Laking Pagtataka ng Matanda kung Bakit Araw-araw na Humihingi sa Kanya ng Limang Piso ang Apo, Napaluha Siya nang Madiskubre Kung Para Kanino ang mga Baryang Ito
Si Mang Tomas ay matagal nang naninirahan kasama ang apong si Timothy sa bayan ng Rizal. Siya na lang ang nag-aalaga sa bata dahil parehong nasawi sa bagyo ang mga magulang ng bata sa probinsya nila sa Leyte.
Nagkataong umuwi ang mga ito sa probinsya upang dalawin ang puntod ng yumao niyang asawa. Anibersaryo kasi ng pagkamatay nito. Noong panahong iyon ay sanggol pa ang batang si Timothy kaya hindi na ito isinama ng magulang. Kaya nagpaiwan nalang din siya upang alagaan ang apo.
Hindi niya lubos maisip na ang bilin ng anak niya na nanay ni Timothy ay magiging panghabambuhay na bilin, “Tay, huwag niyo pong pababayaan ang apo niyo ah?”
Pitong-taon niya ring inalagaan ang apo. Kahit matanda na ay kumayod talaga siya nang todo upang mairaos ito. Mahal na mahal niya rin ang bata dahil silang dalawa na lamang ang magkasama sa buhay.
“Lo, penge po ng baon.”
Tumingin si Tomas sa apo, ngunit hindi niya na ito masyadong maaninag. Lumalabo na ang mga mata niya dala ng katandaan. Wala pa siyang pambili ng salamin kaya naman tinitiis niya nalang muna ang pagkahilo at pagsakit ng ulo dahil sa mata niya.
“Ito apo oh,” binigyan niya ng bente pesos si Timothy. Anito at saka humalik sa kanyang pisngi. Ito ang gusto niya sa apo, malambing at mabait.
“Lolo, may limang piso po ba kayo d’yan?” anito pagkauwi ng bahay galing eskwela.
“Aanhin mo ang lima, apo?” nagtataka na siya dahil araw-araw sa tuwing uuwi ito sa eskwela ay nanghihingi sa kanya ng limang piso ang bata.
“Bibili lang po ng tinapay ‘Lo,” palagi naman nitong sagot sa kanya.
Hindi niya napahihindian ang apo kung kaya’t binibigyan niya pa rin ito. Isang gabi ay nagulat siya nang may gumulantang na pitong libo sa higaan niya.
Agad niyang tinawag si Timothy, “Apo!”
“Bakit po, Lolo?” nangingiti ito na tila alam na ang itatanong niya.
“Saan galing itong pera dito?” tanong niya sa bata.
Niyakap siya nito, “Happy birthday, Lolo!”
Naguluhan siya lalo, “Saan mo nakuha ito, apo?”
“One year po inipon, Lolo. Mula sa benteng baon ko araw-araw.”
Gulantang siya, “Ha? Eh anong binabaon mo?”
“Yung 5 pesos po na hinihingi ko sa inyo tuwing uuwi ako galing school. Gusto ko na po kasi kayo tumigil sa work. Lagi din po sumasakit ulo niyo dahil sa mata niyo. Kaya gusto ko po sana bumili na kayo ng salamin niyo, Lolo. Tapos yung sobra po, gawin nalang po nating puhunan. Sabi po ng kalaro ko, maganda daw po yung sari-sari store!”
Naluha siya sa sinabi ng apo. Hindi niya akalain ang pitong-taong gulang na bata ay gagawa na ng ganitong kabutihan. Hindi siya nagkamali sa pagpapalaki dito. At dahil sa abilidad nito sa buhay, alam niyang kahit anong oras na bawiin na siya ng Maykapal ay kakayanin ng apo ang lumaban sa lahat ng hamon na ibabato sa kanya dito sa mundo.
Ano ang aral na natutunan mo sa kathang ito?
I-like at i-follow ang manunulat na si Inday Trending at subaybayan araw-araw ang bagong maiikling kwento ng inspirasyon na sumasalamin sa buhay, suliranin at karanasan ng isang Pilipino.
Maraming salamat sa pagtangkilik, Kabayan!