Inday TrendingInday Trending
Pinili ng Lalaki ang Kabit Kaysa sa Kaniyang Pamilya; Nang Maaksidente Siya, Ito ang Kanilang Naging Ganti

Pinili ng Lalaki ang Kabit Kaysa sa Kaniyang Pamilya; Nang Maaksidente Siya, Ito ang Kanilang Naging Ganti

Papa’s girl kung maituturing si Harlene dahil sobrang malapit siya sa ama. Mahal na mahal niya ito at talagang para sa kaniya, ito ang superhero niya.

Labis ang siya ng dalaga kapag nakikitant naglalambingan ang mga magulang. Ganoong klaseng pagmamahal daw ang nais siya kapag tumanda siya. Sila ang maituturing na imahe ng perpektong pamilya.

Ang buong akala niya ay mananatiling ganoon ang kanilang pamilya, pero darating pala ang panahong mababago ang pagtingin niya rito.

Maagang umuwi si Harlene noon mula sa paaralan. Nagmamadali siyang maglakad upang maagang makauwi at makapaglaro sa computer. Nadatnan niya ang bahay na tahimik.

“Akala ko nandito si tatay?” tanong niya sa sarili. Naisip niyang baka tulog ito kaya tiningnan niya ang kwarto nito upang makasiguro.

Gulat na gulat siya at nanlaki ang mata nang makitang may ibang babaeng kasama ang ama sa kama.

“Papa?” naiiyak na tanong ni Harlene.

Nagulat naman ang lalaki pati na ang kasama nito at hindi kaagad nakaimik.

Tumakbo ang dalagita palabas at saka umiyak. Ang imahe ng perpektong pamilya ay isa na ngayon pilas na larawan.

Pumunta siya sa paaralan kung saan nagtratrabaho ang kaniyang ina bilang guro. Uwian na noon kaya’t naabutan niyang mag-isa sa silid-aralan ang ina.

“Ma…” pagtawag ni Harlene sa ina.

“O anak, bakit naparito ka ata?” nagtatakang tanong ng ginang.

“S-si papa po kasi nagdala ng ibang babae sa kwarto n’yo,” nauutal na sabi ng dalagita.

Nagulat naman ang ginang at saka niyakap ang anak.

“Sorry at kailangan mong makita pa iyon, anak. Nakakalungkot na kahit ikaw din mismo ay nakita ang pinaggagagawa ng ama mo,” naluluhang sabi ng babae sa anak.

“Alam n’yo po pala, mama? Bakit wala kayong ginawa? Bakit hinayaan ninyo lang po si papa?”

“Mahal na mahal ko ang papa mo at alam kong mataas rin ang tingin mo sa kaniya, kaya hindi ko alam kung paano sasabihin sa’yo. Alam ko kasi hindi mo kaagad matatanggap. Patawad, anak,” paliwanag ng ginang habang tumutulo ang mga luha.

Umuwi ang mag-ina na magkasama. Hindi naman maipinta ang mukha ni Harlene na seryosong-seryoso nang makaharap ang ama.

“Alam ko naman Domeng… Alam ko na naman na may babae ka una pa lang,” mahinahong saad ni Mabel. “Pero wala kang narinig sa akin dahil mahal kita at mahal na mahal ka ng anak mo.”

“Mapatawad sana ninyo ako,” napaluhod si Domeng sa harap ng mag-ina. “Pangako ko sa inyo na hindi na mauulit ito. Patawari n’yo sana ako.”

Tumayo ang lalaki at saka niyakap ang mag-ina. Naging maayos naman muli ang kanilang pamilya magmula noon.

Dalawang taon ang nakalipas kolehiyo na si Harlene. Ngayon ay naghahanda na lamang siya sa panibagong yugto ng buhay na tatahakin.

Nadestino naman si Domeng sa Maynila dahil doon nakabase ang kanilang trabaho. Nakakauwi lamang ito tuwing magtatapos ang linggo.

Si Mabel naman ay patuloy pa rin na nagtuturo at kumakayod para sa pag-aaral ni Harlene. Mas malaki ang gastusin lalo na’t kolehiyo na ito.

Sumapit ang araw ng Sabado, ngunit hindi nakauwi si Domeng. Paliwanag nito ay marami raw kasing trabaho at kailangan mag overtime. Hanggang sa ilang linggo pa ang lumipas na palagi itong may iba’t ibang dahilan.

Isang araw nadatnan ni Harlene na umiiyak ang ina.

“Anung nangyari mama? Bakit ka umiiyak?”

Hindi naman makapag-usap ang ginang. Hindi nito alam kung paano ipapaliwanag ang matinding dinaramdam.

“Ma naman e! Anong po ba’ng nangyari?” pag-usisa pa ng anak.

“Ang papa mo nahuli ko na may kasamang kabit,” pag-amin ng ginang sa anak.

“Ha? ‘Di ba nangako na po siyang hindi siya uulit? B-bakit ganoon? Bakit ginawa na naman niya?”

“Nahuli ko sila sa mismong apartment ng papa mo noong namili ako doon sa Divisoria. Kaya pala hindi siya umuuwi ay dahil may ibinabahay na siya. Ang sakit-sakit anak…” hagulgol ni Mabel sa anak.

“Hindi na talaga siya nagbago! Wag na wag mo na ulit tatanggapin ‘yun sa buhay natin, ma! Tama na yung ilang beses niya tayong saktan!” galit na sabi ng dalaga.

Kahit na ganoon, pinilit pa rin nilang pauuwiin ang lalaki. Pero mas pinili nito ang kabit. Parang busabos na inabandona na talaga ang mag-ina.

Ilang buwan na rin ang nakalipas ngunit walang tawag o text man lang ang natanggap nila mula kay Domeng.

Hanggang isang araw…

“Eto po ba ang misis ni Sir Domeng? Nahulog po kasi siya sa ikalawang palapag at ngayon po’y paralisado na ang katawan,” pagbabalita ng isang katrabaho.

Nagtungo ang mag-ina sa ospital at nakitang nakaratay doon ang lalaki.

“Patawad sa mga nagawa ko. Siguro ay karma ko na ito sa lahat ng iyon. Sana ay matanggap pa ninyo ako sa inyong buhay,” pakiusap ng lalaki.

Natawa lamang si Mabel. “Noong malakas ka pa at naigagalaw ang katawan, nasaan ka? Noong kumikita ka ng malaki habang ako nagpapakuba upang suportahan ang pag-aaral ng anak natin, nasaan ka? Naroon ka sa kabit mo. Nagpakasasa siya sa pera at oras habang kami mukhang tanga dahil inabandona mo.

Tapos ngayong hindi ka na niya mapapakinabangan, uuwi ka sa amin? Pasensya ka na Domeng, hindi pwede. Doon ka sa kabit mo magpaalaga!”

“Alam kong nagkamali ako, pero ganiyan ba talaga katigas ang inyong puso para hindi ako tanggapin?” pagpapaawa pa ng lalaki.

“Oo. Naparito lang kami para tingnan ang kalagayan mo. Tutal nakakapag-usap ka pa, tawagan mo na ang babaeng pinagpalit mo sa amin. Siya naman kamo ang bumuhay sa’yo ngayon,” matigas na sabi ni Mabel sa asawa.

“Sorry papa… eto ang desisyong pinili mo noong itinanggi mo kami. Kami ang pamilya mo pero kami ang iniwan mo. Magmula noon, pinutol mo na lahat ng koneksyon na mayroon tayo,” sabi naman ni Harlene.

Masakit man at may kirot sa kanilang puso, iniwan nila ang lalaki sa ganoong sitwasyon. Kailangan nilang maging matigas sa pagkakataong iyon dahil sa paulit-ulit na sakit na naramdaman nila.

Hindi lahat ng kasalanan ay nangangailangan ng kapatawaran. Mayroong pagkakataon na kailangan mong talikuran ang lahat at maging matigas hindi dahil sa masama ka, kundi dahil pagod ka na sa labis na sakit na ginawa sa’yo. Diyos na lamang ang bahalang humusga.

Advertisement