Inday TrendingInday Trending
Nabuhay na Takot sa Ulan ang Batang Ito, Nakakaantig-damdamin Pala ang Dinaranas Nito sa Tuwing Umuulan

Nabuhay na Takot sa Ulan ang Batang Ito, Nakakaantig-damdamin Pala ang Dinaranas Nito sa Tuwing Umuulan

“Yehey! Umuulan na naman! Tara laro tayo, Kimmy!” “Rain, rain go away! Come again another day…” “Kimmy? Anong ginagawa mo? Bakit ka kumakanta ng rain rain go away? Baka tumila ang ulan!” saway ni Juna, kaibigan ng batang si Kimmy. Umiling ang bata, “Ayoko umulan, Juna.” Nagtaka ang kaibigan nito, “Bakit naman? Masaya nga ang naulan eh. Makakalaro tayo!” Tuwang-tuwa itong nilalaro ang ulan. Pero naluluhang inaalala ni Kimmy ang tatay niya at ang bahay nila. Lumaki siya sa bahay kung saan kaunting ulan lamang ay binabaha na. Palagi rin sila pagod sa pagtaas-baba ng mga gamit kapag sasapit ang bagyuhan. “Kaya mag-aral kang mabuti anak, para kapag nagkatrabaho ka, mapapataas mo itong bahay natin.” Pinamana pa kasi ng lolo ni Mang Keano, tatay ni Kimmy, ang bahay na tinitirhan nila. Kaya naman isa ito sa mga lubog na bahay sa bayan ng Imus. Sa tuwing papasok siya sa eskwela ay basa ang kanyang mga gamit pampasok. At dahil doo’y madalas siyang pagtawanan ng kanyang mga kaklase. Hindi rin malaman ng nag-iisang kaibigan niya kung bakit natatakot siya sa tuwing darating ang malakas na ulan. Hanggang isang araw ay nagyaya nalang bigla si Juna sa bahay nina Kimmy. Ayaw sana ng huli pero nagpumilit ang kanyang kaibigan. “Sige na naman, gusto ko lang naman malaman kung saan ang bahay mo! Para malaman ko kung saan kita pupuntahan ‘pag gusto kong makipaglaro sayo.” Wala na siyang ibang nagawa pa kundi ang isama ito pauwi. Pero ganoon nalang ang pagkagulat nito nang makita ang bahang hanggang bewang na bahay nila. “Naawa ka ba sakin? Kaya ayaw sana kitang isama dito. Ayokong maawa ka sa sitwasyon ko,” paliwanag ni Kimmy. Umiling si Juna, “Hindi no! Ikaw pa rin ang best friend ko,” inakbayan niya ang kaibigan. “Isipin mo nalang may swimming pool kayo sa bahay!” Natawa siya sa kaibigan. “Kimmy, ang sabi sa akin ng mama ko kapag may bad things daw na nangyayari sa atin. Maging positive lang daw tayo palagi.” Naintindihan niya agad ang sinabi nito, “Salamat, Juna. Napakabait mo talaga. Pangako gagawin ko lahat ng sinabi mo ngayon.” Naging positibo sa buhay si Kimmy. Lahat ng pagsubok ay tinatawanan niya lang at ginagawang positibo. Kaya naman dahil doon ay natuloy niya ang pangarap ng kanyang ama–ang mapataasan ang kanilang bahay upang hindi na maranasang muli ang bahain sa loob ng tahanan.

Disclaimer: Ang kwentong ito ay kathang-isip lamang. Ang mga nabanggit na pangalan, karakter, negosyo, lugar, pangyayari at mga insidente ay maaaring produkto lamang ng imahinasyon ng may-akda. Anumang pagkakapareho sa sinumang nabubuhay o pumanaw na tao o personalidad at aktwal na pangyayari ay nagkataon lamang. Ang Inday Trending ay isang website na ang layunin ay magbigay ng aral, inspirasyon at katuwaan sa mambabasang Pilipino sa pamamagitan ng pagpapalawig ng aming imahinasyon upang makagawa ng makabuluhang akda na tumatalakay sa pang-araw-araw nating buhay. Ang mga akdang ito ay orihinal na gawa ni Inday Trending at ng kanyang mga manunulat.

sa ibaba. Para sa mas maraming updates, i-like lamang ang aming Facebook page.

Advertisement