Pinagalitan ng Nanay ang Anak at Pinalabas ng Bahay, Kinabahan Siya nang Mapanood sa TV ang Nangunguha ng Bata
Mula nang pumanaw ang asawa ni Melda tatlong taon na ang nakararaan ay ang babae na ang tumayong ama at ina sa kanilang nag iisang anak, si Max. Pitong taong gulang na ang bata at grade 2 sa pampublikong elementarya malapit sa kanila.
Mahal ni Melda ang anak, kaya lang marahil sa hirap ng buhay ay palagi itong napagbubuntunan ng babae. Aburido siya palagi sa bata at napapagalitan ito madalas.
“Mama pwede po ba akong sumama sa field trip? Sabi ni Ma’am pwede raw ang kasama magulang, basta raw pipirmahan lang ito at magbabayad,” masiglang sabi ng bata. Hinalungkat po nito sa plastic envelope na binibibit sa eskwela ang parent’s permit.
“Aba timang ka pala, maipakain nga sayo wala ako sasama kapang fieldtrip.” Iritableng sabi ni Melda, nagbibilang sya ngayon ng peanut butter, ibinebenta nya ito sa mga kapitbahay.
“Okay lang naman po Nay, siguro ho next year makakasama na ako?” kitang kita sa mata ng bata ang pag asa.
“Asa ka pa! Fieldtrip mong mukha mo,” sabi nya at lumabas na, magdedeliver na sya ng peanut.
Pagod na pagod si Melda, buong barangay ay naikot niya dahil may sumobra sya sa pa-order, nanghihinayang naman syang iuwi. Bilang nasa labas na lang rin sya ay inilako niya na. Hindi naman mabibili iyon kung hindi utang kaya para maubos nalang ay pumayag na sya.
Pag uwi nya ay medyo madilim na, alas siyete ng gabi. Pagod na pagod sya at gutom na rin. Pag uwi nya sa bahay ay agad na kumunot ang noo niya dahil tila amoy sunog, naabutan nya ang batang takut na takot. Patay naman ang kalan pero umuusok ang kaldero.
Kumuha sya ng basahan at tinanggal ang takip noon, sunog!
“Lintik ka!” sigaw nya rito.
“Mama sorry gusto ko lang naman makatulong para pag uwi mo kakain ka nalang po-“
Hindi na natapos ng bata ang sasabihin dahil natampal nya na ang braso nito. Paiyak na ito at namumula ang braso,”Lintik! Pakialamero ka kasi! Yan ang napapala mo! Hirap na hirap na akong buhayin ka ubod kapa ng kulit! Bwisit ka puro perwisy, puro perwisyo! Dapat hindi nalang kita ipinanganak! Bwisit ka!” habang sinasabi iyon ay hinahampas niya ang payat na braso ng bata.
Hindi pa sya nakuntento, kinaladkad niya ito palabas sa kanilang bahay. “Yan! Dyan ka! Ayokong makita ang mukha mo!”
Sabi nya at sinara na ang pinto, pinagtitinginan naman sila ng mga kapitbahay. Humihingal pa si Melda nang makapasok sa loob ng bahay, aksayado! Alam ba nito kung gaano na kamahal ang bigas ngayon?! Alam ba nito kung ilang peanut ang dapat nyang maibenta para makabili ng kanin para dito?!
“Mama, pwede na po ba ako pumasok?” sabi ng bata mula sa labas.
“Hindi! Dyan ka! Letse.” galit na sagot ni Melda.
Isang oras pa ang nakalipas ay tahimik na ang paligid, siguro ay malapit nang mag alas nuwebe ng gabi. Napagpasyahan ni Melda na manood na muna ng balita sa TV, 15 minutes pa ay papapasukin nya na ang bata. Siguro naman, natuto na ito ng leksyon.
“Tulala halos mabaliw ang nanay ng isang batang walong taong gulang na nawawala. Ayon sa kuha sa CCTV, huling namataan ang bata na nakikipaglaro sa tapat ng mismo nilang tahanan nang dumaan ang isang puting van; dalawang di kilalang lalaki ang bumaba at isinakay ang bata sa naturang sasakyan.”
Hindi na narinig pa ni Melda ang sunod na sinabi ng reporter sa TV dahil binalot na ng kaba ang puso nya. Agad siyang tumayo at lumabas, pero pagbukas niya ng pinto ay wala ang anak niya roon. Wala na ring masyadong tao sa kalsada.
“Max!” natatarantang tawag nya sa anak pero wala ito, Diyos ko po, talamak ang nangunguha ngayon ng bata! Wag naman sana!
“Anak?!” sigaw na siya nang sigaw pero wala talaga, kapag may nangyari sa anak niya ay di nya mapapatawad ang sarili. Noon niya naisip na ang nais lang naman ni Max ay makatulong, nagkataon lang na di pa talaga ito marunong dahil bata pa.
Si Max ang buhay niya, di niya kakayanin pag nawala ito.
Dali dali niyang isinara ang pinto, pupunta sya sa barangay. Tagaktak ang pawis niya at nanginginig ang kamay. Napapitlag pa siya nang may tumawag sa kanya mula sa malayo.
“Mama! Sorry po, umutang lang ako ng tinapay sa bakery ni Te Luz para sayo, sorry na mama..” sabi ng bata at iniaabot sa kanya ang isang supot ng ensaymada.
Hindi siya sumagot at umiiyak siyang kinabig ang anak at niyakap. “Anak, patawarin mo si Nanay..hindi na mauulit,” bulong niya rito.
Bumawi siya kay Max, nung may sobra pa sa pinagbentahan nya ay sumama silang mag ina sa fieldtrip kaya sobrang saya ng bata. Hindi niya na rin ito pinagsasalitaan ng masasakit dahil di naman nito kasalanan na mahirap ang buhay nila. Isa pa, si Max ang pinakamagandang nangyari sa buhay niya.
At kung kinakailangang pagdaanan muli lahat ng hirap, kung para sa anak ay gagawin niya.