
Sumasakit ang Tiyan ng Bata Kaya Ipinatingin na Siya ng Ina sa Doktor; Ikagigimbal ng Babae ang Kaniyang Matutuklasan
Kakauwi lang ni Marissa galing sa trabaho. Agad niyang hinanap ang anak na si Pewee, ngunit hindi niya mahagilap ang bata. Nang puntahan nito ang kuwarto ng anak…
“Narito ka lang pala! Kanina pa kita hinahanap, a!”
Nakita niyang nagmumukmok lang ito sa isang tabi at tila may dinaramdam.
“Narito na ang mommy. Ano’t nagkukulong ka rito sa kwarto mo, may problema ba anak? May masakit ba sa iyo?” tanong niya rito.
”Masakit po ang tiyan ko, mommy!” sagot ng bata.
“Ano?”
“Kanina pa po ito, mommy. Ayaw pong maalis ang sakit!”
“Baka naman kabag lang ‘yan, anak? O baka naman, kung anu-ano ang kinakain mo kaya sumasakit ang tiyan mo?”
Hindi nakapagsalita ang bata at pilit na hinihimas lang ang masakit na parte.
Agad na pinahiran ng langis ng babae ang tiyan ng bata.
“O, ayan, maya-maya lang ay mawaala na iyan. Huwag kasing kung anu-ano ang kinakain mong bata ka para hindi sumasakit ang tiyan mo. Kapag hindi pa rin nawala ang sakit ay paiinumin na kita ng gamot na pang-alis sa sakit ng tiyan,” wika ng babae.
Maya-maya ay tinawag na ni Marissa para kumain ng hapunan ang anak ngunit kahit sa hapagkainan ay matamlay ito.
“O, masakit pa rin ba ang tiyan mo?”
“Opo, mommy. Ayaw pa rin pong mawala ang sakit.”
“Naku, mabuti pa ay uminom ka na ng gamot,” aniya.
Matapos na painumin ng gamot ay pinatulog na ni Marissa ang anak.
Nang dumating ang kaniyang asawang si Robin ay agad niyang sinabi rito ang tungkol sa kanilang anak.
“Labs, nag-aalala ako kay Pewee! Walang ganang kumain at sumasakit ang tiyan.”
“M-masakit ang tiyan, e, b-baka naman kung anu-anong kinakain ng bata o nalilipasan ng gutom? Painumin mo na lang ng gamot para mawala,” sagot ng mister.
Ngunit nang mga sumunod na araw ay patuloy pa rin ang daing ng bata na masakit ang tiyan nito kaya wala nang nagawa si Marissa kundi ipatingin sa doktor ang anak. Hindi na muna siya pumasok sa opisina para samahan ang anak para magpakonsulta sa espesyalista. Hindi na niya tinawagan ang asawa dahil ayaw niyang maistorbo pa ito sa trabaho.
Pagdating sa ospitan ay agad naman silang inasikaso.
“Ano po ba ang nararamdaman ng anak niyo?” tanong ng doktor.
“Masakit daw po ang tiyan niya, dok! Walang ganang kumain at palaging matamlay!”
Agad nitong sinuri ang parteng iniinda ng bata.
Maya-maya ay seryoso siya nitong kinausap.
“Base sa aking pagsusuri, hindi tiyan ang sumasakit sa anak mo kundi ang kaniyang maselang parte. Nakita kong may impeksyon ang parteng iyon, misis!”
“Impeksyon sa maselang parte ng anak ko, dok? Pero paano pong nangyari iyon?!” gulat na tanong ni Marissa sa doktor.
Huminga muna ng malalim ang doktor saka muling nagsalita.
“May kung anong matigas na bagay na pilit na ipinasok sa maselang parteng iyon ng anak mo, misis! Malakas ang kutob ko na biktima ang iyong anak ng pananamantala!” bunyag ng doktor.
“A-ano?!” ‘Di makapaniwala si Marissa sa nalaman.
“Anak, magsabi ka nga sa akin ng totoo? Anong nangyari sa ano mo? Sino ang may gawa niyan sa iyo?” seryosong tanong sa anak.
“M-mommy, may ipinasok po kasi sakin si daddy… Sabi niya sa akin huwag raw po akong magsusumbong sa inyo kundi sasaktan niya ako at sasaktan ka rin daw niya, mommy!” mangiyak-ngiyak na sumbong ng bata.
“Diyos ko!”
Hindi makapaniwala si Marissa sa naging rebelasyon ng anak. Matagal na palang pinagsasamantalahan ng kinakasama niyang si Robin ang kaniyang anak. Si Robin ay live-in partner niya, matagal na siyang biyuda sa una niyang asawa. Ang akala niya ay isang mabait at mapagkakatiwalaang lalaki ang kaniyang pinakisamahan, iyon pala ay ito pa pala ang mananamantala sa kaniyang anak.
Agad siyang tumawag sa pulisya at ipinadakip ang kinakasama. Umamin naman si Robin na ginagalaw nga nito ang bata sa tuwing umaalis siya sa bahay at pumupunta sa pamilihan. Halos madurog ang puso ni Marissa sa nalaman. Naging biktima na pala ng karahasan ang anak ay wala pa siyang kaalam-alam.
“Pasensiyahan tayo, Robin, dahil sa ginawa mo sa anak ko ay pagbabayaran mo sa kulungan ang kababuyang ginawa mo sa anak ko! Hay*p ka!” aniya.
Nagkaawa ang lalaki ngunit desidido siyang sampahan ito ng kaso para mabigyan ng katarungan ang ginawa nito sa pitong taong gulang niyang anak na si Pewee. Dahil sa pag-amin ni Robin ay napatunayan itong nagkasala sa batas at nakulong.
‘Di nagtagal ay nanumbalik ang dating sigla ni Pewee, pero ang madilim na karanasan na pinagdaanan ng bata ay mananatiling nakatatak hanggang sa paglaki nito. Ngunit handa naman si Marissa na gabayan at alalayan ang anak para ipagpatuloy ang buhay at tuluyang makalimutan ang masalimuot na pinagdaanan.