Pinagdamutan ng Tiyahin ang Kanyang Pamangkin, Napahiya Siya ng Matuklasan Nito ang Pinakatatago Niyang Sikreto
“Tita pwede po ba makahiram ng kahit 300 pesos lang po? Kailangan ko po kasi para sa project ko po sa school. Hindi po kasi makapagpadala sa akin si Nanay dahil hindi pa daw po sila pinapasahod ng amo niya.”
Mahabang ika ni Lyren sa kanya tiyahin. Kakatawag lang kasi nanay niyang OFW at sinabing hindi muna ito makakapagpadala dahil sa problema sa trabaho.
“Manghiram ka muna sa Tita Usta mo. Sabihin mo babayaran naman natin pagkasahod ko. Tutal eh may utang siya sa akin noon hindi ko na nga lang siningil.”
“Ay naku, Lyren! Wala akong pera ngayon. Huwag ako ang perwisyuhin mo!” inis na turan ng tiyahin sa kanya.
“Sabi po kasi ni Nanay sa akin ay may utang po kayo sa kanya dati. Pero hindi niya naman po kayo sinisingil. Uutang lang po sana kami para po sa pang-project ko. Kailangan ko na po kasi. Isang linggo na po akong late doon.”
Umirap ang kanyang tiyahin, “Huwag mong isumbat sa akin ang utang ko sa ina mo dati! Kung tutuusin ay kulang pa yun kabayaran sa utang na loob niya sa amin!”
Napayuko siya, “Sorry po.”
“At isa pa, ang nanay mo naman ang uto utong nagsabing huwag ko nang bayaran yun! Kaya umalis ka na sa harapan ko dahil wala talaga akong ni singko ngayon.”
Nang tumalikod siya nang tuluyan sa galit na tiyahin ay hindi na napigilan pa ni Lyren ang pagpatak ng kanyang luha. Iniisip niya kung paano siya makakapasok bukas gayong wala pa siyang project, miski pambaon sa school.
Kinabukasan ay nagbaka sakali siyang muli sa kanyang tiyahin. Ngunit wala ito sa bahay. Kung kaya naman nagpasya siyang hintayin muna ito. Wala naman kasi siyang choice dahil kung hindi siya makakahiram dito ay hindi na naman siya makakapasok. Malapit na siyang idrop ng kanyang guro.
Hindi naman siya mapagkatiwalaang pautangin ng ibang tao dahil sa batang edad niya. Kinse anyos pa lang siya. Walang matinong tao ang magtitiwalang pautangin ang batang tulad niya. Bukod doon ay hindi rin siya makahanap ng part time job dahil at least 17 years old daw ang tinatanggap at kailangan pa ng parent’s consent. Hindi naman makakagawa ang nanay niya dahil nasa ofw ito sa ibang bansa. Ang tatay niya naman ay hindi niya alam kung nasaan na.
Ang alam niya lang ay isa itong foreigner na iniwan daw silang mag ina nang umuwi ito ng Canada.
Nagulat siya nang may biglang bumagsak sa may cabinet ng kanyang tiyahin. Tinignan niya iyon at nakita niya ang sumabog na mga envelope. Nasanggi pala iyon ng pusa ng kanyang tiyahin.
“Linox, lagot ka kay tita. Sinabog mo ito.”
Dinampot niya ang mga envelope at papel na sumabog. Ngunit sa pagdampot niya ng mga iyon ay nagulat siya nang makita ang lumang litrato ng kanyang ina na may kasamang foreigner. Maya maya ay narealize niyang ang ama niya ang nasa litrato. Hindi man niya masyadong matandaan ang mukha nito, ramdam niya sa puso niya nang makita niya ang mga mata nito.
Lalo pang nagpakumpirma sa kanya ng hinala nang makita niya ang buong pangalan nito sa likod ng litrato at mga sulat. Mas kinagulat niya ang kaalaman na nagpapadala pala sa kanyang tiyahin ang kanyang ama ilang taon nang nakalilipas.
Naroon lahat ang patunay sa sulat ng kanyang ama na kinakamusta sya noon pa man. Tila nagpapanggap ang tiyahin niya na nanay niya dahil sa paraan ng pagsulat ng kanyang ama ay tila tuwang tuwa ito sa mga ibinabalita sa kanya.
“I am glad that you and our daughter are doing really well. I hope that the money I am sending you will be helpful for you and our child.”
Napaluha siya sa nababasa. Doon rin saktong dumating ang kanyang tiyahin. Tinignan nya ito ngunit walang reaksyon ang mukha nito.
“Ano pong ibig sabihin nito, Tita?”
“E-ewan ko! Wala akong alam dyan!” anito na hindi tumitingin sa mga mata niya.
Maya maya pa ay tila nakonsensya na ito sa ginawa dahil pinaliwanag rin nito ang mga nangyari. Ilang taon na daw nagsusustento ang kanyang ama mula Canada. Ngunit dahil hindi nila alam iyon ng kanyang ina, kung kaya naman ang tiyahin niya lahat ang nagpapakasasa doon. Nagpanggap nga rin daw itong nanay niya.
“Patawarin mo ako. Pangako sasabihin ko na sa mga magulang mo ang katotohanan. Ito,” sabay abot ng 500 sa kanya. “Gamitin mo ito para sa eskwela mo. Patawarin mo ako. Nadala ako sa pera.”
Hindi pa man niya lubusang natatanggap ang pangyayaring iyon. Nagdesisyon siyang unawain ito at kahit paunti unti ay pag aaralan niyang pag-aralan na patawarin ang ginawa ng kanyang tiyahin.
Dahil sa pamamagitan noon ay luluwag ang kanyang pakiramdam at magiging payapa ang isipan.