
Dahil sa Inis ay Pinagplanuhan Niya ng Masama ang Kaklase, Nahimas Niya Tuloy ang Rehas sa Murang Edad
“O, bakit may kulay uling dito? Sino nag-imbita d’yan sa bahay ko?” mataray na sambit ni Honey, isang gabi nang mapansin ang isa nilang kamag-aral na hindi naman niya inimbita.
“Ako, Honey, palagay ko kasi, hindi pa siya nakakapunta sa mga engrandeng pagdiriwang katulad nito, kawawa naman, eh,” mapanuksong sagot ng isa pa nilang kamag-aral.
“Oo, tama ka, ngayon lang ako nakarating sa ganito,” sagot naman ni Kiray saka bumungisngis.
“Ah, sige, halika, kailangan mong mabinyagan,” ‘ika ni Honey saka diring-diring hinila ang naturang dalaga, “Boys! Doon sa kwarto, pumila kayo, lamang tiyan din ang negrang ito!” sigaw niya dahilan upang magtipon-tipon ang mga lalaki nilang kamag-aral.
“Ayaw namin niyan, mukhang sunog na baboy!” sigaw ng isang binata dahilan upang sila’y magtawanan, naalarma na rin ang naturang dalaga dahilan upang magpumiglas na ito.
“Isipin niyo na lang, makakaraos din kayo! Sarado naman ang ilaw, eh, dali na, pumila na kayo!” sigaw pa ni Honey saka sapilitang pinapasok sa silid ang dalaga, kinulong niya ito kasama ang halos sampung lalaki sa naturang silid. Narinig niyang nagsusumigaw ito dahilan upang mapangisi siya, “Kawawang baboy ramo.”
Lumaki sa piling ng lola’t lolo ang dalagang si Honey. Bata pa lang kasi siya nang nangibang-bansa ang kaniyang mga magulang upang doon kumayod. Kahit pa layo sa mga magulang, lahat naman ng kaniyang gusto, kaniyang nakukuha.
Mapamamahaling selpon o mamahaling alahas, nakukuha niya ito kahit pa sa kaniyang murang edad noon dahilan upang bahagyang lumaki ang kaniyang ulo at magyabang sa kaniyang mga kamag-aral.
Nadala niya hanggang sa pagtanda ang ugali niyang ito. Ngunit dahil nga mapera ang kaniyang pamilya, kahit ganoon ang ugali niya, marami pa rin siyang kaibigan at halos lahat ng kamag-aral niya sa unibersidad na pinapasukan, kaniyang nauutusan at nahihila kung saan-saan.
Pwera lang sa isa niyang kamag-aral na kinaiinisan niya. Palagi kasi itong bibo sa talakayan at palaging nangunguna sa klase habang siya, mahina sa klase dahilan upang palagi niya itong kawawain. May kaitiman kasi ang balat nito at may katabaan dahilan upang bansagan niya itong “baboy ramo” na talaga nga namang ikinatuwa ng buo nilang klase.
Kaya naman nang mapadpad ang dalagang ito sa kaniyang bahay, hindi na siya nagdalawang-isip na ipagalaw ito sa kanilang kamag-aral. Pigilan man siya ng iba nilang babaeng kamag-aral, ika niya, “Eh, gusto ko, eh! Naiinis kasi ako d’yan sa pabidang ‘yan, wala kayong magagawa!”
Ilang minuto lang ang nakalipas, lumabas na ang kanilang mga kamag-aral na lalaki. Ngiting-ngiti ang mga ito dahilan upang pagkikindatan niya ang mga ito. Pinuntahan niya rin ang naturang dalaga at nang makitang umiiyak ito, agad niya itong pinauwi at sinabing, “Pasalamat ka pa nga, buhay ka pa! Makangalngal ka d’yan, akala mo namang kagandahan ka!” dahilan upang tumakbo ito nang mabilis palabas saka siya labis na humalakhak.
Ngunit kinabukasan pagpasok niya sa unibersidad, nakita niyang kausap na ng mga pulis ang kaniyang lola, tila nagmamakaawa ito sa mga pulis dahilan upang lapitan niya ito. Tatarayan niya palang sana ang naturang pulis ngunit bigla siya nitong pinosasan. Labis siyang nagtaka dahilan upang ilibot niya ang kaniyang mga mata, nakita niyang isinasakay na sa patrol ang mga lalaki niyang kamag-aral dahilan upang mapailing na lang siya.
“Wala akong kasalanan!” bulyaw niya sa naturang pulis.
“Nakuhanan ng bidyo ng kasambahay mo lahat ng nangyari, wala ka nang takas, kahit mayaman ka pa. Tamang-tama naman, nasa legal na edad na kayong lahat,” sambit nito saka siya sapilitang isinakay sa patrol, mangiyakngiyak niyang tinignan ang lola niyang nakatungo at walang magawa.
Doon niya nalamang anak pala ng kanilang kasambahay ang naturang dalaga at wala itong pinalagpas na pangyayari noong gabing iyon. Kahit pa ang ginawang panggagah*sa ng mga binata, nakuhanan nito ng bidyo.
“Ayos lang mawalan ako ng trabaho, ‘wag lang maagrabyado ang anak ko dahil sa itsura’t katangian niya,” iyak nito nang minsan silang humarap sa husgado.
Ang dating dalagang mapagmata’t mataray, isa na ngayong normal na presong kumakain ng lugaw at umiinom ng hindi mineral na tubig.
Labis siyang nagsisisi sa kaniyang ginawa. Bigyan man ng kaniyang pamilya ang biktima nang limpak limpak na pera, hindi ito pumapayag dahilan upang araw-araw siyang humihimas ng rehas, umaasang isang araw, magigising na siya sa bangungot ng kaniyang buhay.