Dalawang Dekada ang Agwat ng Edad ng Babaeng Ito sa Kaniyang Nobyo, Tunay na Pag-ibig Nga Ba o Pera Lang rin ang Habol Niya sa Lalaki?

Dalawang Dekada ang Agwat ng Edad ng Babaeng Ito sa Kaniyang Nobyo, Tunay na Pag-ibig Nga Ba o Pera Lang rin ang Habol Niya sa Lalaki?

InspiringLoveStories

“Friend, baka naman kasi pwede mong ipaliwanag sa amin ang history kung bakit ganyan ang mga type mo sa lalaki,” wika ni Hilda, kaibigan at katrabaho ng babae.

Image courtesy ofwww.google.com

“Na ano? Yung mas matanda sa akin? Anong problema dun? Mas trip ko lang talaga ‘yong ganoon kasi pakiramdam ko hindi ako ang nagdadala ng relasyon,” sagot ni Nicole.

Image courtesy of
www.google.com

Kilala ang dalagang si Nicole sa pagkakaroon ng matatandang nobyo, kung minsan ay 15 taon o di kaya naman ay 10 taon. Marami na ang nagtatanong kung bakit ganoon ang kaniyang hilig samantalang napakaganda, sexy at may kaya naman ang estado ng babae.

“Pero kasi Nicole iba itong pinapasok mo ngayon, dalawang dekada ang agwat niyo at may anak na rin ‘yong tao,” saad pang muli ni Hilda.

“Wala namang kaso ‘yong edad. Ang sabihin mo napag-uusapan kami kasi siya ang may-ari ng kumpanyang ito at iniisip ng marami na gold digger ako?” nakangiting baling ni Nicole dito.

“Isa lang ‘yan, ako as a friend e concern lang naman ako sa’yo. Mantakin mo ka edad mo lang yung bunso niyang anak, 24 anyos lang rin yon Nicole! Bakit hindi na lang yon? Mas matibay pa yon at mas malakas!” bulong naman ni Hilda.

“Hoy Hilda tumigil ka nga, nakikita mo ba ang katawan ni Hector? Hindi siya mukhang 44 di ba? Aminin mo! Kaya wala sa edad ‘yan, nasa puso ang lahat. Tinamaan ako kay Hector at kung kailangan kong umalis at magresign dito I will do it basta para sa pag-ibig,” pahayag pa ng dalaga sabay pikit at hawak sa kaniyang puso.

Mag-iisang taon nang magkasintahan sina Nicole at Hector, sa unang tingin ay hindi mo naman talaga aakalain na 44 anyos na ang lalaki dahil sa matipunong pangangatawan nito kaya kahit may edad ay laging nakakabingwit ng dalaga o di kaya naman mas bata sa kaniya.

Image courtesy ofwww.google.com

Katulad ni Nicole, ito rin ang unang pagkakataon ni Hector na magkaroon ng kasintahang dalawang dekada ang agwat sa kaniya pero hindi ito pinaramdam ni Nicole dahil ito rin ang pinaka-maayos niyang relasyon sa lahat.

“Babe, feeling ko lang mas magiging mabuti kung magreresign na lang ako,” pahayag ni Nicole habang sila ay nasa sasakyan. Inihatid na siya ni Hector pauwi dahil sa malakas na buhos ng ulan.

Image courtesy ofwww.google.com

“Oh bakit? Hindi naman tayo PDA sa trabaho, byudo ako, dalaga ka, walang may sabit sa atin. Maganda performance mo sa work, bakit kailangan maka-apekto yong relasyon natin?” baling ni Hector sa babae.

“Nahihiya ka na ba na matanda na ang nobyo mo kaya gusto mo na lang umalis?” dagdag pa nito.

“Hala ka naman Hector, syempre hindi. Hindi ito tungkol sa edad, hindi ito tungkol sa pagmamahalan natin. Ayoko lang kasi na iniisip ng ibang tao na gold digger ako para namang pwede kong i-explain sa lahat ng tao na hindi ako ganoon,” baling naman ni Nicole sa lalaki.

Katulad ng iniisip ng marami, pera lang raw ang habol ni Nicole sa lalaki at ginagamit niya lang ito para magkaroon ng magandang posisyon sa kumpanya ngunit lingid sa kaalaman ng lahat, wala pang tinatanggap na regalo o kahit anong pinansiyal si Nicole mula kay Hector, siya pa nga ang mas magarbong magregalo dito.

“Hayaan na natin ang mga tao dahil kahit anong gawin natin ay may masasabi at masasabi sila,” wika naman ni Hector sa nobya.

“Mahal kita Hector at ikaw pa lang ang minahal ko ng ganito pero hayaan mo sana akong patunayan sa kanila na totoo ang pagmamahal ko sa’yo at hindi pera mo ang kailangan ko,” baling pa ng babae dito.

Hindi napigilan ni Hector ang pag-alis ng nobya sa kompanya at pumasok ito sa malapit lang rin naman na kanilang opisina.

Maayos pa rin ang kanilang pagsasama at kahit si Hector ay napahanga sa dedikasyon ng babae at napatunayan niyang hindi nga talaga yaman ang habol ng babae.

“Alam mo friend yung pag alis mo sa office akala ko mas matatahimik yung mga tao, pero hindi, alam mo kung bakit?” pahayag sa kaniya ng kaibigang si Hilda habang nag kakape ito at nagbabasa ng libro.

Image courtesy ofwww.google.com

“Bakit? Wag mong sabihin na galit pa rin ang lahat sa akin?” tanong naman ni Nicole dito.

“Hindi, kasi ngayon mas naniniwala na sila na may mga ganyan daw palang pag-ibig na katulad sa inyo. True love talaga ang tawag diyan,” baling naman ni Hilda.

“Alam mo sa totoo lang, wala naman dapat akong patunayan sa ibang tao tungkol sa relasyon namin ni Hector dahil sa amin naman iyon. Pero mas pinili kong ipakita sa lahat na hindi imposible ang ganito at hindi totoong laging pera ang habol kapag mas may edad ang karelasyon natin. Dapat kung may mga karapatan tayong ipinaglalaban tungkol sa equality sa bansa dapat ganoon din sa love. Dapat matutunan nating tignan ng pantay at malinis ang relasyon ng bawat tao, hindi yung puro panghuhusga,” pahayag naman ni Nicole.

Ilang taon pa ang lumipas at tuluyan nang natanggap ang bawat isa sa kani-kanilang pamilya, nagpakasal na rin ang dalawa.

Gumawa rin ng prenup agreement si Nicole na hindi nila gagalawin ang lahat ng mga naipundar ng bawat isa bago sila ikinasal, tanging ang pera at ari-arian lang sa loob ng kanilang legal na pagsasama ang maituturing na conjugal property.

Maraming salamat sa pagtangkilik, Kabayan!

More Stories