Inday TrendingInday Trending
Tuwang-Tuwa ang Mag-Asawa nang Dumating ang Isang Sanggol sa Kanilang Buhay; May Kapalit Palang Sama ng Loob ang Biyayang Iyon sa Kanila

Tuwang-Tuwa ang Mag-Asawa nang Dumating ang Isang Sanggol sa Kanilang Buhay; May Kapalit Palang Sama ng Loob ang Biyayang Iyon sa Kanila

Advertisement

Pitong taon nang mag-asawa sina Drei at Jea ngunit wala silang anak. Isang araw ay may iniuwing sanggol ang lalaki sa kanilang bahay.

“Honey, narito na siya! Ang sanggol na ito ang sinasabi kong anak nung disgr*syadang babae na humingi ng tulong sa amin sa foundation. Gusto niyang ipaampon itong bata dahil wala siyang trabaho at maipapakain kaya ako na ang umampon. Binigyan ko ng pamasahe pauwi sa Mindanao ‘yung babae. Nangako naman siya na kahit kailan ay hindi na niya babawiin sa atin ang bata,” wika ni Drei sa asawa.

“Talaga ba, honey? May anak na tayo! Ang cute naman ng baby na ito! Sa wakas ay magiging mommy na ako!” tuwang-tuwang sagot ni Jea saka kinarga ang sanggol na lalaki.

Inayos din ni Drei ang mga papeles ng bata. Ipinalagay niya sa birth certificate nito na silang mag-asawa ang nanay at tatay para ganap na ang kanilang pagiging magulang.

“Pabibinyagan natin siya at papangalanang Jeandrei, mula sa pingsamang pangalan nating dalawa. ‘Di ba, maganda ‘yon?” tanong ni Drei.

“Okay sa akin ‘yon, honey,” tugon ni Jea.

Nagawa nilang ampunin ang bata dahil kahit kailan ay hindi na magkakaroon ng anak si Jea. Isa siyang baog at walang kakayahang makabuo ng bata sa sinapupunan ngunit kahit ganoon ang kalagayan ni Jea ay mahal na mahal pa rin siya ng mister. Naging mas masaya ang pagsasama nilang mag-asawa nang dumating sa buhay nila si Jeandrei.

“O, babay na sa anak kong guwapong-guwapo na mana sa daddy! Magtatrabaho muna ako anak ha, pambili ng gatas mo,” paalam ni Drei sa anak sabay halik sa pisngi nito.

“Ingat ka, honey. Uwi kang maaga ha?” wika naman ni Jea.

“Oo naman. Ikaw na muna ang bahala sa baby natin, honey! Um!” sagot ng lalaki saka hinalikan sa labi ang asawa.

Lumipas ang panahon at tatlong taong gulang na ang anak nilang si Jeandrei. Dahil sa bata ay nagkakulay muli ang samahan nilang mag-awa at nagkaroon ng kabuluhan ang kanilang pagsisikap. Subalit isang araw ay may dumalaw sa kanilang bahay na hindi nila inasahan.

“Magandang umaga, a-ako si Wena… ang tunay na ina ni Jeandrei,” sabi ng babaeng bisita.

Nang araw na iyon ay wala sa bahay si Drei at ang mag-ina lang niya ang naiwan. Labis na ikinagulat ni Jea ang ipinagtapat ng babae sa kanya nang mag-usap sila.

“Hindi na ako magpapaliguy-liguy pa. Ang totoo ay ako ang ina ng batang ‘yan na kinikilala mong anak. Ako ang naging babae noon ng asawa mong si Drei. Sa akin siya palaging nagpupunta noon sa tuwing nagkakaroon kayo ng pagtatalo dahil sa hindi kayo magkaanak. ‘Di naman sinasadya na nabuntis niya ako. Nagkaroon kami ng kasunduan na pagkapanganak ko’y hindi na ako magpapakita o manggugulo sa inyong pagsasama, pero hindi ko magawa dahil hindi ko pala kayang mawalay sa akin ang anak ko,” bunyag ng babae.

“A-ano? A-anak niyo ni Drei si Jeandrei?” naluluhang tanong ni Jea sa kausap.

“Oo, kaya narito ako para bawiin na ang anak ko,” matapang na sagot ni Wena.

Maya-maya ay hinawakan ng babae ang braso ng bata at tangkang kukunin nang bigla siyang pinigilan ni Jea.

“Bitiwan mo siya! Hindi mo siya anak! Anak namin siya ni Drei!” giit ni Jea sa babae.

“Anong anak mo? Anak ko siya! Anak ko ito! Hindi iyo!” singhal naman ni Wena saka pilit na kinukuha ang bata.

Nang biglang dumating si Drei…

“Bitiwan mo ang anak ko, Wena! Bitiwan mo!” sigaw ng lalaki.

Panay naman ang iyak ng bata. Ayaw nitong sumama sa tunay na ina.

“Waaaa! Daddy, mommy!”

“Tumigil ka, Wena! Baka nakakalimutan mong binili ko na ang batang ito sa iyo? Si Jea at hindi ikaw ang nakatalang nagsilang sa kanya sa ospital kaya’t kahit saan tayo makarating, anak namin ni Jea si Jeandrei!” galit na sabi ni Drei sa babae.

Walang nagawa si Wena at umalis na. Hindi nito nakuha ang bata ngunit masakit para kay Jea na isiping niloko siya ng kanyang asawa.

Kinagabihan habang abala siyang nagmumuni-muni dahil sa nangyari ay bigla siyang kinulit ni Jeandrei.

“Mommy, mommy, penge d*de, mommy!”

Hindi napigilan ni Jea na ilabas ang itinatagong hinanakit.

“Hoy, tigilan mo nga ako, hindi kita anak ha? Huwag mo akong tatawaging mommy! Doon ka sa ama mong manloloko lumapit, huwag sa akin!” inis niyang sigaw sa bata.

Nag-iiyak lang ang bata saka tumakbo papunta kay Drei. Hindi makakibo at makapagreklamo si Drei sa asawa dahil alam nitong malaki ang nagawa niyang pagkakamali rito.

“Patawad, Jea. Matagal ko nang pinagsisihan ang nagawa ko noon,” pagtangis ni Drei sa isip.

Ngunit kahit anong galit ni Jea sa bata ay kinukurot ang kanyang puso sa tuwing nilalayuan niya ito.

“Nasasaktan din ako sa ginagawa kong pagtikis kay Jeandrei,” sambit ni Jea sa sarili habang pinagmamasdan ang bata na umiiyak dahil wala siya sa tabi nito.

Isang gabi, ayaw tumigil sa kakaiyak ang bata. Ayaw din nitong dum*de. Hindi na alam ni Drei kung ano ang gagawin sa anak.

“D*de ka na, anak, dali na!” sabi ng lalaki.

“Ayaw! Gusto ko mommy pad*de sa akin!” hagulgol ng bata.

Maya-maya ay tinawag siya ni Jeandrei…

“Mommy, mommy, sige na, ikaw pad*de sa akin! Mommy ko, I love you mommy! I love you!”

Doon na bumigay si Jea. Napahagulgol na rin siya. Hindi na niya kaya pang tiiisin ang anak. Bakit nga ba niya idadamay ang batang wala namang kamalay-malay? Nilapitan niya ang bata at kinarga.

“Shhh! Tahan na, anak! Karga ka na ng mommy! O, ito na ang d*de mo. Sorry, anak kung nagalit si mommy, hindi na ulit ako magagalit sa inyo ng daddy mo dahil mahal na mahal ko kayo!” tugon niya.

‘Di na nakapagsalita pa si Drei sa tagpong iyon. Wala na ang bigat sa kanyang dibdib dahil alam niya na ibinigay na ni Jea sa kanya ang pagpapatawad.

“Salamat, honey, salamat,” bulong ni Drei sa isip.

Sa puso at isip ni Jea, hindi man nanggaling sa sinapupunan niya si Jeandrei, hindi man sila magkadugo ay siya pa rin ang ina ng bata dahil ito ay hulog ng langit sa kanilang mag-asawa.

Mula noon ay hindi na nagpakita pa sa kanila si Wena at muling naayos ang pagsasama nila ni Drei. Muli niyang pinagkatiwalaan ang asawa at namuhay na masaya kasama ang kanilang anak na si Jeandrei.

Advertisement