Inakusahan ng Ginang ang Dalagitang Tindera na Nagnakaw ng Kanyang Alahas, sa Huli’y Tila Binuhusan Siya ng Malamig na Tubig Nang Malaman ang Katotohanan
Si Aling Leyla ay madalas na namimili ng mga alahas sa Binondo para sa kanyang negosyong buy and sell. Bago siya bumili ng alahas ay naisipan niya munang dumaan sa Divisoria upang mamili ng mga pagkain at prutas. “Magkano isang kilo ng lychee?” tanong niya sa matandang tindera. “150 isang kilo ineng,” sagot nito sa kanya. Sumimangot siya, “Ang mahal naman!” Umalis siya doon at naghanap pa ng ibang pwesto. Hanggang sa pagod na pagod niyang narating ang dulo, “Ineng magkano itong lychee dito? “100 lang po Ma’am isang kilo.” Doon siya napangiti at bumili ng limang kilo noon. Walang kamalay-malay na inilapag niya pa ang bag habang namimili ng magagandang klase nito. Ayun kasi ang paborito ng kanyang anak. “Ma’am bag niyo po,” ani ng tindera nang mapansin ang bag niyang nakalapag lang sa gilid ng paninda nito. Napangiti siya, “Ay salamat. Hindi ko na napansin na nailapag ko pala.” Binuksan niya ang bag upang kunin ang wallet, “Magkano nga ulit?” “500 lang po lahat,” nakangiti pang tugon ng tindera. Sa pagkuha niya ng pera sa wallet ay bigla siyang nagtaka dahil tila may nawawala sa kanya. Muli niyang tinignan ang loob ng bag. Wala na doon ang alahas na pinamili niya. Agad niyang tinignan ang tindera nang may nang-aakusang tingin, “Nawawala ang alahas ko!” “Po?” bumakas agad ang kaba sa mata ng dalagita. “Saan mo dinala ang alahas ko?” inakusahan niya agad ito kahit wala pa siyang ebidensya. Ito lang naman kasi ang kaisa-isang humawak sa bag niya. “Ilabas mo na, Ineng. Bago pa ako tumawag ng pulis,” pananakot niya dito. Takot na takot na ang dalaga. Sa kabila niyon ay todo-tanggi pa rin ito sa binibintang niya. Ngunit hindi siya naniniwala doon. Kakabili niya lang ng alahas at tanging ang dalaga lang talaga ang pinaka-suspek niya sa pagnanakaw. “Halika, isasama kita sa pinagbilhan ko ng alahas. Malalaman mong kakabili ko lang noon at ikaw talaga ang kumuha!” pinahiya niya nang todo ang dalaga. Halos kaladkarin niya pa ito patungo sa shop na madalas niyang bilhan ng mga gintong alahas. “Mr. Lee, hindi ba bumili ako ng alahas sayo kanina? Yung pendant na krus at puso,” tanong niya sa Intsik na tindero. Kumunot ang noo ng tindero at tila inaalala ang naging transakyon nila kanina. “Ah, alam ko na!” nagtungo ito sa likod ng shop at akmang may kukuhanin, “Ito ba ‘yun?” Nanlaki ang mga mata ni Aling Leyla sa nakita. Lalo na nang muling magsalita ang Instik na tindero, “Hindi mo pa ‘to bili Leyla. Tingin mo lang ito kanina. Sabi mo reserve ‘diba?” Tila binuhusan ng malamig na tubig ang ginang. Nakokonsensya siyang tumingin sa dalagitang pinagbintangan niya. “Pasensya ka na, Hija. Pagod lang ako kanina.” Nahihiyang ngumiti rin ang dalagita, “Okay lang po ‘yun. Pero sana po sa susunod, alamin niyo po muna ang katotohanan bago kayo mamahiya ng tao. Hindi po porke’t hamak lang akong tindera ng prutas ay aakusahan niyo na akong magnanakaw.” Napayuko ang ginang sa sobrang konsensyang nadarama. Muli siyang humingi ng tawad sa dalaga at nangakong hindi na iyon uulitin pa. Marahil nga ay napatawad siya ng dalaga, pero hindi niya maipagkakailang nakatatak na ang mukha niya sa utak ng mga matang nakasaksi ng kagaspangan ng ugali niya. sa ibaba. Para sa mas maraming updates, i-like lamang ang aming Facebook page.