Labis na Tinatapakan ng Karamihan ang Dignidad ng Batang Inang Ito, Wala na Nga Bang Pag-asa ang Isang Tulad Niya?

Labis na Tinatapakan ng Karamihan ang Dignidad ng Batang Inang Ito, Wala na Nga Bang Pag-asa ang Isang Tulad Niya?

InspiringStoriesSuccess

“Ate, mayroon ka bang tirang kanin d’yan? Kahit tutong ayos lang. Nanlalambot na kasi ako sa gutom, eh, wala na ring mas*so sa aking gatas ‘tong anak ko,” daing ni Abby sa kaniyang nakatatandang kapatid, isang tanghali nang sadyain niya ito sa bagong tayo nitong bahay. 

“O, ayan, ang aga-aga mo kasing lumandi! Ngayon, sa akin ka tatakbo kapag nagugutom ka! Kung ginamit mo kasi ‘yang kokote mo, e ‘di sana, hindi ka nahihirapan nang gan’yan!” sermon nito sa kaniya habang tinitingnan siya mula ulo hanggang paa. 

“Pinagsisihan ko na naman, ate. Pasensya ka na kung ikaw ang palagi kong nilalapitan, wala na kasi talaga akong ibang mahingan ng tulong,” mahinahon niyang sagot dito habang pinipigilan ang luhang kanina pa gusto pumatak. 

“Hoy, para sabihin ko sa’yo, hindi ko kayang palaging tugunan ang mga pangangailangan mo! Bakit hindi mo na lang ipagpatuloy ang kalandian mo? Magtrabaho ka roon sa bagong bukas na bar at pagkakitaan mo ‘yang kating mayroon ka!” pangmamaliit pa nito sa kaniya, napansin niyang marami na ring tao ang nakakarinig sa bunganga ng kaniyang kapatid dahilan para siya’y mapatungo. 

“Ate naman,” tipid niyang sagot dito. 

“Nakakasira ka ng araw! Umuwi ka na sa bahay mong sira-sira! Wala akong mapapakain sa’yo!” sigaw pa nito saka tuluyan siyang pinagsarhan ng gate, roon na tuluyang tumulo ang luha niya. 

Sandamakmak na pangmamaliit ang araw-araw na natatanggap ng batang ina na si Abby sa kaniyang mga kamag-anak. Simula nang siya’y magdalang tao noong siya’y kinse anyos pa lang, hindi na siya pinatulog ng mga masasakit na salitang kaniyang natatanggap.

Lalo pang tumindi ang pangmamaliit sa kaniya ng mga ito nang siya’y iwan ng kaniyang kinakasamang lalaki pagkaluwal niya sa kanilang anak dahilan para hindi niya maiwasang umiyak araw-araw habang pinagmamasdan ang tanging yaman na mayroon siya– ang kaniyang anak.

Pagsubok para sa kaniya ang araw-araw na pagsikat ng araw. Hindi niya alam kung saan siya kukuha ng pagkain, paano niya mabibigyan ng gatas ang anak, at marami pang pagsubok na minsan ay naisip niya na lang takasan. 

Nang araw na ‘yon, matapos siyang ipahiya ng kapatid, nakatungo siyang naglakad palayo upang huwag makilala ng mga taong nakikiusyoso sa ginawang eskandalo nito. 

Dumaan siya sa gilid ng kalsada upang huwag ding pagpiyestahan ng mga ito ang anak niyang iyak nang iyak dahil sa nararamdamang gutom. 

Ngunit, habang siya’y naglalakad, may isang ginang ang biglang lumapit sa kaniya. 

“Gutom na siya, ano?” tanong nito dahilan para agad siyang mapatango-tango habang umiiyak, “Halika, pasok ka sa bahay ko, papas*suhin ko siya,” sambit nito na ikinagulat niya. 

Pumasok ito sa isang malaking mansyon, tatlong bahay mula sa bagong tayong bahay ng kaniyang kapatid. Halos lumuwa ang mga mata niya sa ganda at aliwalas ng bahay nito. 

“Akin na si baby,” sabi nito dahilan para iabot niya rito ang kaniyang anak, “Kumain ka rin muna riyan,” dagdag pa nito nang may biglang iabot na pagkain ang isang kasambahay sa kaniya. 

Dahil sa gutom na nararamdaman, wala na siyang sinayang na minuto at agad na nilantakan ang pagkaing nasa harapan niya. 

“Alam mo ba, kamukhang-kamukha mo ang yumao kong anak na dalaga at kamukhang-kamukha naman ng baby mo ang namayapa kong bagong silang na sanggol? Kaya, ganoon na lang nadudurog ang puso ko sa tuwing nakikita kong pinapahiya ka ng ginang na iyon,” kwento nito na ikinagulat niya, “Gusto mo bang dito na lang tumira? Kailangan ko ng pamilya, eh,” alok nito na agad niyang sinang-ayunan. 

Doon na nagtuloy-tuloy ang pag-alwan ng buhay niya. Pinag-aral siya ng ginang na iyon habang inaalagaan nito ang kaniyang anak. Patuloy man siyang nakaririnig ng mga masasakit na salita mula sa kaniyang kapatid na tila naiinggit sa kinahinatnan ng buhay niya, siya’y nagtakip tainga at nakipagbakbakan sa buhay. 

At dahil sa talinong mayroon siya, pagkalipas ng halos isang dekada, siya’y tuluyang naging isang doktor. 

Ang dating respetong pilit niyang hinihingi sa iba noon, kaniya na ngayong natatamasa kahit hindi niya kailangan. Tinitingala na rin siya ng mga taong nambababa sa kaniya noon, lalo na ang kapatid niyang ngayon ay iniwan na ng sariling asawa.

Bilang pasasalamat sa ginang na kumupkop sa kanilang mag-ina, nangako siya ritong habambuhay nila itong sasamahan at aalagaan na talagang ikinatuwa nito.

Iyon ang naging umpisa ng pagkakaroon niya ng sariling pera, ari-arian, at iba pang yaman na talagang hindi inakala ng karamihan dahil nga siya’y isang batang ina.

More Stories