Himalang Nabuhay ang Sanggol na Ito nang Isilang, Paglaki Niya’y Naikwento Niya Kung Sino ang Yumakap sa Kanya sa mga Panahong Nanganganib ang Buhay Niya
Niyakap ni David ang misis na si Diana, walang tigil sa pag iyak ang babae habang tinatanaw ang kasisilang lang na sanggol. Maliit ang katawan ni baby Danna dahil kulang ito sa buwan, 24 weeks lang ang tyan ni Diana nang kinailangan siyang i-cesarean section dahil sa komplikasyon. One pound at nine ounce lang ang bigat ng sanggol samantalang 12 inches lang ang kanyang haba, katulad sa isang ruler.
Tinapat na sila ng doktor na napakaliit ng chance na mabuhay ito, baka nga raw hindi na ito makaabot kinabukasan. At kung mabuhay man, marami itong kahaharaping sakit tulad ng cerebral palsy hanggang mental retardation. Napakasakit para sa isang magulang na marinig na hindi magkakaroon ng normal na buhay ang anak, sa katunayan ay kay tagal nilang hinintay na makabuo at ito pa ang nangyari.
“Diyos ko, ibigay mo naman sa amin si Baby Danna, nakikiusap po kami sayo.” sabay na dasal ng mag asawa habang nakatanaw sa anak na nasa incubator. Ni hindi nila ito makarga at mayakap para ipadama ang kanilang pagmamahal, masyado kasing sensitive ang ulo nito dahil hindi pa fully-developed ang utak.
Tila pinakikinggan ang kanilang panalangin at habang tumatagal ang pananatili nila sa ospital ay gumaganda na ang timbang ng bata, lumalaban din talaga ito at gustung gustong mabuhay. Sige sa pagdarasal ang mag asawa.
Limang taon ang nakalipas ay sino ang mag aakalang ang sinabihan noon ng mga doktor na hindi mabubuhay ay masayang tumatakbo at masiglang nakikipaglaro na ngayon, isang batang babae na maiksi ang buhok at kay ganda ng mga ngiti.
Isang araw, habang nagmemeryenda ang pamilya sa terrace ng kanilang tahanan, nakakandong si Danna sa kanyang ama habang nasa tapat naman nila si Diana.
“Ma, naaamoy nyo po?” tanong ng bata.
“Ahh, amoy lupa. Uulan siguro anak.” sagot dito ni Diana.
“Hindi, naaamoy niyo po ba?” tanong ulit nito, nakapikit pa ang mga mata.
“Ano bang amoy? Baka kili kili lang ng daddy yan anak?” biro ni David sa batang babae.
Seryoso naman ang bata at suminghot singhot pa.
“Amoy Siya. Yan ang amoy ng Diyos kapag nilalagay niya ako sa dibdib niya at nakakatulog ako.”
Nagkatinginan naman ang mag-asawa. Sa mga panahon pala na hindi nila makarga ang anak noon ay karga ito ng Diyos sa dibdib Nito para kumalma ang sanggol, sobrang pagmamahal Niya itong niyayakap kaya natandaan iyon ng bata.
Ano ang aral na natutunan mo sa kathang ito?
I-like at i-follow ang manunulat na si Inday Trending at subaybayan araw-araw ang bagong maiikling kwento ng inspirasyon na sumasalamin sa buhay, suliranin at karanasan ng isang Pilipino.
Maraming salamat sa pagtangkilik, Kabayan!