Napakaraming na nga raw Pera ng Matandang Lalaki na Ito Ngunit Pera pa rin Lagi ang Bukambibig sa mga Tao; Wala nga ba talagang Puso ang Matanda?

Napakaraming na nga raw Pera ng Matandang Lalaki na Ito Ngunit Pera pa rin Lagi ang Bukambibig sa mga Tao; Wala nga ba talagang Puso ang Matanda?

FamilyInspiringStories

“Wano, magandang umaga naman sa’yo. Baka may maganda kang balita para sa akin,” katok ni Mang Danny sa isa niyang nangungupahan. 

“Mang Danny naman, ang aga-aga niyo naman maningil para naman kayong mamat*y kung hindi kayo mababayaran! Bwisit!” sagot sa kaniya ni Wano na kakagising lang. 

“Aba! Kayo na nga itong huli sa pagbabayad ng renta ay kayo pang bastos kung makipag-usap!” galit na sabi ng matanda.

“Kung hindi ka lang matanda ay baka matagal na kitang pinatulan! Magbabayad kami ‘wag kang mag-alala!” baling muli ni Wano sa kaniya.

“Wano, ano ka ba naman! Pasensiya na ho kayo, Mang Danny, lasing lang ‘tong asawa ko. Pasensiya na po talaga kung huli na naman kami sa pagbabayad ng renta, mamaya ay magbibigay na po talaga ako,” singit naman ni Bel, asawa ni Wano.

“Aba, mabuti pa pala kayo at may pang-inom ng alak at panggastos sa bisyo pero sa renta wala! Mga perwisyo kayo sa lipunan!” galit ding sinabi ni Mang Danny saka ipinalo ang tungkod niya sa pintura ng mga ito.

“Matandang mukhang pera!” bulong ni Wano nang makaalis ang matanda.

“Ikaw naman, pinatulan mo pa si Mang Danny ay tama naman talaga siya! Sa bisyo mo may pera ka pero sa upa natin wala!” sita ni Bel sa kaniya.

“E ‘di magsama kayo nung matanda, tutal naman ikaw lang nakikitungo ng maayos doon e. Lahat ng mga nakatira rito ay galit sa kaniya dahil wala na siyang ginawa kung ‘di ang maningil ng renta. Sa tuwing makakasalubong siya ng mga tao ay iisa lamang ang buka ng bibig at ‘yun ay kung kailan ka magbabayad ng renta. Tingnan mo nga, napakaraming paupahan nun si gurang kaya paano maghihirap ‘yun,” baling muli ni Danny sa kaniya saka sinindihan ang sigarilyo nito.

“Ewan ko sa’yo! Makalayas na nga at ako na ang maghahanap ng pambayad sa bahay na ‘to!” sigaw ni Bel sa kaniya.

Matanda na si Mang Danny at nag-iisa na lamang sa buhay. Bukod sa hindi pala kwento ang matanda ay napakasungit din nito at wala ng ibang bukang bibig kung ‘di ang renta ng mga tao.

“Mang Danny, baka bukas na po ako makapagbigay ng upa namin. Kaunti lang ang napalinis sa akin ng kuko ngayong araw, hindi kumasya,” wika ni Bel nang puntahan niya ang matanda.

“Pumasok ka nga muna at tinatamad na akong tumayo, maupo ka rito at may tanong ako,” utos naman ni Mang Danny na noon ay naka-upo sa labas ng bahay nila.

“Mang Danny , huwag na kayong magalit. Pangako, bukas magbabayad na talaga kami,” mabilis na paumanhin ng babae saka ito umupo.

“Maitanong ko lang, Bel, bakit napakabait mo sa akin? Alam mo bang sa dami-rami na ng tumira rito sa akin ay ikaw lang ang bukod tanging nakitungo ng ganyan kabait. Anong mayroon sa’yo?” diretsong tanong ng matanda na tila galit sa kaniya at tinititigan siya nang maigi.

“Ha? Naku naman, ano ho bang klaseng tanong ‘yan. Ganito na talaga ako, tsaka isa pa, kami nga ang dapat na mahiya sa inyo kasi kahit ilang beses kaming nahuhuli ng bayad at patong-patong na utang ay kahit kailan ‘di ko narinig sa inyo ang palayasin kami. Siguro puro galit lang ang nakikita ng mga tao sa inyo kasi nga naman wala na kayong bukambibig kung ‘di ang renta pero ako, mas nakikita ko ang kagandahan ng loob niyo,” sagot pa ni Bel sa kaniya.

Saglit na natahimik ang matanda at sumandal ito saka tumingin sa malayo.

“Bakit ho ba kasi lagi kayong galit, Mang Danny?” sunod pa nitong tanong.

“Hindi naman ako galit, Bel, kailangan kasi katakutan nila ako. Gusto mo bang malaman ang totoo? Sa’yo ko lang ‘to bukod tanging sasabihin, alam mo bang hindi sa akin ang mga paupahan na ito?” mahina at kalmadong sabi ni Mang Danny sa kaniya. Ngayon niya lamang narinig ang boses na iyon ng matanda sa tinagal-tagal na pagtira niya roon, natinigan din niya kaagad ang lungkot sa boses nito.

“Ha? Si Mang Danny, ang lakas ng trip niyo ha. Alam naman ho ng mga tao rito na ikaw ang may pinakamaraming paupahan at pinakamayaman dito, hindi ko naman kayo uutangan!” biro pang sagot ng babae.

“Matagal na akong tauhan nina Don Mario at lahat ng pamilya niya ay nasa ibang bansa. Ako na ang ginawang tagapamahala niya rito sa lahat ng mga ari-arian niya. Kasama na nga ang mga paupahan na tinitirhan niyo ngayon. Kinailangan kong maging matapang at masungit para hindi ako kayan-kayanin ng mga tumitira rito noon na nakakaalam na tauhan lang ako. Hanggang sa napalitan ang mga tao nang napalitan pero natakot akong sabihin ang totoo kaya hindi ko na binago ang asta ko. Baka mas lalo silang mawalan ng respeto sa akin at hindi ako makasingil ng upa pag nagkataon. Sino nga ba naman ang isang tulad kong wala namang pamilya at walang sinabi sa buhay,“ sabi ni Mang Danny saka tumayo na parang galit na naman sa kaniya at saka ito tumawa.

Hindi sumagot si Bel at mas minabuti niyang hindi muna magsalita. Nalulungkot siya para sa matanda dahil dumating ito sa ganoong edad ngunit wala itong pamilya.

Naiisip niya ang kaniyang ama na nasa probinsya, tumanda man iyon ay araw-araw naman nilang kinakamusta. Matapos ang ilang oras nilang pagkwekwentuhan pa ay nakauwi na rin si Bel, minabuti niyang itago ang sekreto ng matanda at araw-araw niya itong kinakamusta.

Wala naman daw mawawala kung pakikitunguhan nya ng maayos ito. Hanggang sa tumagal nang tumagal ay unti-unting nabawasan ang galit sa boses ni Mang Danny dahil sa dumarami na rin ang mga nangangamusta at nakikipagkwentuhan sa kaniya. Kung mabilis nga raw kumalat ang chismis ay palaging dinadasal ni Bel na kumalat na rin ang balitang mabait at may puso naman ang lalaking sinasabing nilang pera lang ang kilala.

More Stories