Naiinggit ang Babae sa Kaniyang mga Kaibigan na Inalayan ng Singsing na may Brilyante; Paano Kung Simpleng Singsing Lamang ang Ibigay sa Kaniya ng Nobyo?

Inggit ang nararamdaman ni Merlinda sa kaniyang mga kaibigang binigyan ng engagement ring ng kanilang mga nobyo nang hingin ng mga ito ang kani-kanilang mga kamay. Paano, puro mamahalin kasi ang mga singsing.

“Sana bigyan din ako ni Julio ng singsing na mamahalin kapag nag-propose na siya. Gusto ko sana may brilyante yung singsing, para naman hindi nakakahiya kapag ipinakita na sa social media,” nasabi ni Merlinda sa kaniyang kaibigang si Nancy.

“Manalig ka, friend! Sigurado naman ako na pinaghahandaan na ‘yan ni Julio. Huwag kang ma-pressure sa mga kaibigan natin! Darating din ang oras ninyo ni Julio,” pampalubag-loob ni Nancy sa kaniyang kaibigan.

Subalit duda si Merlinda na mangyayari iyon. Si Julio pa ba? Saksakan ng kuripot ang kaniyang kasintahan. Kapag nga kumakain sila sa labas, hindi naman sa nilalait niya ang nobyo, sa mumurahing fast food chain lamang sila kumakain. Wala namang kaso sa kaniya. Mahal na mahal niya ang kaniyang nobyo kahit na matipid ito, bagay na nakikita niyang magandang katangian naman ng isang mapapangasawa.

Subalit s’yempre, nais din naman niyang makaranas na parang itinuturing na prinsesa. O reyna. Bagay na iniisip niyang kaya ba itong ibigay ni Julio sa kaniya?

Minsan, nang lumabas sila ni Julio upang kumain, biniro niya ito tungkol sa bagay na ito.

“Mahal… yung mga kaibigan ko… lahat sila malapit nang ikasal, e tayo ba?” untag ni  Merlinda.

“Natutuwa ako para sa kanila, mahal,” matipid na sagot naman ni Julio. Ipinagpatuloy nito ang pagnguya.

Advertisement

“Eh… yung sa atin ba mahal… kailan mangyayari?”

Napahinto naman si Julio. Napatitig kay Merlinda.

“Darating din tayo diyan, mahal. Huwag mo namang madaliin ang lahat. Sa ngayon kasi, nakalaan ang pera ko. Pero huwag kang mag-alala, gagawin kong ‘di-malilimutan ang wedding proposal ko sa iyo,” sabay kindat ni Julio.

young indian male eating in restaurant - asian man eating stock pictures, royalty-free photos & images

“Talaga mahal? Pangako mo sa akin ‘yan ah? Gusto ko ring makatanggap ng mamahaling singsing! Dapat may diyamante ha?”

Hindi na lamang kumibo si Julio. Alam niya kasing hindi niya prayoridad ang mga ganoong klaseng luho. Alam niyang hindi gaanong importante ang mamahaling singsing sa engagement, ang mahalaga naman ay wagas ang kaniyang pagmamahal para sa kaniyang nobya.

Lumaki sa hirap si Julio, at bata pa lamang siya ay namulat na siya sa maagang pagbabanat ng buto, sa maagang pagpapatulo ng pawis. Lahat ng sentimo na nasa kaniyang bulsa, ito ay kaniyang pinaghihirapan, kaya alam din niya kung paano ito iipunin at palalaguin.

Iyan ang isa sa mga nais niyang gawin kapag mag-asawa na sila ni Merlinda, at kapag may mga anak na sila. Nais niyang ipaunawa sa mga anak na hindi madali ang buhay, lahat ng mga bagay na mayroon ka at nais mong makuha, kailangang pagsumikapan ito.

Makalipas ang ilang buwan, dumating na ang araw na pinakahihintay ni Merlinda. Sa isang sorpresa, hiningi na nga ni Julio ang kaniyang mga kamay.

Advertisement

“Will you marry me?”

“Oo naman, Julio. Yes na yes!”

Inilahad na ni Merlinda ang kaniyang kamay. Nakaabang na siya sa singsing na isusuot sa kaniya ni Julio. Gaano kaya kalaki ang brilyanteng nakaadorno?

Subalit nawala ang kaniyang ngiti nang makita ang simpleng singsing. Maganda naman ito, ngunit hindi ito ang inaasahan niyang mamahaling singsing na gusto niyang matanggap.

“Bakit ganito lang ang singsing? Hindi ba’t sinabi ko na sa iyo na gusto ko, may brilyante? Yung mamahalin? Bakit ganito naman ang ibinigay mo sa akin? Mukhang pangkaraniwan lang. Hindi ba ako espesyal para sa iyo? Gusto ko yung naghuhumiyaw ang mga bato!”

woman feeling stressed and angry, and relationships problems couple. single sad wife after divorce lamenting holding the wedding ring marry. - asian couple engagement stock pictures, royalty-free photos & images

Tinakasan ng ngiti si Julio sa kaniyang mga narinig.

“Halika, may isa pa akong sorpresa para sa iyo. Sumama ka sa akin.”

Sakay ng lumang kotse ni Julio, may pinuntahan silang magkasintahan. Nang malapit na sila sa destinasyon, inutusan siya ni Julio na ilagay ang kaniyang panyo sa mga mata bilang piring.

Advertisement

“Ano ba kasi ito? Bakit kailangan pang may piring?”

“Basta, malalaman mo rin.”

Maya-maya, huminto na sila. Bumaba ng kotse si Julio. Binuksan ang pinto sa gawi ni Merlinda. Maingat na inalalayan ang nobya upang makalabas ito. Tinanggal niya ang piring sa mata nito.

Tumambad kay Merlinda ang isang maganda at malaking bahay!

“Ito ang sorpresa ko para sa iyo, Merlinda. Hindi ako nag-aksaya ng panahong gumastos sa singsing. Naisip ko, ilaan na lamang sa dream house natin ang pera, para kapag kasal na tayo, may bahay na agad tayo. Kaya tatanungin ulit kita, will you marry me, kahit hindi ko naibigay ang hirit mong singsing?”

Hiyang-hiya si Merlinda sa kaniyang sarili, lalo na kay Julio.

“Patawarin mo ako mahal kung naging materyalistiko ako. Aanhin nga natin ang mamahaling singsing kung wala naman tayong sariling bahay kapag ikinasal na tayo? Oo naman. Pakakasalan kita. Ikaw ang nais kong makasama habambuhay,” naluluhang pagtitiyak ni Merlinda sa kaniyang nobyo.

Makalipas ang ilang buwan, naganap na nga ang isang simpleng kasalan nina Julio at Merlinda. Hindi na baleng simple ang kasal, ang mahalaga, may sarili na silang bahay, na mas magarbo pa!