Mag-aaplay ng Trabaho ang Lalaki Subalit ‘Di Niya Natiis na Tulungan ang Matandang Lalaking Nasiraan ng Kotse; Mahuli Kaya Siya sa Nakatakdang Panayam Dahil Dito?

Sinipat-sipat ni Dante ang kaniyang sarili sa malaking salaming nakadikit sa pinto ng kaniyang lumang aparador na gawa sa kahoy. Palagay naman niya ay maayos na ang pagkakasuklay sa kaniyang itim na itim na buhok. Inaayos-ayos niya ang kuwelyo ng lumang polo na nakailang laba na yata mula sa kaniyang ina, dahil iyon ang madalas niyang gamitin.

Mag-aaplay siya ng trabaho. Magbabaka-sakali.

Lumabas na siya ng kaniyang silid. Nakita niya si Aling Mona, bitbit sa kaliwang kamay ang isang pinggang may omelet. Sa kanan, siyansi.

“’Nak, kumain ka muna bago ka lumarga. Hindi mo alam kung gaano katagal ang proseso ng aplikasyon. Mas maiging may laman ang tiyan mo,” aya nito sa kaniya.

Pinihit ni Dante ang isang silya. Naupo. Kinuha palapit sa kaniya ang isang bakanteng pinggan, sumandok ng sinangag na umaaso sa init, at nagdadala ng mabangong samyo ng ginisang bawang at iba pang mga sangkap. Giniyagis ang omelet. Paborito niya ito, lalo na kapag buo-buo ang kamatis at sibuyas.

omelette with champignon, onion and ham on plate - omelet stock pictures, royalty-free photos & images

“Salamat ‘Nay. Sana nga matanggap ako. Paubos na ang back pay na ibinigay ng kompanya nang magsara sila.”

Ang tinutukoy na kompanya ay ang hotel na pinagtrabahuhan ni Dante. Nagsara dahil nalugi.

“Sana nga anak. Mamaya magrorosaryo ako para sa iyo, pag-alis mo,” saad ni Aling Mona. Inilapag nito sa tabi niya ang malaking mug. Umuusok na kape’t gatas. Saka ito naupo sa puwesto nito upang saluhan siya.

Advertisement

“Pag-uwi mo nga mamaya, dumaan ka sa botika, pakibilhan naman ako ng gamot. Sumasakit na naman ang tuhod ko eh,” bilin sa kaniya ni Aling Mona.

“Areglado. Kaya mas gagalingan ko pa, para may pambili tayo lagi ng gamot mo,” pangako ni Dante sa kaniyang ina.

Pagkaubos ng kaniyang almusal, lumarga na si Dante. Maganda ang sikat ng araw. Maaliwalas ang panahon. Nagliliparan ang mga ibon sa himpapawid. Mukhang magiging maganda ang araw na ito para kay Dante.

closeup of businessman walking on street - asian male walking on the street stock pictures, royalty-free photos & images

Sa kaniyang paglalakad, napansin niya sa daan ang isang lalaking may katandaan na ang gulang, at tila hirap na hirap ito sa pag-aayos ng na-flat na gulong ng kaniyang kotse. Dahil likas na matulungin, nabagbag ang damdamin ni Dante.

“Manong, excuse me po, baka gusto po ninyo ng tulong? Marunong po ako magmekaniko,” pagpiprisinta ni Dante. Totoo naman. Nagmemekaniko siya noon upang makadagdag sa pantustos ng kaniyang pag-aaral sa kolehiyo.

Tila nahihiya naman ang matandang lalaki.

“Naku iho mukhang ayos na ayos ka at may lakad, nakakahiya naman sa iyo,” saad ng matanda.

Ngumiti naman si Dante. “Ayos lang ho. Wala pong kaso. Maaga pa po ako sa appointment ko.”

Advertisement

Kinuha na nga ni Dante ang liyabe de tubo at sinimulan nang palitan ang flat na gulong sa kotse ng matandang lalaki. Hindi sinasadya ay nadumihan pa ang kaniyang pantalon ng grasa. Maya-maya, maayos na ito.

“Maraming-maraming salamat, iho. Napakabuti ng puso mo. Bilang kapalit ng ginawa mo at naabala kita, sumakay ka na sa akin at nang maihatid kita sa patutunguhan mo,” aya ng matandang lalaki.

“Naku sir, hindi naman po kailangang may kapalit ang pagtulong, okay lang naman po ako…”

“Sige na, iho. Mang Anton na lamang ang itawag mo sa akin. Sakay na.”

Dahil nahiya na ring tanggihan ang alok ng matanda, nagpaunlak na rin si Dante. Habang nagmamaneho ito ay nagkakuwentuhan sila sa ilang mga bagay, gaya ng kaniyang dating trabaho, at ilang mga impormasyon tungkol sa kaniya.

Nagkataon namang pareho pa sila ng pupuntahan. Sa kompanya kung saan mag-aaplay ng trabaho si Dante.

“Goodluck sa pag-aaplay mo ng trabaho, Dante,” nakangiting paalam ng matandang lalaki sa kaniya.

“Maraming salamat po sa libreng sakay, sir. Mag-iingat po kayo,” magalang na pasasalamat naman ni Dante.

Advertisement

Tamang-tama naman na isang minuto na lamang at magsisimula na ang proseso ng aplikasyon nang makarating sa opisina ng Human Resources Office si Dante. Muntik na siyang mahuli.

Nagulat siya dahil sinabi sa kaniya ng HR Assistant na hindi na niya kailangan pang dumaan sa inisyal na panayam. Bagkus, kailangan na lamang niyang puntahan ang opisina ng CEO para sa pinal na panayam.

Takang-taka naman si Dante, dahil hindi naman ganoon ang unang hakbang sa pag-aaplay. Nasa desisyon ng kakapanayam na HR Director kung dapat ba siyang magpatuloy sa iba pang proseso ng aplikasyon. Ang huling hakbang ay panayam ng CEO.

Laking-gulat niya nang makaharap niya ang CEO na magbibigay ng pinal na panayam sa kaniya.

“M-Mang Anton? Kayo po ang CEO ng kompanyang ito?” gulat na gulat na bulalas ni Dante.

Ibang-iba na ang hitsura nito ngayon. Nakasuot na ito ng Amerikana.

“Oo, ako nga. Kanina, nagawa ko na ang panayam sa iyo habang nagkukuwentuhan tayo papunta rito, at batay sa mga sinabi mo kanina, alam kong bagay na bagay ka sa kompanyang ito,” paliwanag ni Mang Anton.

portrait of smiling senior businessman - old asian guy in the office stock pictures, royalty-free photos & images

Dagdag pa nito, “Nakita ko rin kung gaano kabuti ang puso mo, nang tulungan mo ang isang estrangherong gaya ko. Nakikita kong magiging asset ka ng kompanya. Kailangan namin ang mga gaya mong may mabuting kalooban. Pormalidad na lamang ito. Tanggap ka na. Welcome aboard!”

Advertisement

Hindi makapaniwala si Dante na ang kabutihang ginawa niya sa kapwa kaninang umaga, ay agad na magbubunga nang maganda. Masayang-masaya ang kaniyang kalooban. Masayang-masaya rin si Aling Mona nang sabihin niya rito ang magandang balita.