Nagpapakalat ng Maling Tsismis ang Lalaki Tungkol sa Best Friend Niyang Babae Upang Umurong ang mga Manliligaw Nito; May Matinding Dahilan Pala Siya Kung Bakit Ginagawa Iyon

Habang nasa palaruan noon ang batang si Jacob ay naagaw ng batang babae ang kaniyang atensyon. Iyon ang kauna-unahang pagkakataon na nakita niya ito doon.

Natigilan si Jacob sa binubungkal na lupa dahil namangha lamang siya habang tinititigan ang batang babae. Napapangiti siya dahil para bang anghel ito sa mga mata niya.

Lakas loob na pumunta si Jacob sa kinaroroonan ng batang babae.

“Hello, what’s your name?” nakangiting tanong ni Jacob.

Napatingin naman ang batang babae at nagtaas ng kilay.

“Kilala ba kita? Bakit ko sasabihin? Sabi ng mommy ko, don’t talk to strangers daw,” tugon naman ng batang babae.

“Ah, e, Jacob ang pangalan ko. Ikaw?”

“Sige na nga. Nagpakilala ka naman, ako si Princess,” sabay ngiti ng malaki.

Advertisement

Bigla naman tumulo ang sipon mula sa ilong ni Princess, kaya natawa si Jacob. Sa murang edad, nasabi niya sa sarili na “papakasalan ko siya balang-araw.”

Bagong kapitbahay pala nila ang pamilya ni Princess. Kaya halos araw-araw ay magkalaro ang dalawa.

Sa paglipas ng panahon, ang makulit pero cute na batang si Jacob ay ganap na binata na. Heartthrob siya ng paaralan at halos lahat ng babae ay nahuhumaling rito. Pero nakapagtatakang wala itong naging nobya kahit isa.

Sa isang banda naman, ang uhuging si Princess ay lumaking napakaganda. Gaya ni Jacob, kinahuhumalingan rin ng mga kalalakihan ang dalaga. Pero sa tuwing may natitipuhan siya, bigla naman itong umuurong sa hindi malamang kadahilanan.

Ang hindi kasi alam ng dalaga, hinaharang ni Jacob ang lahat ng manliligaw nito upang hindi na tumuloy pa.

“Brad, ikaw yung junior na nanliligaw kay Princess, tama ba?” pagharang ni Jacob sa kamag-aral.

“Yes, may problema ka ba, bro?” sagot nito sa kanya.

“Wala naman. Pero gusto ko lang sabihin sa’yo na tumigil ka na! Hindi ka gusto ni Princess at higit sa lahat, may anghit at mabaho ang paa niya. Brad, ako na ang nagsasabi, nakakadiri ang amoy!” paninira pa ni Jacob.

Advertisement

Bakas sa mukha ng lalaki ang pandidiri. Mukhang tumalab naman ang ginawa ni Jacob dahil kitang-kita na na-turn off ito.

Patagong ngumiti si Jacob dahil alam niyang tagumpay na naman siya. Ilang manliligaw na rin ang umurong dahil sa ganoong gawain niya. Alam niyang hindi tama, pero gusto lamang niyang ingatan ang kaibigan.

“Jacob, sabihin mo nga sa’kin, pangit ba ako? Mabaho ba ang hininga ko? Hindi ba maganda ang katawan ko? Bakit ba lahat ng manliligaw ko bigla-bigla na lang nagba-back out?” bigong sabi ng dalaga.

Natawa lamang ang lalaki sa narinig. Ibig sabihin kasi, nagtagumpah na naman siya.

“Baka naman hindi kasi sila yung para sa’yo. Hayaan mo na lang,” sagot ng binata.

“E sino naman para sa’kin? Ikaw? Nako!” inis na sabi pa ni Princess.

Napatigil naman ang binata sa narinig at tila ba naistatwa. “Tubuan ka naman ng kaunting hiya, Princess! At isa pa, good catch ako ‘no?!” sabay tawa ng malakas.

Paglipas ng araw, sumabog ang tsismis na amoy pat*y na daga raw ang paa ni Princess at malakas ang putok sa kili-kili kaya walang tumatagal na manliligaw rito. Ipinagkakalat ito ng mga dating manliligaw at ilang kababaihang inggit sa kaniya.

Advertisement

Ang labis na nagpasama ng loob ni Princess ay pare-pareho ang lahat na itinuturo na si Jacob ang nagpapakalat.

“Anong problema mo, Jacob ha? Bakit ipinapakalat mo ‘yung maling chismis tungkol sa akin? Ano bang ginawa ko sa’yo?!” galit na tanong ni Princess.

“Kasi… kasi…”

“Kasi ano? Bakit?” sigaw pa ng dalaga.

“Kasi ayokong masaktan ka. Iniingatan lang kita. Okay?!” tugon naman ni Jacob.

“Pero bakit? May gusto ka bang sabihin sa’kin? May ipagtatapat ka ba?” pag-usisa naman ng dalaga.

“Wala,” isang malamig na tugon ang ibinigay ni Jacob.

“Sige. ‘Wag ka nang magpapakita pa sa akin ha? Lumayo ka na at umalis na sa buhay ko!” umiiyak na sabi ni Princess at saka tumakbo paalis. 

Advertisement

Ilang beses sinubukan ni Jacob na kausapin at suyuin ang dalaga, pero naging matigas ito at hindi talaga siya pinapansin.

Isang gabi, lasing na lasing si Jacob na nambulabog kay Princess.

“Princess! Kausapin mo ako!” sigaw ng lalaki. “Princess!!!”

“Hoy! Mahiya ka nga sa mga kapitbahay!” sigaw naman ng dalaga matapos lumabas sa may pintuan.

“Amoy alak ka. Umuwi ka na! Sa susunod na tayo mag-usap!” pagtataboy ng babae.

“Bakit mo ba kasi ginagawa ang mga ‘to Jacob?”

Nakatingin lamang si Jacob sa magagandang mata ng kaibigan. “Hindi mo pa rin ba naiintindihan ang lahat, Princess?”

“Naiintindihan ang ano? gulong-gulo na kasi ako Jacob!”

Advertisement

“Na mahal kita! Bakit ba ang manhid mo? Mahal kita kaya ginagawa ko ang lahat para hindi ka mapunta sa iba.

Sorry kasi na-in love ako sa’yo. Sorry kasi minahal kita na best friend ko. Pero bata pa lang tayo gusto na kita, Princess. Hindi ko lang masabi kasi ayokong masira ang pagkakaibigan natin. Bakit ba hindi ka makaramdam?!” pagtatapat ng lalaki.

Napaluha naman ang dalaga sa narinig. Magkahalong saya, kilig at kaba ang naramdaman niya.

“Hindi ko alam… pero ang totoo niyan, matagal na rin kitang mahal. Pero wala akong lakas ng loob na sabihin kasi nahihiya ako. Natatakot ako na baka hindi ako ang gusto mo, pero malinaw na sa akin ang lahat ngayon,” sagot naman ni Princess.

“I love you, Princess. Akin ka na lang. Pangako, aalagaan kita,” nakaluhod na sabi ng lalaki.

“I love you, too. Simula ngayon hanggang sa dulo, iyong-iyo lang ako,” may luha sa matang sagot ng dalaga.

Tumayo si Jacob at inilapit ang mukha kay Princess. Hinalikan niya ito sa noo at dahan-dahang bumaba sa labi ng dalaga. Siniil niya ito ng isang napakatamis na halik.

Iyon na ang naging maganda simula ng pag-iibigan ng dating matalik na magkaibigan lamang. Matapos maka-graduate ng college ay nakakuha ang dalawa ng maganda trabaho.

Advertisement

Pitong taon ang lumipas, sa kasalan rin nauwi ang nakakakilig na love story ng dalawa. Tulad ng sinabi ni Jacob noon, pinakasalan nga niya ang babaeng bumihag ng kaniyang puso magmula pa sa pagkabata.