Inday TrendingInday Trending
Napagkamalan ng Matanda na Anghel ang Binatilyong Nagbigay sa Kanya ng Awa, Isang Bagay na Hindi Mapaniwalaan ng Ama Nito

Napagkamalan ng Matanda na Anghel ang Binatilyong Nagbigay sa Kanya ng Awa, Isang Bagay na Hindi Mapaniwalaan ng Ama Nito

Kagagaling lang ni Mario mula sa opisina, papunta siya ngayon sa kolehiyong pinapasukan ng anak na si Martin, nagtext kasi ito na sasabay na daw ng uwi sa kanya. Ipinarada niya sa di kalayuan sa gate ng eskwelahan ang kotse at doon ay naghintay sa paglabas ng anak. Hindi pa nagtatagal ay natanaw niya na ang binatilyong naglalakad papalapit sa sasakyan. “Pa, hello po.” bati nito sa kanya pagsakay ng kotse. “Hello, kumusta ka? May nadaanan akong restaurant kanina, ipinagtake out kita ng pagkain. O,” at iniabot niya rito ang isang supot ng pagkain. “Sa bahay ko na kakainin.” sabi nito. Nagsimula na siyang magdrive pauwi at dahil malapit nang mag-Pasko sa mga panahong iyon ay grabe na ang traffic. Habang nakatigil ang sasakyan ay nadaanan nila ang isang matandang babaeng sobrang payat, nakakandong dito ang tila 2 taong gulang na batang payat na payat din. “Pa, pwede mo bang hintayin po ako saglit. Makakabili naman tayo nito ulit diba, sila hindi.” sabi nito. Walang nagawa si Mario dahil handang-handa nang bumaba si Martin, sa totoo lang ay hindi siya palabigay sa mga pulubi pero ayaw niya namang ma-disappoint ang kanyang anak. Bumaba ang binatilyo at nilapitan ang maglolang pulubi. Ibinaba naman ni Mario ang bintana ng kotse upang marinig ang nangyayari sa labas. “Lola, sa inyo na lang po ni baby. Masarap yan, akin na tulungan ko kayong buksan.” nakangiting sabi ng binatilyo. Hindi naman makapaniwala ang matanda at halos maluha sa tuwa. “Salamat totoy, ikaw lang ang nagbigay sa amin maghapon, hindi pa kumakain ang apo ko.” sabi ng matanda. Nakangiti lang naman ang binatilyo. Maya maya pa ay sumakay na si Martin sa kotse, bago pa man sila makaandar ay nagtanong ang matanda sa labas. “Totoy, anghel ka ba?” hindi maiwasang tanong ng matanda. Natawa naman ang mag ama, pero natuwa si Mario sa isinagot ng anak. “Lola, magpa-Pasko na kasi, busy masyado ang mga anghel, kaya ordinaryong tao na muna ang ipinapadala ng Diyos para sa inyo,” Alam ni Mario, na hindi lang ang matanda ang natulungan ng ‘anghel’ na puso ng kanyang anak kundi maging siya, dahil binuksan nito ang mga mata niya sa pagtulong sa kapwa. Disclaimer: Ang kwentong ito ay kathang-isip lamang. Ang mga nabanggit na pangalan, karakter, negosyo, lugar, pangyayari at mga insidente ay maaaring produkto lamang ng imahinasyon ng may-akda. Anumang pagkakapareho sa sinumang nabubuhay o pumanaw na tao o personalidad at aktwal na pangyayari ay nagkataon lamang. Ang Inday Trending ay isang website na ang layunin ay magbigay ng aral, inspirasyon at katuwaan sa mambabasang Pilipino sa pamamagitan ng pagpapalawig ng aming imahinasyon upang makagawa ng makabuluhang akda na tumatalakay sa pang-araw-araw nating buhay. Ang mga akdang ito ay orihinal na gawa ni Inday Trending at ng kanyang mga manunulat. Ano ang masasabi mo sa kwentong ito? sa ibaba.Para sa mas maraming updates,i-like lamang ang aming Facebook page.

Advertisement