Galit na ang Gurong Ito sa Kaniyang Estudyanteng Palaging Nahuhuli sa Klase; May Malalim Pala Itong Dahilan

Galit na ang Gurong Ito sa Kaniyang Estudyanteng Palaging Nahuhuli sa Klase; May Malalim Pala Itong Dahilan

InspiringStoriesSuccess

Hapong-hapo at pawisan si Alexandre habang binabagtas niya ang hagdanan papunta sa kaniyang paaralan. Late na naman siya’t tiyak na malalagot na naman siya adviser niyang si Mrs. Reyes.

“Oh! Narito na pala ang supervisor nating si Mr. Alexandre,” nang-iinsultong bungad ni Mrs. Reyes nang makita siyang nakatayo na sa mismong pintuan ng room.

“You’re one hour and forty minutes late, Mr. Alexandre, tapos na kami sa unang subject. Sabagay ano ba naman ang bago kung palagi ka namang huli sa klase,” mataray na dugtong nito.

“Sorry po ma’am,” nakayukong hinging paumanhin ni Alexandre.

“Ano pang inaantay mo d’yan? Gaya nang dati, mag-sit on the air ka na sa likuran,” anito saka muling itinuloy ang pagtuturo.

Nakayukong naglakad si Alexandre patungo sa likurang bahagi saka inilapag ang dalang bag at nagsimulang gawin ang parusang ipinataw ni Mrs. Reyes.

Mula Lunes hanggang Biyernes ay walang palyang ginagawa ni Alexandre ang pag-upo sa hangin nang halos isang oras. Naninigas na ang kaniyang kalamnan at tuhod, saka pa siya makakaupo pagtapos na ang isang oras.

Kinahapunan ay ipinatawag siya ni Mrs. Reyes upang kausapin nang masinsinan.

“Bakit ka ba palaging nahuhuli sa klase, Alexandre? Mula noong magbukas ang klase hanggang ngayon ay late ka palaging pumapasok. Hindi ka ba napapagod sa kakaupo sa hangin ng halos isang oras, mula Lunes hanggang Biyernes, kinukompleto mo ang parusang iyon. May kailangan ka bang sabihin sa’kin na paliwanag para maintindihan naman kita,” ani Mrs. Reyes.

Gustong sabihin ni Alexandre ang kaniyang dahilan, ngunit mas minabuti na lamang niyang huwag sabihin sa guro ang mga ito. Ang mahalaga’y hindi naman siya bumabagsak sa klase nito kahit na palagi siyang late sa unang klase nito, at saka sanay na siya sa parusang umupo sa hangin ng isang oras.

“W-wala naman po, ma’am. Matagal kasi akong matulog sa gabi kaya tinatanghali akong gumising sa umaga,” aniya.

Malalim na bumuntong hininga si Mrs. Reyes saka marahang umiling. “Baguhin mo ang sistema mong iyan, Alexandre, sa susunod ay hindi na lang ang pag-upo sa hangin ang ipapataw kong parusa sa’yo,” banta nito saka siya pinalabas sa opisina nito.

Maagang gumising si Kiara dahil balak niyang mamalengke nang maaga upang mabili niya ang lahat ng kakailanganin sa gagawin nilang handaan, dahil ngayon ang unang kaarawan ng kaniyang anak na si Zeus.

Nasa gulayan siya nang mapansin ang batang pamilyar sa kaniya. May tulak-tulak itong wheelchair, habang may kargang dalawang sako sa likuran, nakatali iyon sa katawan nito kaya hindi nahuhulog.

Sa tumubong kuryusidad ay sinundan niya ang binata kung saan ito pupunta. Alas kwatro pa lamang ng madaling araw, kaya imposibleng ito ang batang kilala niya.

Huminto ang binata sa isang mataong sulok saka inilapag ang sakong dala, gulay ang laman niyon, saka inayos ang whelchair ng matandang babae. Nang matapos ay agad itong naglatag ng sako kasunod niyon ay inilatag na rin nito ang gulay upang magsimulang magtinda.

Gusto niyang umiyak nang makumpirmang ang batang palaging late sa klase niya’t palaging nakakatanggap nang parusa’y narito ngayon sa harapan niya, madilim pa ang kalangitan pero nagtitinda ito upang tulungan ang matandang nakaupo sa wheelchair.

“Alexandre,” tawag niya rito.

Animo’y nakakita nang multo si Alexandre nang makita siya. “Ma’am Reyes!” takot nitong sambit.

“Pagbilhan ako nito,” aniya na agad naman nitong binalot ang gulay na binili niya. “Usap tayo mamaya ah,” aniya saka nagpaalam rito pati na rin sa matandang nakaupo sa wheelchair na ipinakilala nitong lola.

Gaya nang inaasahan ay huli na namang dumating si Alexandre sa klase. Dinala niya agad ito sa kaniyang opisina upang makausap nang masinsinan at sila lamang dalawa.

“Bakit hindi mo sinabi sa’kin ang ginagawa mo, Alexandre?”

“Sorry po ma’am,” nakayukong sambit ni Alexandre. “Nadala po kasi ako noong minsang umamin ako sa dati kong guro, ma’am. Imbes na maintindihan niya ako’y mas lalo niya akong ipinahiya sa lahat. Pinagtawanan nila ang kahirapan namin ng lola ko dahilan upang i-bully ako ng mga kaklase ko noon. Kaya mula po noon ma’am ay mas minaigi kong itago na lamang ang mga dahilan ko, kasi natakot akong baka mangyari ulit ang nangyari sa’kin noon,” humihikbing paliwanag ni Alexandre.

“Alexandre,” awang-awang wika ni Mrs. Reyes.

“Kaya ko namang tanggapin ang parusa niyo sa’kin, pero hindi ko kayang isipin na pinagtatawanan ako ng lahat kasi mahirap lang ako’t nagtitinda lamang ng petchay at kangkong sa palengke, kasama ang may polio kong lola,” umiiyak na wika ni Alexandre. “Sana patawarin mo ako, ma’am, kung sa palagay ninyo’y nagsinungaling ako.”

Tumayo si Mrs. Reyes saka niyakap ang umiiyak na estudyante. “Patawarin mo ako kung hindi kita naintindihan noon, Alexandre. Naiintindihan ko ang dahilan mo. Hindi lahat ng guro ay pare-pareho, asahan mong hindi ko ipagkakalat ang sikreto mo’t hindi kita pagtatawanan.

Wala kang gianagawang masama kaya wala kang dapat na ikahiya, gawin mong motivation ang kahirapan mo ngayon upang umangat ka sa buhay. I’m proud of you, Alexandre,” mangiyak-ngiyak na wika ni Mrs. Reyes.

Mula noong nalaman ni Mrs. Reyes ang dahilan kung bakit palaging nahuhuli si Alexandre sa kaniyang klase ay hindi na siya naging mahigpit rito. Bagkus ay tinutulungan na niya ito sa lahat ng nalampasan nitong leksyon. Nagtataka man ang mga kaklase nito’y nanatiling tikom ang bibig ng guro. Nakita naman niya ang determinasyon ni Alexandre sa pag-aaral, kaya alam ni Mrs. Reyes na darating ang araw na magtatagumpay rin ito.

Minsan ay nagagalit tayo sa isang tao lalo na kung hindi nila naibibigay sa’tin ang inaasahan natin sa kanila. Nakakalimutan natin ang bawat tao’y may kaniya-kaniyang labang ipinaglalaban para lamang mabuhay sa mundong ito.

Kaya palaging tandaan ang kasabihang: Subukang ilagay ang sarili sa iyong kapwa upang mas maintindihan natin ang pinagdadaanan nila. Gaya ng ginawa ni Mrs. Reyes sa kaniyang palaging late na estudyanteng si Alexandre.

More Stories