Inday TrendingInday Trending
Muntik nang Matukso si Boss

Muntik nang Matukso si Boss

Napalunok si Arturo nang makita ang napakaseksing asawang si Roxanne. Papasok na ito sa trabaho bilang Senior Manager sa isang malaking kompanya. Si Arturo naman ay Vice President sa isa sa mga nangungunang mall sa bansa. Sa labis na pagiging workaholic nila, minsan ay hindi na sila nakakapagsip*ng pa kaya ganoon na lamang ang pagkasabik ni Arturo sa kaniyang asawa.

Nilapitan ni Arturo ang asawa. Mula sa likod nito ay niyakap niya ang seksi at magandang misis. Hinalikan ito sa pisngi at buhok. Iniupo saglit sa sofa.

“I missed you. Kailan ba tayo gagawa ng baby?” bulong ni Arturo kay Roxanne. Sa dalawang taon nila bilang mag-asawa, hindi pa sila biniyayaan ng anak dahil nga wala silang panahon para sa second honeymoon. Pareho rin silang subsob sa kani-kanilang mga trabaho.

Hinarap ni Roxanne ang asawa at dinaplisan ng halik sa labi.

“Miss na rin kita, honey. Kaya lang I have so many things to accomplish sa work. Ikaw rin. Alam kong marami kang gagawin at iniisip being the vice president,” sabi naman ni Roxanne.

“Baka pwede ka naman ngayon, quick lang…” mapanuksong sabi ni Arturo at kinindatan ang asawa.

“Ano ka ba, nakabihis na ako, at nagmamadali ako honey. Mamaya na lang when we arrive. Sige na, I have to go…” kalas ni Roxanne mula sa pagkakayakap ng asawa. Hinalikan na siya nito sa pisngi, kinuha ang bag, at bumaba na. May sari-sarili silang kotse at sila ang nagda-drive.

Si Roxanne ay isang malakas at independent na babae. Walang nagawa si Arturo kundi pagtiisan ang pananabik sa kaniyang asawa. Gusto niyang hilingin kay Roxanne na huwag na itong magtrabaho at manatili na lamang sa bahay subalit alam niya ang isasagot nito sa kaniya. Hindi ito papayag. UP graduate si Roxanne, matalino, career-driven, kaya imposibleng mapapayag niya ito sa gusto niya.

Pagdating sa opisina, nagtaka si Arturo dahil wala ang kaniyang executive secretary na si Loida. Sa halip, naroon ang isang HR assistant. Sinabi nito sa kaniya na biglang nag-leave si Loida at hindi na nakapagpaalam sa kaniya dahil may problemang pampamilya at kinailangan umuwi sa Davao upang personal na asikasuhin ito.

“So, you have to look for a replacement. Gusto ko yung maayos ding magtrabaho gaya ni Loida,” sabi ni Arturo sa HR assistant.

“Actually sir we have found a new one. Tatawagin ko na po siya,” sabi ng HR assistant. Lumabas ito saglit at sinundo ang bago niyang sekretarya.

Isang maganda, bata, at seksing sekretarya ang kasama nito. Parang modelo ang datingan. Napalunok si Arturo. Ito ang mga tipo ng babae na gusto niya. Iwinaksi ni Arturo ang mga ganoong isipin.

“Sir, she is Olga Ramirez, your new secretary hangga’t wala pa si Loida. Olga, he is your boss, Mr. Arturo Gagarin, the vice president of this company,” pakilala ng HR assistant sa kanilang dalawa.

Buong ngiti na nakipagkamay si Olga kay Arturo at nagpaunlak naman ito. Napakalambot ng kamay ng kaniyang magandang sekretarya. Mapanukso rin ang mga ngiti at mga titig nito na tila nangangain ng buhay. Napalunok si Arturo.

Maayos naman magtrabaho si Olga. Lumipas ang dalawang linggo at naging gamay na nito ang mga trabaho ni Loida. Alam na rin nito ang timpla ng kapeng gusto ni Arturo. Mabilis din itong kumilos. Kapag lumalapit ito kay Arturo ay napapasinghap siya dahil napakabango nito, lalo na ang buhok nito na alaga sa shampoo.

Napapansin din ni Arturo na napakaigsi ng mga isinusuot na palda ni Olga at sinasadya nitong tumuwad-tuwad sa kaniyang harapan, tila nanunukso at nang-aakit. Alam ng Diyos kung paano pinaglalabanan ni Arturo ang tukso at panggigigil sa kaniyang seksing sekretarya, lalo pa’t “tigang” siya sa kaniyang asawang si Roxanne.

Hanggang sa bahay at pagtulog ay naiisip ni Arturo ang magandang mukha at katawan ng kaniyang sekretarya. Iniisip niya, paano kung isang araw ay hindi siya makapagpigil at mapatulan ito? Hindi siya ipinanganak kahapon. Alam niyang may gusto sa kaniya ang sekretarya. Subalit sumasagi sa isipan ni Arturo na mahal niya si Roxanne. Ayaw niyang masaktan ang asawa.

Isang araw, hindi sinasadyang matapon sa damit ni Arturo ang iniinom niyang kape na inihanda ni Olga. Mainit kasi kaya napaso ang kaniyang dila. Dali-dali namang tumakbo ang sekretarya sa kaniya at pinahiran ng panyo ang damit niyang nabasa ng kape, sa bandang dibdib. Pinigilan niya ang kamay nito, at nagtama ang kanilang mga paningin. Tila ba huminto ang lahat. Hanggang sa umupo na sa kaniyang kandungan si Olga. Tinangka siya nitong halikan. Nang pababa na ang mukha nito sa mukha niya, isang mahihinang katok ang narinig sa kaniyang pinto. Nagulat si Olga at agad na umalis sa kaniyang pagkakaupo sa kaniyang kandungan at inayos ang sarili. Inayos din ni Arturo ang kaniyang sarili at sinipat ang mukha sa salamin ng laptop. Pinapasok niya ang kumakatok na isa sa mga empleyado na magpapapirma ng papeles sa kaniya.

Matapos ang insidenteng iyon, napansin ni Arturo na panay ang sulyap sa kaniya ni Olga. Kinikindatan din siya kapag nagtatama ang kanilang paningin.

Pagkauwi sa bahay, niyakap ni Arturo si Roxanne.

“Mahal na mahal kita honey, sana naman magkaroon na tayo ng panahon sa isa’t isa,” paglalambing ni Arturo sa asawa.

“Mahal na mahal din kita honey, sorry kung wala na akong time para sa iyo, pero I will make it up,” sabi ni Roxanne. Naghalikan at sa wakas ay nakapagsip*ng din sila.

Kinabukasan, maagang pumasok si Arturo. Marami siyang kailangang gawin. Nasa loob na siya ng opisina nang marinig niya ang tinig ni Olga sa loob ng palikuran ng kaniyang opisina. May kausap ito sa cellphone. Pinakinggan niya ang usapan.

“Feeling ko gusto rin ako ng boss ko. Konting akit pa at makukuha ko rin ito. Mayaman ito for sure kaya makakahuthot ako ng pera. Tapos ibablackmail ko siya kapag may nangyari na sa amin. Sasabihin ko na ipagkakalat ko ang relasyon namin sa lahat, lalo na sa asawa niya,” sabi ni Olga sa kausap.

Namutla si Olga nang makita si Arturo sa loob ng opisina. Madilim ang mukha nito. Narinig niya ang lahat.

“Lumayas ka sa opisinang ito. Narinig at nairecord ko ang mga sinabi mo. Hindi mo ako maiba-blackmail. You are fired!” sigaw ni Arturo.

Nag-iiyak na lumabas ng opisina si Olga. Nagulat ang lahat. Biglang sumigaw si Olga na pinagtangkaan daw siyang mol*stiyahin ni Arturo. Gumawa ito ng malaking eskandalo.

Matapos ang ilang pagdinig, napatunayan na gawa-gawa lamang ni Olga ang lahat. Mabuti na lamang at nairecord ni Arturo ang mga narinig mula kay Olga. Natuklasan din na isa palang certified blackmailer at gold digger si Olga dahil marami rin sa mga dati nitong boss ang nagreklamo laban sa kaniya. Nagtago na ito at hindi na nakita pa kahit na kailan.

Samantala, hindi naman ito naging sagwil sa relasyon nina Arturo at Roxanne. Nagdalantao naman si Roxanne at biniyayaan sila ng anak. Napagtanto ng mag-asawa na mahalaga sa isang relasyon ang oras kaya siniguro nilang may panahon sila sa kanilang pamilya.

Advertisement