Hindi Makapaglaan ng Oras ang mga Anak ng Matandang Lalaki; Upang Magkasama-sama Muli, Nakaisip Ito ng Magandang Plano
Gumising si Renato na may lungkot pa rin sa kanyang puso. Ngayon ay ang kanyang kaarawan, ngunit nag-iisa siyang ipagdiriwang ang ika-72 kaarawan. Magsasampung taon nang mag-isa ang matanda nang mamatay ang kanyang asawa, ang kanyang mga anak nama’y may sarili nang mga pamilya.
Sinubukang tawagan ni Renato ang panganay sa kanyang tatlong anak, si Marco.
“Anak, makakapunta ka ba? Magluluto ako ng paborito ninyong Pancit Malabon para makapagsalo-salo. Isama mo ang mga anak mo.”, tanong ng matanda.
“Papa, sorry. May meeting po ako sa opisina ngayon. Babawi na lang ako. Pero susubukan ko po.”, sagot ni Marco. Isang manager sa malaking bangko si Marco. Kaya naisip niyang mahirap ipagpalit ang importanteng meeting na iyon sa pangungulit ng ama.
Lalong nalungkot ang matanda. Ngunit naisip naman nitong tawagan si Teresa, ang kanyang bunso. Ang bunso ang pinakamalapit sa kanya, dahil na rin sa ito ang kanyang nagiisang anak na babae. Hindi na niya tinawagan ang gitnang anak dahil sa alam nitong hindi naman ito makakapunta.
“Teresa, makakapunta ka ba? Kinakain ako ng lungkot dito. Sana’y makapunta ka kasama ang asawa mo.”, pakiusap ni Renato.
“Pasensiya ka na Papa. Alam mo namang hindi ako makaalis dito, si Dandan may sakit na naman. Hirap na hirap na akong mag-alaga. Hindi naman maasahan itong asawa ko.”, reklamo ng anak. Magmula ng mag-asawa, nagsunod sunod ang panganganak ni Teresa. Kaya’t nawalan na talaga ito ng oras dalawin ang amang nangungulila.
“Ganoon ba? Sige naiintindihan ko. Mag-iingat kayo. Miss na miss ko na kayong lahat. Sana’y magkikita na tayo. Tulad ng dati.”, malungkot na sabi ng matanda.
Natapos ang araw na wala ngang nakapunta sa kanyang kaarawan. Malungkot na malungkot ang matanda dahil araw araw ay patindi nang patindi ang nararamdaman nitong panghihina. Kaya’t nakaisip ito ng paraan upang magsama sama muli ang kanyang pamilya.
Isang araw, nagimbal ang magkakapatid sa nabalitaan.
“Marco, Danny, Teresa, patay na ang Papa ninyo. Ibuburol ang labi niya dito sa kanyang bahay. Sana’y makapaglaan kayo ng oras, dahil alam niyo namang huli na ito.”, text ng kapatid ng kanilang ama.
Ipinagpaliban ng tatlo ang lahat lahat ng kanilang lakad. Lahat ng dahilan nila noon ay nalimutan nilang lahat ngayon. Isinama nila ang kanilang kanya kanyang pamilya. Labis ang pagsisisi ng tatlo sa pagkukulang sa kanilang ama.
Ipinagpaliban ng tatlo ang lahat lahat ng kanilang lakad. Lahat ng dahilan nila noon ay nalimutan nilang lahat ngayon. Isinama nila ang kanilang kanya-kanyang pamilya. Labis ang pagsisisi ng tatlo sa pagkukulang sa kanilang ama.
“Grabe, ano? Hindi man lang natin pinuntahan si Papa nung birthday niya. Ngayon ko lang naisip kung gaano kalungkot si Papa sa ilang taon na mag-isa siya. Pakiramdam ko ay napakasama kong anak.”, hinanakit ni Teresa.
“Ako rin. Gusto kong murahin ang sarili ko. Hindi ko maintindihan kung bakit hindi ko naisip ang lahat ng ito noong buhay pa si Papa.”, pagsisisi ni Marco.
Ngunit, gulat na gulat ang lahat nang makarating sila sa bahay ng ama.
“Buti nama’y nakarating na kayo. Sa wakas, nagkasama sama rin tayo.”, mahinahong salita ng matanda. Bakas sa kanyang mukha ang labis na saya, sa kabila ng kitang kitang panghihina nito. Malaking timbang na rin ang nawala sa matanda.
“Papa?! Alam mo bang nagcancel ako ng meeting para lang dito?! Bakit kayo gumagawa ng ganitong kalokohan.” galit na sabi ni Danny.
Ngunit buti naman ay sinaway ito ng kanyang dalawang kapatid.
“Danny! Maging masaya ka na lang na ayos pa ang Papa. Iiyak iyak ka pa kanina.”, saway ng panganay na kapatid.
Natahimik nalang si Danny, naisip na mali ang kanyang mga sinabi.
Sa wakas, nagsalo-salo ang buong pamilya sa mesang dati nilang kinakain noong mga bata pa sila, habang kinakain ang Pancit Malabon na paborito ng magkakapatid. Sama-sama rin silang nagdasal sa pumanaw nilang ina.
Nagpasya din ang lahat na wag munang umuwi upang maglaan pa ng oras para sa ama. Masayang masaya ang lahat. Tila ba’y nagbalik ang mga panahon noong mga bata pa sila.
Matapos ang ilang buwan, pumanaw na ang kanilang ama. Nakita itong nakahiga sa sarili nitong higaan at hindi na humihinga.
Agad nagpuntahan ang magkakapatid.
Unang unang dumating si Danny, “Papa! Please! Sabihin mong nagbibiro ka lang. Hindi na ako magagalit.”
Ngunit sa panahong ito, tunay na ang pagpanaw ng kanilang ama. Nakita rin nila sa mesa ng ama ang isang sulat.
“Mga anak, maraming salamat at nakita ko kayo bago ako pumanaw. Mahal na mahal ko kayo. Napakaswerte ko dahil lahat kayo ay lumaking maayos. Hanggang sa muli, Papa.”
Nag-iyakan ang magkakapatid, ngunit napatibay ang kanilang samahan. Naisipan nilang magkita kita nang isang beses kada buwan upang makapag salo salo ng Pancit Malabon, bilang pag-alala sa mga magulang.
Natutunan ng magkakapatid na mahalagang magbigay ng oras sa magulang, bago pa mahuli ang lahat.