Inday TrendingInday Trending
Binalak Ipatumba ng Babae ang Mayamang Nobyo Para Akitin ang Tatay Nito, Pero Siya Pala ang Tatamaan ng Kanyang Maitim na Plano

Binalak Ipatumba ng Babae ang Mayamang Nobyo Para Akitin ang Tatay Nito, Pero Siya Pala ang Tatamaan ng Kanyang Maitim na Plano

Bago palang na mag-nobyo sina Scarlet at Ronnie. Hindi naman totoong mahal ng babae ang nobyo, bagamat gwapo ito, mas mahal niya ang pera ng lalaki.

Galing kasi sa mayamang pamilya si Ronnie at nag-iisang anak lang. Hindi magtatagal, ito ang magmamana ng lahat ng negosyo at pag-aari ng kanilang angkan.

“Come on love, I’m sure na magugustuhan ka ni Daddy,” excited na sabi ni Ronnie kay Scarlet, akay siya nito papasok sa loob ng malaking bahay. Ngayon siya ipakikilala ng nobyo sa daddy nito.

Sinuklian niya naman ito ng ngiti, masyado siyang busy na tumingin sa paligid. Grabe ang mga materyales sa bahay, masasabi mo talagang mayaman. Isang lampshade lang yata ay kaya na siyang buhayin ng ilang buwan kapag ibinenta niya.

Napasulyap siya sa isang malaking larawan sa salas ng mga ito, naroon si Ronnie na sa tingin niya ay teenager palang. Nakaupo ito habang ang mga magulang ay nakatayo sa likod. Nagtagal ang paningin niya sa nanay ng nobyo.

“Ang ganda niya..” bulong niya. Nagniningning ang mga mata dahil sa suot ng babaeng mga alahas. Grabe, sana maging ganoon rin siya pagdating ng araw. Tipong maliligo sa limpak limpak na salapi.

“Si mom, kaya nga sobrang lungkot namin ni daddy nang pumanaw siya three years ago. Napakahirap mawalan ng nanay. Kami nalang ni daddy rito.” medyo lumamlam ang tinig ng binata nang sabihin iyon.

Ilang sandali pa ay natanaw na nila ang ama ni Ronnie na bumababa ng hagdan. Kahit na may edad na ay matikas pa rin ito, hindi magpapahuli sa kagwapuhan ng anak. Napangisi si Scarlet dahil sigurado siya, sobrang mahal ng relong suot ng lalaki.

“Hija, sa wakas ay nakilala rin kita. My son won’t stop talking about you. Sobrang inlove sayo,” sabi nito na inilahad ang mga kamay.

Tinanggap naman iyon ni Scarlet at matamis na ngumiti, “Pleased to meet you sir.”

“No! My goodness, don’t call me Sir! Tito Ricardo is fine. Come on, dinner is ready.”

Nang gabing iyon ay masayang nagsalu-salo ang tatlo at isang plano ang nabuo sa utak ni Scarlet.

Hindi pa ganoon katanda ang ama ni Ronnie, kung hihintayin niya pa itong mamatay para pamanahan ang nobyo niya, matatagalan pa. Bukod doon, mukhang mas mautak ito at mas tuso sa negosyo. Mas kaya siyang payamanin.

Kaya naman naisip niyang akitin ang matanda. Pero bago iyon, aalisin niya muna sa landas niya si Ronnie. Ang laki laki ng ngiti niya dahil tiyak niya ngayong taon ay magiging donya siya!

“Sa Tagaytay kami magse-celebrate ng monthsary. On the way there, dun sa medyo masukal na daan at walang tao magkukunwari akong naiihi.Pagbaba ko ng kotse, doon mo siya atakihin. Siguruhin mong patay ha. Bibigyan kita ng 300k basta maging matagumpay lang ang plano ko. Okay?” sabi niya kay Melchor sa telepono, ang kakutsaba niyang itumba ang nobyo. Hindi niya pa ito nakikita at may nakapagsabi lang sa kanya na magaling raw ito.

Napa-palatak naman ang lalaki sa kabilang linya, “Ang labo mo naman eh. Taragis, magpapaiwan ba naman sa kotse yon? Syempre sasamahan ka noon umihi!”

“Hindi na! Wag mo kong pakialaman okay? May plano na ako. Mag-iinarte ako na nahihiya. Hindi iyon sasama kasi hindi pa naman kami nagse-sex. Tuod yun. Maiilang sa akin, gets mo? Pag sure na tegi na siya, doon ako babalik mga after 15 minutes tapos palalabasin kong na-tyempuhan kami ng baliw at sinaktan siya.

Ikaw naman, basta tumakbo ka na. Ako ang magiging karamay ng daddy niya sa kalungkutan hanggang mahulog ang loob sa akin ng matanda,” nakangising paliwanag niya. Hahamakin talaga ang lahat para sa pera, kahit pa pumatay ng tao.

Plantsado na ang lahat, alas siyete ng gabi ay kasalukuyan nang nagmamaneho si Ronnie sa masukal na lugar. Katabi niya si Scarlet na nagsisimula nang umarteng naiihi.

“Babe okay ka lang ba? Naku ka, sabi ko sayo dapat kanina sa gasolinahan kana umihi eh.”

“I-Itabi mo nga babe. Puputok na ang pantog ko,” sabi ni Scarlet.

“Huy, ang dilim dilim rito. Tsk, di ka na ba makakahintay kahit na 20 minutes sana baby?”

“Hindi na itabi mo na!” agad itinigil ng lalaki ang kotse. Bumaba si Scarlet, akmang sasamahan siya ni Ronnie pero nag inarte siya.

“Hindi kita pwedeng hayaan, kita mong napakadilim rito.” tiim bagang na sabi ng lalaki.

“Sige na babe. Sobrang n-nahihiya talaga ako eh.Stay ka na lang sa car please? You respect me right?”

Napabuntong hininga nalang si Ronnie, “Sige, pero sumigaw ka lang okay. Dito lang ako,” sabi nito at sumandal sa gilid ng sasakyan.

Tumango si Scarlet at nagsimula nang pumasok sa kasukalan. Nagpakalayo siya at naghintay ng mga 20 minutes. Nakangiti pa siya nang bumalik, tiyak niyang tigok na ang nobyo. Tigok na ang sagabal sa pagyaman niya.

Medyo nagtaka lang siya dahil naiwang bukas ang kotse at wala ang lalaki. Ah, baka sa malayo dinispatsa ni Melchor.

Sumakay siya sa kotse at umupo, naghahanda para sa magandang drama sa mga pulis. Akmang ida-dial niya na ang number ng police station nang may kumatok sa bintana ng kotse.

Nakangiti ang lalaki, marumi ang damit at may uling-uling ang mukha.

“Melchor? Ano yan? Talagang pinanindigan mo ang baliw role mo no? G*go,” natatawang sabi niya sa loob ng sasakyan. Ibinaba niya lang nang kaunti ang bintana.

“Twinkle twinkle little star, how I wonder what you are.. Up above the world so high, like a diamond in the sky..”

“Ptang inang ‘to, todo acting pa rin. Yung pinapagawa ko ba nagawa mo na? Tatawagan ko na kasi ang pulis ggo, magpakalayo kana.” sabi niya na bahagya lang itong sinulyapan, abala siya sa cellphone niya at nag-iisip ng susunod na hakbang.

Sa halip na sumagot ay inikutan lang ng lalaki ang kotse niya. Dahan-dahan ito sa paglalakad at umiindayog ang katawan, habang kumakanta ng Twinkle Twinkle Little Star.

“T*ngina mo patawa ka? Baka hindi kita bayaran diyan.” nagsisimula na siyang maasar at aminin niya man o hindi, natatakot na siya.Hindi niya akalain na ganito ito sa personal, mukha namang matino kausap sa telepono.

Ilang sandali pa ay tumunog ang cellphone niya, medyo napakunot ang noo niya nang mabasa kung kanino galing ang text.

Kay Melchor.

Babasahin niya na ang mensahe nang lumitaw ang lalaki sa tapat ng bintana niya.

“Hoy g*go lakas trip ka ha! Magte-text tapos manggugulat, sasampalin na kita!” sabi niya, nagmamadali niyang isinara ang bintana.

Halos masuka siya nang may kunin ang lalaki sa bulsa nito.

Isang putol na daliri.

Itinapat nito iyon sa bintana at parang ipinapainggit pa sa kanya.

“Twinkle twinkle little star!” sabi nito, kinain ang daliri.

Hindi niya na kaya. Nakakadiri na, sabi niya ay patayin lang. Wag kainin. Muli siyang sumulyap sa cellphone para tumawag na ng pulis.

Bahala nang mahuli ito, tutal ay baliw naman. Itatanggi niya nalang kapag ikinanta siya. Tiyak niyang walang maniniwala sa itsura palang nito.

Bago siya tumawag ay napindot niya ang mensahe mula kay Melchor. At halos himatayin siya.

Sensya kn Scarlet mdyo mahuhuli ako ng dating. Wilihin m muna c Ronnie, ako tu2mba dyn pgdating ko. Twgan nlang kita, landiin m muna

Hawak-hawak niya ang dibdib nang tumawag ito, “Hello?! T*ngina ano ba?!” natataranta nang sabi niya. Lumilingon-lingon pa siya, wala ang lalaki sa paligid.

“Sorry na, nagka-aberya. May pulis kasi sa daanan ko kanina. Saglit nalang nandyan na ako.” sabi ni Melchor sa kabilang linya, alam niyang di nagsisinungaling ito dahil naririnig niya ang tunog ng motor ng tricycle.

“K-kung ganoon, sino itong-” hindi niya na natapos ang sasabihin nang bumukas ang pinto ng kotse.

“Twinkle twinkle little star, how I wonder what you are!”

Tahimik na tumayo si Ronnie mula sa pagkakaluhod, kasalukuyan siyang nagdarasal at todo ang pasasalamat. Isang buwan na rin ang nakakalipas pero hindi pa rin siya makapaniwala.

Una, na wala na si Scarlet. Pangalawa, na pinagtangkaan nito ang buhay niya.

Ilang minuto lang noon nang magpaalam na iihi ang babae ay di siya nakatiis at sinundan na ito. Ang layo ng narating niya pero wala ang nobya, malas pa dahil nalaglag ang susi ng kotse sa kasukalan.

Hinanap niya iyon, sinubukan niyang contact-in ang dalaga pero walang signal.

Pagbalik niya ay bukas na bukas ang kotse at may bakas ng dugo sa upuan. Halos atakihin siya sa takot nang makita ang putol na tenga ng babae sa passenger’s seat, alam niyang kay Scarlet iyon. Dahil siya ang nagbigay ng hikaw na suot nito.

Dali-dali siyang nagpunta sa police station at ini-report ang pangyayari. Nang maghanap ang mga pulis ay natuklasan na isang lalaking wala sa katinuan pala ang gumagala sa lugar na iyon at siyang salarin sa pagkawala ng ilang tao.

Ito rin ang bumiktima kay Scarlet. Na-recover ang cellphone ng babae at tumambad rin ang masamang plano nito laban sa kanya.

Sa kasalukuyan ay nailibing na ang dating nobya habang nakakulong naman si Melchor.

Laking pasasalamat ni Ronnie dahil nakaligtas pa rin siya. Ang bilis ng karma kay Scarlet at sa ganoong paraan pa.

Ngayon ay natuto na siya na kilalanin munang mabuti ang babaeng mamahalin.

Advertisement