Ginagambala ng Mahiwagang Tawag sa Cell Phone ang Lalaki; May Nais Palang Maghiganti sa Kaniya

Laking gulat ni Caloy sa ibinalita ng kaibigang si Torio.

“Sino raw ang dumale?” untag niya sa kaibigan.

“Wala raw nakakaalam, pare.”

“Anak ng… Noong una’y si Jojo ang dinale, ngayon naman ay si Pikoy!”

“Kaya nga, e. Kinakabahan nga ako, pare. Mga tropa natin ang dinadale ng kung sinumang kill*r na iyon,” nag-aalalang sabi ni Torio.

“Huwag kang mag-isip ng ganiyan, pare. Malay mo naman, sadyang minalas lang ang dalawang bugok na iyon kaya nadale. Ang mahalaga ay nag-iingat tayo,” aniya.

Dahil sa nalaman ay ilang gabing hindi makatulog si Caloy.

Bumangon siya sa papag. Kumuha ng beer sa refrigerator para magpaantok sa pamamagitan ng espiritu niyon. Pero nakakailang bote na siya ng beer ay ayaw pa rin siyang kapitan ng antok.

Advertisement

Maya-maya ay biglang tumunog ang cell phone niya. Nang silipin niya kung sino ang tumatawag ay tanging numero lang iyon.

“Sino kaya itong gabing-gabi na, e, tumatawag pa sa akin?”

Sinagot niya ang tawag.

“Hello?”

Sa pagsagot niyang iyon ay tanging mahinang ungol lang ang naririnig niya sa kabilang linya.

“Hello, hello, sino ba ito?” muli niyang tanong.

Ngunit walang nagsasalita sa kabilang linya. Mahinang ungol pa rin ang naririnig niya kaya agad na niyang ibinaba ang cell phone.

“Sh*t! Sino kaya itong g*gong itong walang magawa?” inis niyang sambit.

Advertisement

Babalik na sana siya sa higaan nang muling tumunog ang kaniyang cell phone.

“Put*ng i*a naman! Sino kaya ang buwisit na ito?”

Nang tingnan niya kung sino ang tumatawag ay tanging numero lang iyon. Kaparehas ng numerong tumawag sa kaniya kanina. Sinubukan niya ulit sagutin ang tawag.

“Hello? Sino ka ba ha?”

Gaya kanina, walang sumasagot sa kabilang linya. Tila munting ungol lang ang naririnig niya na hindi niya mawari kung saan nanggagaling. Sa sobrang galit ay napamura na siya.

“Hoy, put*ng i*a mo! Kung ayaw mong matulog, magpatulog ka ha! Huwag na huwag ka nang tatawag, g*go!”

Saka ibinato sa kama ang hawak na cell phone.

Agad niyang i-binlock ang numero ng tumatawag at nagpalit siya ng sim card. Pagkatapos niyon ay humiga na siya sa kama at natulog na.

Advertisement

Alas tres ng madaling araw, nang biglang nagising si Caloy dahil tumutunog na naman ang cell phone niya.

“Ano ba ‘yan! Kakatulog pa lang ng tao, e! Sino na naman kaya ito?”

Nang tingnan niya ang tumatawag ay laking gulat niya nang makita na ang numerong tumawag sa kaniya kanina ay muling tumatawag sa cell phone niya.

“T-teka, nagpalit na ako ng sim ah! Sino ba itong tumatawag na ito? Ako lang ang nakakaalam ng isa kong number, wala akong pinagsabihan at kahit si Torio ay hindi alam itong bago kong number!” laking pagtataka niya.

Wala na siyang nagawa kundi sagutin ang misteryosong tawag.

“Kung sino ka mang dem*nyo ka, tigilan mo ako!” aniya.

Nang biglang nagsalita ang nasa kabilang linya.

“Ikaw ang dem*nyo! Kung gusto mo akong makita, buksan mo ngayon din ang pinto!” wika ng mahiwagang tinig.

Advertisement

Napabalikwas si Caloy. Kinuha sa tokador ang baril at lakas loob na binuksan ang pinto ng kaniyang bahay.

Laking gulat niya nang makita kung sino ang nasa labas ng bahay. Isang babae na nasa edad-30 ang nasa labas ng pinto. May hawak na gulok.

Kumilos si Caloy para paputukan ang babae pero bago pa niya iyon naiputok ay naiwasiwas na nito ang matalim na gulok. Nahagip sa kamay si Caloy at nabitawan niya ang baril.

Napaatras siya dahil sa natamong sugat sa kaniyang kamay. Pumasok sa loob ng bahay ang babae. Mahigpit ang hawak sa gulok.

“S-sino ka? Bakit mo ito ginagawa?” tanong ni Caloy.

Ngumisi ang babae. “Tutal ay mamam*t*y ka na rin lang, sasabihin ko sa iyo kung sino ako at kung ano ang walang kapatawarang kasalanan na ginawa mo… ninyo ng mga kaibigan mong dem*yo na nauna ko nang inihatid sa impy*rno!”

“I-ikaw ang pum*slang kina Jojo at Pikoy?!”

“Ako nga! Ako rin ang kanina pa tumatawag sa iyo. Alam mo na palang wala na sa mundo ang dalawa mong buhong na kaibigan? Puwes, idagdag mo pa sa listahan ang kasama niyong si Torio. Kanina lang ay binawian ko na rin siya ng buhay!” natatawang sabi ng babae. “At ngayon, isusunod na kita, kahit kulang pa ang mga buhay n’yo kapalit ng buhay at pangarap na tinampalasan n’yo!”

Advertisement

“A-ano ang ibig mong sabihin?”

“Wala awa niyong nilooban ang bahay namin! Pagkatapos niyong nakawin lahat ng naipundar namin ng aking asawa, pati siya ay walang awa n’yong pin*slang!”

Naalala ni Caloy ang mga pangyayari.

“Pakialamero kasi ang g*go mong asawa kaya ayun, tinuluyan ko!”

Nanginig sa galit ang babae. Parang nawala na ito sa katinuan. Napuno ng poot ang pagkatao nito at namukal sa mga mata ang masaganang luha.

“Bagong kasal pa lang kami. Marami pa kaming pangarap gaya na lang ng pagkakaroon ng anak at pagpunta sana namin sa Amerika pa roon magtrabaho. Pero sa isang iglap ay parang bulang naglaho! Dahil lang sa mga katulad n’yong maiitim ang budhi. Ninakawan n’yo na nga kami, pin*slang mo pa ang kaisa-isang lalaking minahal ko. Mga wala kayong awa! Kaya naman hindi ako ako titigil hangga’t hindi ko naipaghihiganti ang pinakamamahal kong asawa. Nagawa kong kunin lahat ng impormasyon tungkol sa iyo at sa mga kasama mo upang sa mismong mga kamay ko kayo pagbayarin!” bunyag ng babae.

Humigpit ang hawak ng babae sa gulok. Iniamba kay Caloy.

“Oras na para samahan mo sa impy*rno ang mga kaibigan mo!”

Advertisement

Pero nailagan ni Caloy ang todo-lakas na taga ng babae at nagawa niya itong sipain. Agad niyang pinulot ang baril sa sahig at ipinutok sa babae.

Bumagsak sa sahig ang naghihingalong babae. Paulit-ulit na binibigkas ang pangalan ng namayapang asawa. “D-Daniel…D-Daniel…”

Maya-maya ay binawian na rin ito ng buhay sa lubha ng tama ng bala sa dibdib nito.

Nilapitan ni Caloy ang wala nang buhay na babae na tila nagyayabang pa.

“Dem*nyo nga ako kaya hindi ka uubra sa akin!”

Nang biglang tumunog ulit ang kaniyang cell phone. Nang sagutin niya ito ay bigla siyang nangilabot.

“Akala mo siguro ay ligtas ka na?” wika ng isang lalaki sa kabilang linya.

Pinanlakihan ng mata si Caloy. “S-sino ka? H-hindi mo ako matatakot!”

Advertisement

Hindi na iyon sumagot pa. Bagkus ay bumulaga na lang sa pintuan ang isang lalaki na naaagnas na ang hitsura. Nakakatakot iyon at nakakarimarim. Iyon ang bangk*y ng asawa ng babaeng nap*slang niya nang looban nila ang bahay ng mga ito!

“Lumayo ka! Lumayo kaaa!” sindak na sindak na sigaw ni Caloy.

Lumapit sa kaniya ang naaagnas na bangk*y.

Inubos ni Caloy ang natitirang bala ng baril niya sa katawan ng bangk*y ng lalaki pero tumagos lang sa katawan nito ang mga bala.

“Hindi mo map*p*tay ang dati nang pat*y!

Parang mababaliw sa takot si Caloy, lalo na nang sunggaban ng bangk*y na lalaki ang kaniyang leeg.

Nagwala si Caloy sa pagkakasakal ng bangk*y. Nagbitaw ng mga suntok ngunit wala iyong nagawa hanggang sa pinilipit na nito ang kaniyang ulo hanggang sa mawalan na siya ng hininga.

Kinaumagahan, laking gulat ng mga kapitbhay nang malaman nilang pat*y na si Caloy. At ang ikin*sawi nito ay ‘BANGUNGOT’.

Advertisement

Sa wakas, matatahimik na rin ang kaluluwa ng mag-asawang pinerhuwisyo ng lalaki at ng mga kaibigan nito. Hindi na rin kailanman makakagawa pa ng kasamaan ang tropa ni Caloy dahil pinagbayaran na nila iyon ng kanilang buhay.