Pinagsabay ng Binatilyo ang Pag-aaral at Pagtatrabaho sa Gasolinahan; Paano na ang Pag-aaral Niya Kung Palalayasin Siya ng Kaniyang Amo?

“Hoy boy, full tank nga sa diesel. Bilis!”

Nagmamadaling nilapitan ni Edric, 18 taong gulang, ang kustomer na tumawag sa kaniya. Napakagara ng malaking sasakyan nito, at nang silipin niya ang nagmamay-ari nito, isang malaking lalaki. May mga tattoo sa braso. Naka-shades.

Sa takot niya, nanginginig ang mga kamay ni Edric. Sanay na siya sa mga ganoong kustomer na mababa ang pagtingin sa kanilang mga gasoline boy.

No need to panic': Comm. Andy Gipson calms fears over buying fuel

Matapos makargahan ang kotse at maiabot ang sukli, nakahinga na nang maluwag si Edric. Sanay na siya sa mga pambubulyaw at pambabastos. Palibhasa, halatang-halata sa kaniya na bata pa siya.

“Sungit ng customer na ‘yun, akala mo palamunin niya tayo eh. Maaksidente sana,” saad ng kasamahan niyang si Jimboy.

“Hayaan mo na. Sanay naman na ako sa mga ganyang klaseng customer,” tugon ni Edric. Bahagya pa siyang yumuko at nagpalinga-linga sa paligid. “Saka kay boss.”

“Speaking of the dev*l, mamaya-maya darating na ‘yun, kaya itago mo muna ‘yang mga aklat at kuwaderno mo, baka mag-init na naman ang ulo ni Kalbo.”

Ang tinutukoy na “Kalbo” ni Jimboy, walang iba kundi ang kanilang boss. Ayaw kasi nitong nakikitang pinagsasabay ni Edric ang pag-aaral nito, bagama’t alam naman nitong isang working student ito.

Advertisement

Kung hindi magtatrabaho si Edric, hindi niya matatapos ang kaniyang pag-aaral sa kolehiyo. Kasalukuyan siyang kumukuha ng kursong Mechanical Engineering sa isang pampublikong pamantasan. Ulilang-lubos na siya, kaya wala siyang aasahan kundi ang sarili niya.

Matayog ang mga pangarap ni Edric. Nais niyang makatapos ng pag-aaral. Naniniwala siyang kayang-kaya niyang maiangat ang sarili niya sa kahirapan.

“Balang-araw, magkakaroon din ako ng sarili kong gasolinahan. Tapos, tatratuhin ko nang maayos ang mga empleyado ko. Hindi ko sila bubulyawan. Hindi ko sila babastusin,” laging sinasabi ni Edric sa kaniyang isipan, sa gitna ng kaniyang pagpapaantok matapos ang isang araw ng pag-aaral at pagtatrabaho.

Hindi ikinahihiya ni Edric na isa siyang gasoline boy, at alam iyan ng kaniyang mga kaklase. Masuwerte na lamang siya at nagkaroon siya ng mga kaklase at kaibigang nauunawaan ang kaniyang kalagayan, palibhasa, nanggaling din sa hirap at nagsusumikap din sa buhay.

Isang araw, dahil wala naman masyadong kustomer, ay kinailangang magbasa-basa ni Edric ng ilan sa kaniyang mga leksyon para sa nalalapit na panggitnang pagsusulit. Hindi niya namalayang dumating nang biglaan si Kalbo. Nahuli siya nitong nagbabasa.

“Oras ng trabaho, kung ano-anong inaatupag mo! Paano kapag nasalisihan kayo rito? Sayang ang pinapasuweldo ko sa inyo!”

mature confused asian man mobile phone in hand looking lost - asian bald guy stock pictures, royalty-free photos & images

Dahil sa nangyaring iyon, tinanggal bilang gasoline boy si Edric nang ganoon na lamang, sa kabila ng kaniyang pagmamakaawa.

“P’re, doon ka na lang mag trabaho sa maliit na eatery ng tiyahin ko. Tamang-tama nangangailangan yata siya ng dagdag na tao ro’n, saka hindi ‘yon masungit kagaya ni Kalbo,” sabi sa kaniya ni Jimboy. “Ayos lang ba sa iyo?”

Advertisement

“Oo naman, p’re. Maraming salamat ha? Kailangang-kailangan ko talaga eh. Alam mo naman, hindi ako puwedeng mahinto. Ayoko namang masayang ang mga pinagpaguran ko sa pag-aaral. Nandito na ako eh, ayoko namang masayang pa ang pagkakataon,” naiiyak na sabi ni Edric.

“Oo, p’re, tama ka naman. Alam mo bilib nga ako sa iyo eh. Noong kabataan ko, wala akong interes sa pag-aaral, pinapag-aral ako ng mga magulang ko, pero bulakbol ako eh. Kung nagpakatino lang sana ako, eh ‘di sana mas malaking oportunidad ang naghihintay sa akin. Konting tiyaga lang, p’re, kayang-kaya mo ‘yan!”

At nagsimula na ngang magtrabaho si Edric sa eatery ng tiyahin ni Jimboy. Mabait naman ang tiyahin nito, at inunawa ang kaniyang kalagayan, na siya ay isang working student.

Makalipas ang ilang taon at nakatapos na rin ng kaniyang pag-aaral si Edric. Agad siyang nakahanap ng magandang trabaho. Alam niya ang hirap ng pagkayod ng salapi, kaya nag-ipon siya nang nag-ipon upang magkaroon ng sariling bahay.

Nang kumikita na siya nang malaki, naisipan niyang ipagawang restawran ang eatery ng tiyahin ni Jimboy na kumupkop sa kaniya, at pinagsilbihan niya nang maraming mga taon, at labis naman talagang nakatulong sa kaniya.

Makalipas ang tatlong taon, nakabili na nga ng sariling bahay at sasakyan si Edric. Talaga namang mayaman at matagumpay na siya!

Isang araw, napadaan siya sa dating gasolinahan na kaniyang pinagtatrabahuhan. Naalala niya ang mga sandaling naroon siya, pinagsasabay ang trabaho at pagbabasa ng mga aklat, habang nagtatago kay Kalbo.

Huminto siya upang magpagasolina. Napansin niyang tila napabayaan na ang gasolinahan na iyon. Walang ibang mga gasoline boy. Isang pamilyar na mukha ang lumabas mula sa cashier booth. Si Kalbo. Mababakas dito ang katandaan, at namayat na rin.

Advertisement

“Magkano po boss…” tanong nito sa kaniya.

Ibinaba niya ang salamin ng bintana ng kaniyang kotse. “Full tank po, diesel.”

Napamaang si Kalbo nang makita kung sino ang may-ari ng kotse. Mababakas sa mukha nito ang malaking pagkamangha.

“E-Edric… ikaw nga ba iyan?”

“Opo boss… ako nga po ito…” nakangiting pagkompirma ni Edric.

young local taxi driver in kuala lumpur, malaysia. - asian guy in a car stock pictures, royalty-free photos & images

“Ibang-iba ka na… ang yaman mo na ngayon. Nakatapos ka na ng pag-aaral. Sabagay, hindi naman imposible iyon, dahil masipag ka naman talaga noon pa,” pagpuri ni Kalbo sa kaniya.

“Salamat po boss… at maraming salamat po sa inyo dahil nakatulong din naman po ang kinita ko noon sa pagtatrabaho sa inyo rito para masuportahan ko ang mga pangangailangan ko,” taos-pusong pasasalamat ni Edric.

Malungkot na ngumiti si Kalbo.

Advertisement

“Nakarma nga yata ako sa ginawa ko sa iyo. Simula nang umalis ka rito, humina na ang gasolinahan na ito. Makita mo naman, wala na akong mga tao. Ako na lang ang nandito. Napabayaan ko na. Edric, patawarin mo ako sa ginawa ko sa iyo noon.”

“Boss, tapos na po iyon at nakaraan na po iyon,” nakangiting sabi ni Edric.

Dahil malapit sa puso ni Edric ang naturang gasolinahan, nagprisinta si Edric na makipagsosyo kay Kalbo upang mapalago nila ang gasolinahan. Pumayag naman si Kalbo.

Ipina-renovate ni Edric ang gasolinahan at kumuha ng mga karagdagang gasoline boy at mga tauhan upang mas lumakas pa ang negosyo. Tumanggap din si Edric ng mga working student upang makatulong sa kanila. Masayang-masaya ang kalooban ni Edric. Alam niyang marami pa siyang matutulungang mga kagaya niya, na patuloy na nangangarap. Alam niyang marami pang kabataang gaya niya na may “gasolina” sa pag-abot ng kanilang mga mithiin sa buhay; kailangan lamang itong painitin upang patuloy na tumakbo.