Inday TrendingInday Trending
Aroganteng Team Leader

Aroganteng Team Leader

Alas-sais palang ng umaga after shift ay maririnig na ang sigawan sa loob ng office ni Sir Jack. Hindi na ito bago sa ibang empleyado dahil halos araw-araw may sinesermonan ang lalaki sa loob ng kanyang office. Dahil siya ang team leader ng top team sa kanilang office ay bakal na kamay ang gamit niya sa pag papalakad ng team. Mabilis magalit at palamura si Jack. Kilala rin siya bilang ‘Terminator’ dahil sa kaunting pagkakamali ay makakatikim ka ng hagupit niya at kung sa kasamaang palad ay masisipa ka palabas ng office.

“What the f*ck is wrong with you?! Ano ‘to?! 64 percent? Hindi ko kailangan ng 64 percent Q.A. mo!” galit na galit na sigaw ni Jack.

“I’m sorry sir,” nakatungong sagot ng empleyadong si Marie. Aminado naman ang babae na may ilang pagkakamali siya. Baguhan lamang kasi siya at kakagraduate lang ng kolehiyo. Malaki ang sahod sa call center kaya ito ang kanyang pinasok na trabaho kahit na alam niyang mahirap.

“Sorry?! I don’t need your sorry! Ang kailangan ko ay 100% Q.A.!” malakas na sigaw ng lalaki. Rinig na rinig ito hanggang sa labas.

“I-I’m s-sorry sir,” nauutal at humihikbi ng sagot ni Marie habang nagpupunas ng luha sa kanyang pisngi.

“Wait. Are you crying? If you want to cry, doon ka sa inyo umiyak! Hindi namin kailangan ng balat-sibuyas dito. Wala akong pakialam kung may problema ka kung saan man! Hindi ko kailangan ng excuses! Kailangan ko ng magagandang results!” walang awang sigaw pa ni Jack sa dalaga.

“Y-yes sir. I understand, I will do my best next time,” sagot ng dalaga habang patuloy na nagpupunas ng luha at inayos ang sarili.

“Well, I hope you do. ‘Cause this will be your last chance,” mariin na saad ni Jack sabay talikod sa dalaga at humarap sa kanyang computer.

Pagkatapos ng kanilang pag-uusap ay umalis na si Marie at dumiretso sa CR at doon ibinuhos ang kanyang sama ng loob. Umiyak siya ng umiyak hanggang sa mapagod siya sa kaiiyak.

Matapos ang isang linggo ay muling nagharap si Jack at Marie. Kabado ang babae dahil hindi nagsasalita ang kanyang leader at nakatitig lamang ito sa kanya. Lumipas ang ilang minuto at nag salita nag salita na ang kanyang leader.

“So how do you think you did last week?” seryosong tanong ng lalaki sa dalaga.

“I-i’m not so sure Sir, but I’m hoping I did great,” sagot ng dalaga sa kanyang Leader. Inabot ng ni Jack sa dalaga ang ang isang folder na naglalaman ng Q.A. Report niya, nakita niya naman na mataas ang nakasaad dito.

“I got 96%!” masayang pahayag ng dalaga. May kaunting pagkakamali lamang ngunit mataas na ito kumpara sa iba niyang nakuha noon.

“It’s not enough!” sigaw ni Jack na ikinagulat naman ng dalaga. Biglang nawala ang ngiti sa kanyang mga labi.

“I didn’t ask you to give me a 96% , I asked you to give me a 100% !” galit na bulyaw ni Jack. Unti-unting tumulo ang mga luha ni Marie nang iniabot ng lalaki ang termination paper.

“S-sir please! I-I need this job. Please I’ll give you a hundred percent next time. Please!” pagmamakaawa pa ng dalaga habang humahagulgol.

“Don’t make a scene here! Stop crying! Crying won’t change a thing anyway! Wag mo na akong pahirapan at pirmahan mo na ang bwiset na papel na yan!” inis sigaw ni Jack. Tumitig lamang ng masama ang dalaga sa kanyang leader.

“Oh? Tititig ka lang dyan? May problema ka?!” mayabang na tanong ng Leader.

“Oo, ikaw!” Agad na pinirmahan ng babae ang papel at galit na lumabas ang babae sa kanyang office.

“At ikaw pa ang galit?!” sigaw ni Jack sa dalaga bago pa ito tuluyang makalabas.

Kinabukasan ay maagang pumasok si Jack sa trabaho. Wala kasi siyang pamilya kaya naman sa trabaho lang umiikot ang buhay niya. Binuksan niya agad ang kanyang computer at agad na tinignan ang emails at mga memo niya. Natigil lamang ito ng makaramdam siya na may tao sa likod niya kaya agad naman siyang lumingon. Nagulat ito nang makita si Marie.

“Oh what are you doing here?!” pagalit na tanong niya upang maitago ang gulat niya. Ngunit nakatingin lamang ang dalaga sa kanya.

“Well, do you need something?! Come on! I don’t have all day! Wag mo ubusin ang oras ko!” galit na sigaw ng niya. Nakakakilabot lamang na ngiti ang isinukli ng dalaga at naglakad na ito papalayo.

Napatingin naman sa kanya ang kapwa niyang team leader na si Mark at tinanong siya kung ayos lang siya. Tumango lamang siya bilang sagot sa tanong ng katrabaho. Agad din siyang humarap sa kanyang computer at pinipilit na ikalma ang sarili.

“Oh by the way, I’ve heard about one of your CSR’s, it must’ve been really hard for you,” malumanay na pahayag ni Mark.

“Who? Marie? She got what she deserved,” Mayabang na sagot ni Jack.

“What?! How can you say that?” hindi makapaniwalang sagot ni Mark. May halong galit ang pagkakabigkas ni Mark sa mga salitang binitiwan niya. Nilingon naman ni Jack si Mark.

“What’s the problem? You know how I work. Kung hindi nila kayang ibigay ang 100% nila ay hindi sila nararapat sa aking team. I worked really hard to be number 1 kaya hindi ko kailangan ng magpapababa ng rank ko sa kompanyang ito,”sagot ni Jack.

“What? I’m not talking about that,” nalilitong sagot ni Mark. “Wait… oh my God! No one told you yet?!” hindi makapaniwalang saad pa ni Mark.

“What? Ano bang meron? Come on, tell me!” halos sumigaw na sabi ni Jack kay Mark.

“Well… I don’t want to be the one to tell you this, but I guess I have no choice…” huminga ng malalim si Mark, “Marie… she killed herself. Nahanap yung katawan niya sa kwarto. Nagbigti siya,” malungkot na balita ni Mark sa nangyari sa dalaga.

Natulala na lamang si Jack sa sinabi ni Mark. Hindi siya makapaniwala sa kanyang narinig. Ang babaeng kanyang nakita kanina lamang ay p*tay na.

Nagpaalam si Mark na babalik na raw sa kanyang office, naiwan namang tulala pa rin si Jack. Hindi malaman ng lalaki kung ano ang gagawin, halo-halong emosyon ang nararamdaman niya.

Lumabas muna ang siya sa kanyang opisina upang pumunta sa banyo. Naghilamos muna siya upang mahimasmasan ng kaunti. Nakatingin siya sa sarili sa salamin habang iniisip kung ang pagpapatalsik ba niya sa dalaga ang dahilan ng pag papatiwakal ni Marie? Nagulat ang lalaki ng may sumagot sa kaniyang likuran.

“Oo… oo, ikaw nga…“ sa gulat ay napatakilod agad ito at nanlalaki ang matang tumingin sa kanyang likuran. Alam na alam niya ang boses na iyon dahil halos memorized ni Jack ang boses ng dalaga dahil lagi itong napapagalitan sa opisina niya.

“Wala kang ginawa kundi gawing impyerno ang buhay ko. Ngayon, ipatitikim ko sayo ang totoong impyerno!” tumakbo ang babae patungo sa kanya. Rinig na rinig ni Jack ang tunog ng nababali nitong leeg at dumudugong bibig at kung paano ito maghabol ng hininga.

Sa takot ni Jack ay tumakbo ito palabas ng CR at dali-dali siyang papasok sa kanyang opisina, ngunit nakita niya na sinusundan siya ni Marie habang gumagapang. Hindi niya malaman ang gagawin dahil parang kahit saan siya magpunta ay matutunton pa rin siya ng dalaga.

Wala nang tao sa paligid dahil oras na ng trabaho, kaya naman nasa sariling station na ang mga agents. Wala namang makarinig sa kanya dahil soundproof ang mga room doon.

Unti-unti nang nawawalan ng pag-asa si Jack nang makitang duguan na rin ang mga sahig na ginagapangan ni Marie. Umiiyak na siya sa takot at hindi na makatakbo ng maayos.

Parang natanggalan siya ng tinik sa dibdib nang makita ang fire exit sign sa dulo at may pintuan palabas. Laking pasasalamat niya na makakatakas na siya sa babaeng gustong maghiganti sa kanya. Sa sobrang bilis tumakbo ni jack ay hirap na pigilan nito ang sarili at pumreno, kaya naman pag kabukas ng pinto ng fire exit ay tuloy-tuloy ang pagtakbo ng niya, hindi niya alam na ang fire exit na ‘yun ay bakal na hagdanan lamang sa gilid ng building.

Ang akala niyang fire exit ay ang hagdan na may pader na tatakbuhan pababa. Nanlaki ang mata ng lalaki dahil hindi na niya napigilan ang sarili sa pagtakbo. Nasa 10th floor pa naman siya. Tuloy-tuloy ang kanyang pagtakbo hanggang sa nahulog siya doon.

Naging mabilis ang pagbagsak niya habang nakatingin sa taas. Bali-baling buto at basag na ulo ang natamo ni Jack. Bago bawian ng buhay ang lalaki ay parang narinig niya sa kanyang isip na bumulong si Marie na nakikita niya noon na nakatingin sa kanya sa 10th floor fire exit.

“Hihintayin kita sa dilim,” ang sabi ng dalaga bago bawian ng buhay ang aroganteng Team Leader nila.

Napag-alaman na ang agent na si Marie na lamang pala ang bumubuhay sa kanilang dalawa ng kanyang lola at nung oras na sinesante ay nasa ICU na ang matanda. Sinabi ng Hospital na kung hindi ito makakabayad nang araw na iyon ay tatanggalan na ng mga tubo na bumubuhay sa matanda. Dala ng matinding pag-iisip, depresyon, at galit ay nagbigti na lamang ang dalaga upang matapos na ang paghihirap niya na kanyang natatamo sa mundong ibabaw.

Advertisement