Inday TrendingInday Trending
Itinapon ng Dalagang Ito ang Anak mula sa Mapagsamantalang Tiyuhin, Naiyak Siya sa Kinahinatnan Nito

Itinapon ng Dalagang Ito ang Anak mula sa Mapagsamantalang Tiyuhin, Naiyak Siya sa Kinahinatnan Nito

“O, Janine, hindi ba’t nagdadalantao ka? Nanganak ka na ba? Sexy na ulit ang pangangatawan mo, eh! Nasaan na ang anak mo? Tiyak maganda rin ‘yon katulad mo!” bati ni Lyla sa kaniyang kababata, isang gabi nang makasabay niya itong bumili ng lugaw sa kanto ng kanilang barangay.

“Wala na, tinapon ko na,” seryoso at tipid na sambit ni Janine saka sinabi sa tindera ang bibilhin niyang lugaw. “Ano? Seryoso ka ba sa sinasabi mo?” pang-uusisa nito.

“Oo, mukha ba akong nagloloko? Tingin mo ba aalagaan ko ang isang batang bunga ng kababuyan ng tiyuhin ko?” inis niyang tanong dito.

“Pe-pero, Janine, hindi ka ba nakokonsensya sa ginawa mo? Kawawa naman ‘yong bata. Wala naman siyang kasalanan, eh, sana hindi siya ang ginantihan mo,” pangaral nito sa kaniya na lalo niyang ikinainis.

“Nasasabi mo ‘yan dahil hindi ikaw ang nasa kalagayan ko! Kung ikaw rin naman ang nakaranas ng bangungot na naranasan ko, gagawin mo rin ang bagay na ‘yon!” sigaw niya rito dahilan para yakapin siya nito.

“Mali pa rin ang ginawa mong solusyon, Janine. Hanapin mo muli ang batang iyon bago ka pa karmahin. Marami namang ibang paraan e, pwede mong ipaampon ang bata,” payo pa nito na ikinailing niya.

“Hindi na ako natatakot sa karma dahil sirang-sira na ang buhay ko!” bulyaw niya pa saka agad nang kinuha ang binili niyang lugaw at mabilis na umalis sa tindahang iyon.

Biktima ng isang masalimuot na pangyayari ang dalagang si Janine. Isang espesyal na araw noon para sa isang dalagang masayang namumuhay kasama ang kaniyang tiyuhin at lola. Kaarawan niya nang mangyari ang bangungot na iyon. Katulad ng nakasanayan niya, siya ay nag-ayos, at nagpabango na talaga nga namang nagpalabas ng kagandahang niya. Buong akala niya’y magiging masaya siya sa araw na iyon ngunit hindi pala.

Dahil pagkatapos ng maliit na salu-salo para sa kaniyang kaarawan, bigla siyang pinasok sa banyo ng kaniyang tiyuhin at doon siya nito ginawan nang masama. Nagsusumigaw man siya, walang tumulong sa kaniya dahil ang lola niyang tangi nilang kasama sa bahay ay bingi na at may pagkaulyanin pa.

Mabuti na lang at nagawa niyang tawagan nang patago ang kababata niyang si Lyla habang ginagawa sa kaniya ang kababuyang iyon at nang marinig nitong tila nasa masama siyang sitwasyon, agad siya nitong pinuntahan kasama ang ilang mga tanod.

Doon na nahuli sa akto ang kaniyang tiyuhin dahilan para mataranta ito’t siya’y hindi sadyang mabuntis. Nakulong naman ito katulad ng nais niya, kaya lang, nawalan na siya ng gana sa buhay lalo pa nang sumakabilang buhay ang kaniyang lola.

Ilang beses niyang sinubukang ipal*glag ang bata kaya lang, makapit ito sa sinapupunan niya kaya naman pagkapanganak niya rito, agad niya itong itinapon sa isang basurahan. Wika niya pa rito, “Hindi kita kayang makasama habambuhay!” saka niya ito pinagtatandyakan.

Kinabukasan, matapos niyang makausap ang kabatata, maaga siyang nagising dahil sa katok nito sa kaniyang bahay. Inis niya itong pinagbuksan at mataray na tinanong, “Ano bang kailangan mo?”

“Diyos ko, Janine! Kalat na sa social media ang ginawa mong pagtapon at pananakit sa anak mo! Pinaghahanap ka na ng batas ngayon!” balita nito sa kaniya.

“Ha? Ano’ng ibig mong sabihin?” pagtataka niya.

“Ito, o, panuorin mo! May CCTV camera sa basurahang pinagtapunan mo! Sabi ko naman kasi sa’yo, eh!” wika nito saka pinakita sa kaniya ang naturang bidyong kumakalat sa social media.

Bago niya pa matapos panuorin ang bidyong iyon, bigla nang dumating ang mga pulis at siya’y agad na dinampot.

Dinala siya sa isang ahensya ng mga kababaihan at doon sumalubong sa kaniya ang iyak ng anak niyang puro pasa dahil sa ginawang pananakit at maraming sugat dahil sa mga bubog na nahigaan nito sa basurahan.

“Wala ka bang konsensya? Balita namin, bunga siya ng isang masakit na pangyayari para sa’yo, pero dapat ba talagang siya ang gantihan mo?” sambit ng hepe ng mga pulis na naroon.

“Hi-hindi po,” mangiyakngiyak niyang tugon.

“Pasensya ka na, ipapaalaga namin ito sa isang ahensya pa ng gobyerno at ikaw ay malalagot sa ginawa mong hindi makatao,” wika nito na lalo niyang ikinahagulgol.

Katulad ng sabi ng hepe, siya nga ay ikinulong na labis niyang pinagsisihan. Sigaw niya sa kaniyang selda, “Hindi ko pala dapat sinolusyunan ng isa pang kasalanan ang ginawa sa aking kasalanan. Patawarin niyo po ako!”

Naisin man niyang mahagkan ang anak na ngayo’y nasa kritikal na lagay, wala siyang magawa kung hindi ipagdasal na lang ito habang araw-araw siyang pinarurusahan ng kaniyang konsensya.

Advertisement