Napakataas ng Tingin ng Babae sa Kaniyang Sarili at Hinding-hindi raw Siya Magiging Kabit; Lalamunin Pala Niya ang Lahat ng Sinabi
“Basta kahit kailan, hinding-hindi ako magiging kabit! Mga walang kwentang tao at maninira ng pamilya,” iirap-irap na sabi ni Margarette sa kaibigan.
Lagi niya itong binabanggit sa mga kakilala at kaibigan. Malaki ang hugot niya dahil nasira ang pamilya nila noon nang dahil sa kabit ng kaniyang ama. Pangako niya sa sarili na hinding-hindi sa kaniya mangyayari iyon.
May nobyo ang dalaga na nagngangalang George. Magkasintahan sila sa loob ng walong taon. Kasal na nga lang ang kulang, ngunit kailangan pang mangibang bansa ng lalaki upang makaipon ng malaki. Para na rin sa magiging buhay nilang dalawa sa hinaharap.
Kahit na mahal na mahal nila ang isa’t isa, tila ba nagulo ang kanilang pagsasama magmula ng umalis si George. Nawalan na ito ng panahon at madalang na rin kung makipag-usap kay Margarette. Magkaiba kasi ang oras nilang dalawa. Kaya kapag tulog ang isa, gising naman ang isa.
Sa isang party ng kaibigan, dumalo si Margarette upang maglibang-libang. Doon niya nakilala si Gabriel. Moreno, matangos ang ilong, maganda ang katawan at matangkad. Talagang kaakit-akit ito sa mata ng mga kababaihan. Pero mukha nasa pagitan na ito ng edad 30 hanggang 40.
“Hi! Kumusta ka?” bati ng lalaki habang nag aabot ng maiinom.
“Hello!” bati naman ni Margarette. “Salamat!”
Nagkwentuhan ang dalawa at nagkapalagayan ng loob. Nalaman nilang nasa magkatabing building lamang pala sila nagtra-trabaho.
Noong una’y wala lamang iyon kay Margarette. Pero dumaan ang mga araw, napadalas ang kanilang pag-uusap. Kung minsa’y sabay pang kumakain ng tanghalian sa labas.
Dahil doon, yumabong ang kakaibang pakiramdam sa puso ng babae. Sobrang ligaya sa tuwing kasama at kausap si Gabriel. At sa mga panahong kasama niya ang lalaki, nakakalimutan niyang may kasintahan siyang nagpapakahirap sa abroad para sa kanilang kasal.
Isang araw, nagising na lamang siya sa katotohanan nang matagpuan ang sarili na nasa kama kasama ang ibang lalaki at hindi ang kaniyang kasintahan. Oo, nakipagniig siya kay Gabriel at ibinigay niya ang sarili ng gano’n-gano’n na lamang.
“Nagsisimula na akong magustuhan ka, Margarette,” sabi ni Gabriel habang nakatitig sa mga mata ng babae.
Isang magandang ngiti ang isinukli ng babae. “Ganoon rin ang nararamdaman ko para sa’yo.”
Ang mga eksenang iyon ay nasundan ng isa pang mainit na tagpo. Kumagat sa tukso si Margarette at tuluyan ngang isinantabi ang katotohanang may nobyo siya.
Ang palihim na pagkikita ay nasundan ng nasundan. Hanggang sa hinanap-hanap na ng babae si Gabriel at tuluyan kumalas sa nobyong si George.
“Pasensiya ka na kung nawawalan ako ng panahon. Pero ginagawa ko ito para sa kinabukasan natin. Para sa kasal, ‘di ba?” sab ini George sa video call.
“Hindi na ako masaya. Ayoko na ng ganito. Maghiwalay na lamang tayo,” tugon naman ng babae.
“M-may iba na ba? Kaya gusto mo akong iwan?” tanong pa ng lalaki.
“‘Yung totoo? Meron. At sobrang masaya ako sa kaniya. Napupunan niya ang mga pangangailangan ko at nabibigyan ako sa atensyon at sapat na oras!” pagkatapos sabihin ay agad ibinaba ng babae ang tawag.
“Sa wakas!!!” sigaw niya. “Malaya ko na rin magagawang mahalin si Gabriel!”
Nakipagkita siya kay Gabriel nang araw na iyon at saka nakipagniig. Opisyal na rin ang kanilang relasyon at talagang nagpakasaya si Margarette sa piling ng bagong nobyo.
Akala ni Margarette ay palagi na lamang makulay at maligaya ang kaniyang buhay. Hanggang sa isang araw, nag gala siya sa isang mall…
Naglalakad-lakad siya noon nang makita si Gabriel. Patakbo siyang lumapit at bumati.
“Sinong na-miss mo?!” kinikilig-kilig pang sabi ng babae.
“M-Margarette? Anong ginagawa mo rito?” gulat na gulat na sabi ni Gabriel.
“Ikaw naman, para kang nakakita ng multo!” biro pa ng babae.
“Honey, saan mo gusto mag lunch?” sabat naman ng isang sosyaling babae na papalapit kay Gabriel. “Sino siya?” tanong naman nito habang nakatingin kay Margarette.
“Ah, kaibigan from work lang, hon. Si Margarette,” saad naman ni Gabriel. “By the way, this is Clarita-”
“His wife!” hindi na pinatapos pa ng babae si Gabriel sa pagsasalita at saka ngumiti na tila ba mangangain.
Napatingin naman si Margarette sa kamay ni Gabriel at nakitang suot nito ang wedding ring. Hindi niya alam ang dapat maramdaman noon. Hindi niya alam magagalit ba siya, maiiyak o masasaktan. Pero isa lang ang alam niya, hindi siya puwedeng mag iskandalo.
Ngunit kinuha niya ang kanyang cellphone at hinanap ang pangalan ni Marco sa facebook, lumabas ang dalawang account na may iisang mukha. Isang kaibigan niya at isang hindi.
Nanginginig ang kamay niya nang buksan ang account na hindi ni konektado sa kanya, ang para binuhusan siya ng malamig na tubig sa nakita, pamilyado na nga si Marco.
Kinabukasan, muling nagkita sina Margarette at Gabriel sa isang mamahaling hotel.
“Bakit hindi mo sinabing may asawa ka na pala?” malamig na sabi ng babae.
“I’m sorry. I should’ve told you sooner. Pero please believe me, mahal kita at masaya ako sa’yo,” sagot naman ng lalaki.
“Pero may asawa ka na! Hindi ka na puwedeng maging akin!”
“Please, Margarette, I need you in my life. I love you and I cannot afford to lose you,” panunuyo pa ni Gabriel.
Hinila ng lalaki si Margarette at saka siniil ng halik. Pipiglas pa sana ang babae ngunit kinalauna’y lumaban na rin siya sa halik ng lalaki.
Noong araw na iyon, nilunok ng babae ang sinabi niyang “hindi siya kailanman magiging kabit.” Kahit na alam niyang mali, pinatulan niya si Gabriel at nagbulag-bulagan sa masakit na katotohanang pangalawa lamang siya sa buhay nito.
Isang babaeng bulag sa pag-ibig ang kinalabasan ng desisyon niyang iyon.
Matapos ang maiinit na tagpo nang gabing iyon, sabay na lumabas ang dalawa ngunit laking gulat nila ng salubungin sila ni Clarita sa lobby ng hotel.
“Nag enjoy ba kayo?” sabi ng babae.
“Clarita, anong ginagawa mo rito?” gulat na tanong ni Gabriel.
“Sinusundo ko ang asawa ko pagkatapos niyang magparaos sa kabit,” sabi pa ng babae.
Halos lumubog naman si Margarette sa kinatatayuan dahil sa narinig.
“Excuse me! ‘Wag mo akong mapagsasalitaan ng ganiyan!” sagot naman ni Margarette.
“Bakit nasasaktan ka ba? Kabit ka naman talaga ng asawa ko. Hindi ka ba nahihiya sa sarili mo? Mukhang matalino at edukada ka naman, pero bakit sumisiksik ka buhay ng lalaking pamilyado na?”
“Mahal niya ako!” sigaw ni Margarette.
Napahalakhak naman si Clarita sa narinig. “Pinapaniwala mo talaga ang sarili mo sa kasinungalingang iyan? Nakakaawa ka!”
“Ang kapal ng mukha mo!” sumugod si Margarette at akmang sasampalin sana si Clarita nang biglang maalog ang ulo niya sa lakas ng sampal ng palad na dumampi sa mukha niya.
Bago pa man niya masampal ang tunay na asawa ay nasampiga na siya nito.
“Ako pa ang makapal ang mukha ngayon?” gigil na sab ini Clarita.
“Stop it, Clarita! Tama na ‘yan!” sigaw naman ni Gabriel.
“Sige nga, Gabriel, try to stop me!” paghahamon ng babae.
“Listen to me, other woman! Hindi ka ba nahihiya?! Mas matapang ka pa gayong ikaw ‘tong sumisira ng pamilya ng iba? Ikaw ang makapal ang mukha!
Ayoko sanang bumaba sa level mo, pero you left me with no choice. Alam ko naman una pa lang. Pero the fact na sumama ka sa asawa ko sa hotel na ‘to ngayon, nakakahiya ka na! Ganiyan ka na ba ka-desperada?!” saad ni Clarita.
Muli na namang nagtangkang sampalin ni Margarette ang babae ngunit nasampal na naman siya ng malakas sa kabilang pisngi. Napalakas ito dahilan para makaramdam siya ng hilo at matumba.
“Mahiya ka naman, Margarette! Ano pa bang ipinaglalaban mo? Nasasaktan ka ba sa katotohanan ha? You would go this low for a guy? How pathetic!
Hanggang diyan lang ba ang pinangarap mo? Maging pangalawa? Kahit pagbali-baliktarin mo ang mundo, ako ang asawa! Legal sa papel at sa batas. Ikaw? Anong maipagmamalaki mo?! Iyang pangkama na pagmamahal na sinasabi mo?”
Halos hindi makalunok si Margarette. Gigil na gigil siyang tumayo at nagsisigaw para sugurin si Clarita, ngunit natigilan siya nang makitang humarang si Gabriel para protektahan ito.
Napatitig lang siya nang makitang nakayakap ang lalaki sa asawa nito at handang iharang ang sarili upang hindi masaktan.
Doon siya natauhan. Pumatak ang mga luha niya at tila ba nawalan ng lakas ang katawan. Totoo nga… totoo nga na ‘pag nagkagipitan, sa tunay na asawa pa rin babalik ang mga asawang lalaki.
Napakasakit tanggapin sa kaniya nang nakikita, pero mas masakit tanggapin na lahat ng sinabi niya noon ay nilamon niya ng buong-buong.
Hindi lamang siya naging kabit, siya rin mismo ay nagkaroon ng kabit habang may kasintahan pa. Masahol pa siya sa inaasahan niya. Masahol pa siya sa nagawa ng ama niyang kinamumuhian niya.
Kinabukasan, usap-usapan siya sa opisina dahil kumalat ang video ng komprontasyon ng tunay na asawa at kabit. May palihim palang kumuha ng mga sampalan at makapanginig ng laman ng harapan ng dalawang babae.
Kumalat ito sa facebook at iba pang social media. Halos hindi na makalabas ng bahay noon si Margarette sa sobrang kahihiyan. Sinubukan rin niyang makipagbalikan sa dating nobyo ngunit tinanggihan siya nito lalo na’t napanood nito ang kumalat na video ng dating nobya.
Walang ibang magawa si Margarette kundi ang mag-resign sa trabaho at mag apply patungong ibang bansa. Nang makalipad siya, doon siya nag desisyon na tuluyan nang baguhin ang buhay.
Pumunta siya sa lugar kung saan malaya siya, walang nakakakilala sa kaniya at higit sa lahat, lugar kung saan siya makakapagsimula ng panibago. Baon-baon niya ang aral na natutunan mula sa masakit na karanasan.