Inday TrendingInday Trending
Inakit Niya ang Ginoong Kustomer Upang Makabenta; Ito Pa Pala ang Lalong Makapagbibigay sa Kaniya ng Problema

Inakit Niya ang Ginoong Kustomer Upang Makabenta; Ito Pa Pala ang Lalong Makapagbibigay sa Kaniya ng Problema

Wala pang isang taon sa pinagtatrababuhang tindahan ng mga damit ang dalagang si Joan ngunit nararamdaman na niyang ano mang oras, ito ay magsasara na dahil sa tumal ng kanilang benta.

Tatlo silang tindera roon at ni isa sa kanila ay hindi nakakabenta kahit isang damit sa araw-araw dahil sa dami ng mga bagong tindahan ng mga damit na nakapaligid sa pinagtatrababuhan niyang tindahan.

“Paano kaya tayo makakabenta, ano? Kailangan nating makabenta ano man ang mangyari dahil kung hindi, tiyak na mawawalan tayo ng trabaho! Magba-bagong taon pa naman, malas ‘yon kapag wala tayong pera sa bulsa kapag nagbukas ang panibagong taon!” pag-aalala ng pinakamatanda sa kanilang tatlo habang nakatulala sa mga paninda nilang damit.

“Oo nga, eh, kahit ako namomroblema na agad! Nakita ko pa ‘yong laki ng kailangang bayaran ni boss sa renta at kuryente sa tindahang ito! Malamang, hindi na niya tayo masuswelduhan nang tama kapag nagtuloy-tuloy ang tumal ng mga paninda natin!” segunda pa ng kaibigan niyang si Yolanda na nakapagpabuntong-hininga sa kanilang tatlo.

“May naiisip ba kayong paraan para matulungan natin si boss na makabenta at hindi tayo mawalan ng trabaho?” tanong niya sa mga ito.

“Mang-akit kaya tayo ng mga kustomer? Kapag may lalaking kustomer na nagpunta rito, haplos-haplusin niyo lang at tiyak na makakabenta tayo!” sagot ni Yolanda habang pinapakita pa ang kaniyang dibdib dahilan para magtawanan silang tatlo.

“Aba, magandang ideya ‘yan, ha?” pagsang-ayon niya rito, gagayahin niya sana ang ginawa ng kaniyang kaibigan nang bigla niyang makitang may sasakayang tumigil sa harapan ng kanilang tindahan at may bumabang gwapong ginoo, “Mukhang maisasakatuparan ko na agad ang plano natin, ha? D’yan lang kayo!” ngisi niya sa mga katrabaho saka agad na sinalubong ang kustomer.

“Magandang hapon, sir! Ano pong hanap niyo? May mga tuxedo po kami rito, T-shirts, shorts, at iba pa!” bungad niya rito habang unti-unti binababa ang kaniyang damit.

“Ah, eh, teka lang, pwede bang mamili muna ako? Kailangan ko sana ng damit para sa nalalapit na pagpupulong na pupuntahan ko. Kailangan ko ng isang pormal na damit,” ilang nitong sagot.

“Naku, halika rito, sir! Nandito ang lahat ng pormal naming damit!” yaya nito saka niya ito hinawakan sa kamay at dinala sa lugar kung nasaan ang mga paninda nilang pormal na damit, “Subukan niyo po ito, sir, dali! Bagay na bagay po ito sa inyo!” sabi niya pa rito nang makakita siya ng isang mahal na damit.

Habang nagtatanggal ito ng damit upang magsukat, patuloy niya itong pasimpleng inaakit. Todo hawak siya sa dibdib nito at lumuluhod pa siya sa harapan nito.

Kaya lang, nang ibobotones na niya ang long sleeves na pinasuot niya rito, isang ginang ang agad na sumabunot sa kaniya at siya’y tinulak palayo.

“Ano sa akala mo ang ginagawa mo sa asawa ko, ha? Kanina ko pa pinagmamasdan ang ginagawa mo at kitang-kita ko kung paano mo siya akitin! Akala mo ba madadala mo ‘yan sa kalandian mo?” sigaw nito habang nakatutol ang kamera sa kaniya ahilan para ito’y awatin na ng kaniyang mga katrabaho, “Halika na, mahal, umalis na tayo rito! Ibabalita ko sa mga amiga ko na mga bastos at malalandi ang mga tindera rito! Sana nga malugi na ang boss niyo!” sigaw nito sa kaniya.

Bago pa man magamot ng kaniyang mga katrabaho ang sugat na natamo niya, sumugod na roon ang kanilang boss at siya’y labis na sinermunan.

“Kalat na kalat sa social media ang bidyo ng panlalandi mo sa isang lalaking may asawa! Tingin mo ba makakatulong ‘to sa pag-angat ng negosyo ko? Umalis ka na rito at huwag ka nang magpapakita pa sa akin!” sigaw nito sa kaniya na nagpaguho ng mundo niya.

Hindi lang trabaho ang nawala sa kaniya sa ginawa niyang iyon pati dangal niya ay nawala na rin. Nagalit din ang mga kaibigan at ilang kapamilya nang makita ang ginawa niya sa social media.

“Gusto ko lang naman mapanatili ang trabaho ko, eh, bakit naman kasi maling paraan ang naisip ko at ng mga katrabaho ko? Ngayon tuloy, ako lang ang walang trabaho,” iyak niya habang yakap-yakap ang sariling unan.

Hirap man siyang muling makahanap ng trabaho dahil sa ginawa niyang iyon, isang malaking aral naman ang kaniyang natutuhan.

“Nagkamali man ako, ngayon alam ko nang hindi ako magtatagumpay kapag maling paraan ang ginawa ko,” sabi niya sa sariling social media account na umani ng iba’t ibang komento.

Ilang buwan pa ang lumipas, sa wakas ay may isang kumpanya ang muling tumanggap sa kaniya at simula noon, nangako siyang hindi na muli gagawa ng kalokohan na makakasira sa dangal ng kumpanya.

Advertisement