Malalim ang Pagkasuklam ng Dalaga sa Ama dahil sa Pag-iwan sa Kanila, Hanggang sa Madiskubre Niya na ang Ina ang Tunay na May Sala
Si Leah ay lumaki sa isang broken family. Bata pa lamang siya ay hiwalay na ang kanyang mga magulang. Hindi niya man sigurado kung ano ang eksaktong dahilan ng mga ito, ang alam niya lang galit siya sa kanyang ama. Ang huli kasing sinabi ng ama ay pinahiwatig nitong ito ang may kasalanan sa pagkasira ng pamilya nila. Simula noon ay hindi na niya kinontak pa ang papa niya. Ni mga tawag nito ay hindi na niya sinasagot. Tanging ang mga kapatid niya nalang ang kumakausap dito. “Para saan pa? Siya na nga mismo sumira ng pamilya natin at nang-iwan sa atin, kaya siguro tama lang na hindi ko na siya kausapin pa,” ika niya sa kapatid minsang tanungin siya nito kung bakit ayaw niyang kausapin ang ama nila. Noong bata siya ay aminado siya papa’s girl siya. Close na close sila ng papa niya noon. Na kahit kagagaling lang nito sa trabaho ay hindi siya nito matanggihan sa tuwing niyayaya niya itong makipaglaro sa kanya. Kaya nga nang malaman niyang nambabae ito ay halos sumpain niya ang ama sa sobrang pagka-disappoint dito. “Huwag kayong magagalit sa mama niyo, ako ang may kasalanan kung bakit kami naghiwalay.” Nagising si Leah sa isang masamang panaginip. Bumalik na naman sa balintataw niya ang huling mga salitang binitawan ng ama bago sila nito iwan. Lalo na namang kumulo ang dugo niya dito. Kaya naman naghanda nalang siya sa kanyang pagpasok. Sa eskwela ay nakita niya ang isang pamilyar na bulto sa di-kalayuan. “Si papa?” bulong niya sa sarili. Nakita niyang ngumiti ito. Nagpanggap siyang hindi ito nakita. Sa halip ay nagdire-diretso lang siya sa paglalakad. Sinabayan siya ng ama sa paglalakad mula sa kabilang kalye. “Ano na naman bang problema niya?” inis niyang turan sa sarili. Ayaw papigil ng ama, papasok nalang siya sa eskwela ay nakasunod pa rin ito sa kanya. Hanggang sa tuluyan na itong lumapit sa kanya. “Anak, pwede ba tayong mag-usap?” ika nito. Nagpatuloy pa rin siya sa pagbibingi-bingihan. Tuluyan niyang tinalikuran ang amang sobrang nangayayat simula nung huli niyang kita. Malakas na sigawan ng mga tao ang narinig niya nang hindi pa siya gaanong nakalalayo. “Naku, inatake ‘ata!” Nanlaki ang mga mata niya nang makita ang amang nakahandusay sa kalsada. Pinagkumpulan na ito ng mga tao, “Pa!” Takbo kaagad siya palapit dito. Sinugod nila ito sa pinakamalapit na ospital. Pinayuhan siya ng doktor na hayaan na muna itong makapagpahinga. Binigay rin nito sa kanya ang mga gamit ng ama. Habang binabantayan niya ang natutulog na ama ay nagtangka siyang tignan ang bag nito. Doon nakita niya ang mga luma nilang litrato at ang manyika niya noong bata. “Naitago pa pala ni Papa ‘to.” Muli siyang naghalungkat sa mga gamit nito at doon ay nakita niya ang lumang notebook. Nacurious siya at binasa ang laman niyon. At ganoon nalang ang pagkagulantang niya nang mabasa ang katotohanan ukol sa paghihiwalay ng kanyang mga magulang. Hindi pala ang kanyang ama ang may kasalanan. Lalong hindi rin sila nito pinagpalit sa ibang babae. Ang mama niya ang nagloko at pinagtakpan ito ng kanyang ama upang hindi mawala ang respeto nila sa kanilang ina. Iyak siya nang iyak habang panay ang hingi ng tawad sa natutulog na ama. Maya-maya’y naramdaman niya ang kamay nito sa kanyang ulunan, “Umiiyak ba ang prinsesa ko?” “Papa, sorry!” niyakap niya ito habang umiiyak pa rin. Nakita nitong hawak niya ang notebook nito, “Nabasa mo pala. Huwag ka sanang magalit sa mama. Pinagsisihan niya na ang ginawa niya. Kaso hindi na talaga kami pwedeng magkabalikan. Sana maintindihan niyo anak.” Tumango siya dito. Simula noon ay nanumbalik ang kanyang relasyon sa ama. Hindi na rin siya nagalit sa ina dahil sa sinabi ng ama. Sa ngayo’y masaya na siyang nalaman na hindi pala ganoon ang mahal niyang papa. sa ibaba. Para sa mas maraming updates, i-like lamang ang aming Facebook page.