako sa mag gate ng apartment. Susunduin ko sana ang anak ko,” sabi ng babae sa kabilang linya.

“Oh, okay! Bubuksan ko na po.” Tumingin si James sa bata at ngumiti, “nandiyan na si mommy mo!”

Nagmamadaling lumabas rin ang bata at halos nauna pa sa lalaking magbukas ng gate.

“Mommy!” sigaw ng bata.

“Baby! Diyos ko, sobrang nag worry ako sa’yo!” sabi ng babae habang nakayakap sa anak.

Tila ba bumagal naman ang mundo ni James nang makita kung sino ang sumundo sa bata. Hindi siya maaaring magkamali. Kilalang-kilala niya iyon.

“Natalie?” ‘Di makapaniwalang tanong ng lalaki.

“James?!”

Nanlaki ang mata ng babae at saka nagmadaling tumayo.

“S-salamat sa pagkupkop sa anak ko. Salamat dahil hindi mo siya pinabayaan. Eto ang maliit na halaga, bilang pasasalamat,” sabi pa ni Natalie.

“Wait, you’re married now? May asawa ka na?”

“Wala po! Wala po akong daddy,” sabat naman ng bata. “Mommy, can he be my daddy? I like him!” sabi pa ni Patrick.

“Tara na, anak!” kinuha ni Natalie ang anak at nagmadaling maglakad.

Hinabol naman sila ni James at pinigilan.

“Anak ko ba siya, Natalie? Anak ko ba siya?!” malakas na tanong ng lalaki.

“Hindi, kaya wag ka nang lalapit pa sa’min!”

Napailing naman si James, at napaisip. Vanilla ice cream at ‘yung gaan ng loob niya sa bata, hindi lamang iyon basta ganoon, lukso ng d*ugo iyon. Ang pagkakahawig nila, pati na ang edad ng bata… hindi siya puwedeng magkamali. Anak niya ito!

“Sandali lang!” pagpigil niya sa mag-ina. “Anak ko siya, Natalie! Hindi ako pwedeng magkamali, anak ko si Patrick,” pagmamatigas ng lalaki.

Biglang pumatak ang luha ni Natalie at napatigil.

“Bwisit na kasambahay kasi ‘yan! Makikipag-date lang sa Rizal Park pa! Tapos iiwanan ang anak ko!” sigaw ng babae.

“Ang tanong ko ang sagutin mo! Anak ko ba ang bata?!” seryosong tanong ni James.

Lumuhod si Natalie at saka hinawakan ang pisngi ng anak.

“Baby, ‘di ba tinatanong mo si mommy tungkol kay daddy? ‘Yung guy na nag-alaga sa’yo today, siya ‘yung daddy mo,” pagtatapat ng babae sa anak.

“Wow! Siya po ‘yung walang hiyang impakto, mommy?” manghang-manghang sabi ng bata.

Bigla naman napahagalpak ng tawa si Natalie dahil narinig ito ng dating kasintahan.

“Oo, baby,” ang mga luha sa kaniyang mga mata ay napalitan ng mga ngiti ngayon.

Agad namang niyakap ni James ang anak. May mga masasayang luha na pumatak galing sa kaniyang mga mata.

Ipinaliwanag ni Natalie, na nalaman niyang buntis siya pagkatapos ng hiwalayan nila ni James. Hindi na niya nagawang ipagtapat ito dahil nakaalis na patungong ibang bansa ang lalaki noon. Dahil na rin sa sama ng loob, itinaguyod niyang mag-isa ang bata at hindi na ipinaalam pa sa ama nito ang katotohanan.

Masayang-masaya si James dahil mayroon siyang anak. Pero gumawa siya ng paraan upang masungkit muli ang puso ni Natalie. Sinuyo niya ito at niligawan sa isa pang pagkakataon.

Nagtagumpay naman siya. Nabuksan ang puso ni Natalie para sa kanilang ‘second chance’ lalo ngayon na masayang-masaya ang bata sa piling ng ama.

Hindi naman naglaon, isang enggrandeng kasal ang ginanap sa pagitan nila James at Natalie. Ngayon ay isa na silang masayang pamilya. Pinilit bumawi naman ng lalaki sa mga panahong wala siya sa tabi ng mag-ina. Talagang grabe ang pag-aalaga at pagmamahal niya sa mga ito.

Advertisement