Inday TrendingInday Trending
Kakaibang Kabayanihan ang Isinukli ng Asong Itinuring nang Parte ng Pamilya ng Matandang Ito

Kakaibang Kabayanihan ang Isinukli ng Asong Itinuring nang Parte ng Pamilya ng Matandang Ito

“Bitoy! Come!” tawag ni Jojo sa kanyang alagang aso mula sa kapitbahay. Gumagala na naman kasi ito at mukhang binisita ang kaibigang aso sa kapitbahay nila. Napangiti siya nang marinig ang pagkahol ng alagang aso. Tuwang-tuwa ang buong pamilya niya dito. Halos ituring niya na nga itong isa sa mga anak niya. Noon pa man kasi ay malapit na talaga ang loob niya sa mga hayop, lalo na sa mga aso. Ngunit isang gabi ay bigla na lamang siyang nagising sa paulit-ulit na pagkahol ni Bitoy. Halos buong-pamilya niya tuloy ay nagising sa walang-tigil na pagkahol ng aso. “Bitoy, ano bang iniingay mo d’yan? Natutulog na ang mga amo mo eh!” wika ni Jojo sa alaga. Ngunit sa kabila ng pagtapik niya dito ay hindi pa rin ito tumigil sa pagkahol. Dahil doo’y nagtaka na siya at binuksan ang ilaw. Tinignan niya ang pwestong kinakahulan ng aso. At ganoon nalang ang pagkagulat nila nang makita ang ahas na gumagapang na patungo sa kanyang apo, ang anak ng panganay niyang sanggol pa. Halos mamutla ang ina nito nang makita ang kalagayan ng anak. Kukunin niya sana ito nang bigla siyang pigilan ni Jojo, “Ako na, anak. Delikado ang ahas na ‘yan.” Sumunod ang anak sa sinabi niya. Kaya naman dahan-dahan niyang nilapitan ang natutulog na amo. Malapit na malapit na rin ang ahas sa higaan nito. Kinakabahan siyang hindi maagaw ang atensyon ng ahas. Oras na mapansin kasi siya nito ay paniguradon tutuklawin siya nito. Malapit na sana siya sa kanyang apo nang biglang lumipat sa kanya ang atensyon ng ahas. Nagbago ang paggalaw nito at naging mabilis ang paggapang. Agad niyang kinuha ang apo nang walang sabi-sabi. Sa isip niya’y bahala na kung matuklaw siya nito, ang mahalaga’y mailigtas niya ang kanyang apo. Sigawan ang mga anak at asawa niya nang makita marahil na palapit na sa kanya ang ahas, “Tay!” Napapikit siya nang biglang dumambo ang aso nila sa kanya. Tinignan niya ang kanyang aso, “Bitoy?” Sinambot nito ang pagtuklaw ng malaking ahas na dapat ay sa kanya. Bukod pa doon ay pinagkakagat nito ang delikadong hayop hanggang sa hindi na ito makagalaw pa. Agad na pinalayo ni Jojo ang kanyang pamilya. Pagkatapos ay binalikan niya ang kanyang aso at ang ahas na wala nang buhay. Kumahol ng tatlong beses ang aso. Ito ang senyales na gusto nitong magpayakap. Agad niyang niyakap at pinasalamatan si Bitoy sa pagligtas ng kanyang buhay. Buong gabi niya itong sinamahan hanggang sa tuluyan itong bawian ng buhay, “Bitoy, salamat sa pagiging parte ng aming pamilya. Hinding-hindi ko makakalimutan ang kabayanihan mo. Utang ko sayo ang buhay ko ngayon. Mahal ka ng tatay.” sa ibaba. Para sa mas maraming updates, i-like lamang ang aming Facebook page.

Advertisement